Posted by: teentoinks | November 10, 2009

Dows wer da deys!

Sa tagal kong nawala, nanimdim, nakiramdam, nagtampisaw, nag – alangan, nahimlay, nanabik,  nagmasid, nanaginip, nagmuni-muni, nangarap at nagpantasya, dapat lang mabuhay ang dugo sa muling pagbangon sa aking mga kahibangan.

Panggulong kasabihan: In moving on, you don’t have to forget everything. You can always think about him and still move forward.

Scene: Sementeryo: sa nag-aagaw na dilim at liwanag, sa tabi ng puntod ng mahal sa buhay, ikaw at ako (pero di naman tayo)… magkatabi. (how touching). HOY UNDAS KASI!

Sa buhay natin, dumarating ang isang bagay na minsan di mo rin inaasahan. Gaya ng “love”, tama yan, pero minsan mali… haha nagulo ka rin ba ng love? Ok then… moving on,  minsan ko lang maging topic ang love dito sa blog ko kaya sulitin na.

Madalas rin natin naging tagpuan ang sementeryo, haha creepy! hindi naman kahibangan pero kadalasan yun lang din ang pagkakataon na ikaw at ako (pero di tayo) ay magkita na may kahabaan ang bakasyon dahil undas. At dahil ikaw at ako pero di tayo ang tema ng usapan, aaminin ko na minahal kita. Pero bakit unti unting nawala, naglaho at ang pusong sawi ay nanatiling sawi sa inaasam na TAYO! Mahaba habang proseso ang pinagdaanan ko, dumating ako sa in-denial stage, yung tipong may magtatanong satin kung tayo nga ba… pero ang isasagot ko “hinding hindi.. at hindi pwedeng mangyari”, potek.. ang plastic mo teentoinks! May times naman na nagpapaka sweet sweetan ka.. yung tipong “love you”, “wag ka muna magBF ha, di ko pa kaya” at ang walang katapusang “mawalan na ko ng sampung girlfriends wag lang ikaw”… takte, ganyan ka ba kababaero?  At si teentoinks na kinikikilig kilig pa… nagpakatanga at naniwala sa isang kasabihang… ‘love is blind’…potek pang grade one! Haha hays.. those were the days! Mga panahon na minsan lunod na lunod na ko pero umaasang sana sagipin mo ko, pero walang nangyari kungdi nalunod lang ako, gang maisipan kong sumabay na lang sa agos… ang magpakalayo layo, ang umiwas yung tipong may falls akong babagsakan para di na kita masundan ng tanaw. Wushu!

Ok moving on, pano nga ba nag umpisa ang pagiging sawing palad? Haha.. Well, katangahan lang naman. Alam mo yung feeling na aasa ka sa isang relasyon na akala mo may patutunguhan, pero in the end…. wala naman pala. Kung tutuusin, pasaway lang naman talaga ang puso eh, kahit ilang beses na idikta ng utak na walang mangyayari ganun pa rin. Well, naalala ko lang din ang sabi ng friend ko na ang utak inalagay mas mataas sa puso, so dapat lang maging dominante. Pero there are things na hindi kailangan ng pag-iisip kasi nakakaramdam ka… sabi nga “when in doubt listen to your heart, for the mistake of the heart is not as foolish as the mistake of the mind”, potek… ganun din ang ending… utak or puso ang gamitin.. parehas masakit pa rin!

Anyhow, those were the days. Isang pinaglipasan na ng panahon, di ko napansin unti unting nawala ang lahat. Di ako sigurado kung nagsawa na ba ang puso ko sa kakasigaw sa bingi mong puso or sadyang lumipas lang ang panahon na hindi ko namalayang unti unti ka na lang palang nagiging isang ala-ala.

 At gaya ng isang kandilang pinagmamasdan ko nun undas, ang kandilang unti unting nalulusaw kasabay ng ala-alang nagdaan sa isang parte ng buhay ko, hinayaan kong malusaw dahil siguro sawa na rin ako sa isang liwanag na hindi ko alam kung kelan tatagal pero ang katapusan pa rin ay malulusaw, manghinayang man pero mananatiling isang lusaw na wakas ang lahat.

Mapanirang kasabihan: Sometimes memories tie up the heart. But the heart, by meeting new people, can be set free. And now, it can fly… towards the future.

Advertisements

Responses

  1. Teentoinks! Hay… Ganyan din sana ako.

    • Time heals all wounds…. sometimes we’re dreaming of a perfect situation, time and love but the whole world is imperfect yet so beautiful.

  2. parang nararamdaman ko na na may magmamadre. :p

    • Alex Compton huh! HOY! Minsan ka na nga lang magparamdam…. palinghado pa! Madre ka jan…. TSSSEEEEEEEEE! Nag txt sakin si Lord sabi “wer k n? jan k n lang!

  3. parang ganyan ang mga kwento ng mga sisters sa convent.

    • Waaahhhh…. HA-BA-GAT!!! Huy… di ka man lang nag iwan ng link at ng mabulabog sana ang e-hws mo. Hahanapin kita!

      Parang gusto ko na i-delete tong entry na toh! wahaaha..

      • haha si kalabaw to! nyaaaaaaaa!

        • Sabi na nga ba… parehas lang kasi halos ng IP nyo eh! KALABAW ka! 🙂

  4. Wag mong i-delete. Ui, nga pala off-topic lang. Nakita na kita. Hehe…

    Sis. Toinkz! Haha… I mean sana ganun din ako magmahal. Madali kasi sabihing “oo mahal kita” pero yung feelings wala. Buti nga sya kahit hindi sila eh, alam nya na ung pakiramdam magmahal. Kesa, may nagmamahal nga sayo… Pero di ka naman in-love, madaling sabihin pero di maramdam. Sana ganun, masaktan ako para alam ko nagmamahal ako!

    Sorry naman, nag-inarte ako rito. Haha!

    • Nakita mo ko? Eh, nakita ba kita? Sino taya? hehe

      Seriously, pano mo ko nakita? San? Bakit? Huh? Bat ang dami ko tanong? hehehe

      Sis. Toinkz ka jan… TSE! at isa pang TSE! Umayos ka anjong! hehehe

      Tama nga, hindi lahat ng nagsasabi ng “love you” or “mahal kita” ay sincere. Ikaw, sa mga kwento mo parang heart breaker ka eh noh!? joke! hehe Nakakamiss din pala yung feeling na masaktan ka dahil nag mahal ka…

      Oks lang… mag inarte dito, kahit anong mood pwede! Ciao!

  5. naks! para lang si Joe D Mango kung magkwento ah! ang daming laman! ang daming ibig sabihin!

    nice entry!

    • Joe D Mango ka jan… Dear Ate Charing kaya yan! hehe

      Haha maraming laman? daming ibig sabihin? Wushuuu… di nga? hehehe Tenchu!

  6. una- putek nga tin! ayus ahh!! 🙂

    pangalawa- Mapanirang kasabihan: Sometimes memories tie up the heart. But the heart, by meeting new people, can be set free. And now, it can fly… towards the future. -nice one!!

    be safe!! 🙂

    • Una – potek len… ayos ba? hehehe
      Pangalawa – mas maganda yung unang kasabihan len.. bilis… hehe 😉

      Stay safe… Ciao ciao…

      • wwaahhh, binalikan ko talaga Tin yung unang kasabihan.. hehehe.. hhhmmmm… hehehe

        ciao din tin!! 🙂

        • Hehehe… nice diba? There is no such path as living a life without any pain… you’ve gained memories and experiences use it for you to be able to move forward and face the future! 🙂 Keep smiling Len! 🙂

  7. Sino magmamadre ikaw? Hmmmm pwedeng maging saint si sister teentoinks ah! Nakikigulo lang sa kanila.

    Seriously kapag nakaramdam ka ng sawa, pagkamanhid at nasanay ka na wala lang sigurado hindi mo na mamalayan na wala na pala ang “love” na kahit pa dumikit ang balat mo sa balat nya hindi ka na makokoryente. Pwede naman na kaya hindi mo na sya pansin dahil may bago ka na hmmm. Sino ba?

    Amen!

    Ingat po!

    • HOY NOEL.. isa ka pa! Umayos ka rin ha! haha

      Uy, nafeel ko yun.. yung kuryente… 220DC nga eh! Haha… Siguro safe to say na in our dreams and fantasies there’s a reality and thats the world we create in ourselves… Nakakapagod na lang din siguro na umasa gang masanay na sa pain na yun at maging sistema na lang ng buhay mo.

      At ano ginagawa ng AMEN na yan jan! hehe

      Ingats noel! Ciao!

  8. hmmmm….pansin ko maraming nagba-blog ngayon about moving on…

    • Hehehe… ganun ba Fr.? 😉

      • yap, about their realizations na magpatuloy na sa kanilang mga buhay buhay, to get out of the “world we create in ourselves” at mag-umpisang magpapasok ng positive vibes. maganda rin itong sinulat mo, marami makakarelate i am sure….

        • Naku father… may naiisip ka ba na couple na naiisip ko rin? ^^ just asking father baka lang kasi nagkataon lang. hehe

          Marami nga siguro makakarelate…. hmmm… (wala yata ako maisip! hehe ^^)

      • teka, naumpisahan nga din nila, itutuloy ko na: magmamadre nga ba talaga? hehe.

        • Teka rin father….
          tutal naumpisahan na nila
          at tinuloy mo na rin po…
          ako na po ang TATAPOS……

          Naku padre… malayong malayo pong mangyari. Kaya hindi po. Yan nga pong si Bon pakipalo naman minsan (nagsusumbong)! hehe Sya ang may pakulo.

        • ahahahaha, sa madaling sabi ba eh, mag-aasawa ka? hehe.

        • @Fr. Fiel: kung may papayag po na maging groom! ahihihi

          Padre… musta po ang EB w/Jrg etc.?

  9. wehehehe me ganun ka pala.

    makakakita ka rin ng lalaking para sayo. trust me. =)

    • Wehehe… me ganun nga, pero di naman masyado importante. 😉

      Naks… may trust me pa talaga! Sige sige…

  10. Hi Tins! Kumusta na? Ngayon lang ako nakakapasyal sa mga page ninyo. Stay beautiful!

    • ((KKINNGGG))) you’re back! Thanks for stopping by. Stay beautiful??!!?? Hmm… Parang lumalabo na mata mo or friend lang talaga kita! Nyahahaa

      Ingats king!

  11. time heals naman
    teka, at nagpakalunod ka pala at sa sementeryo pa! haha

    sabagay alam mo ang pag-ibig kapag naramdaman yan ang hirap pigilin. sabi ng ng isang frend ko (nasaktan paulit ulit)..”sa ibang aspeto ng buhay ang dali kong matuto, pero bakit pagdating sa pag-ibig hindi ako natututo?”

    nasa tabi tabi lang yan. magkikita kayo ng lalaking para sa yo at nakatakdang maging sa yo sa tamang panahon at pagkakataon.

    • Kuya Eli talaga… nagpakalunod sa sementeryo?? Hmmm… sa daming luhang iniluha sa sementeryo ng mga namatayan ayun nalunod ako! (corny ko, hayss…)

      Ang kulit naman ni friend mo, pero di ako naniniwala na wala sya natutunan. Sa bawat failures may dapat tayo matutunan, dapat ma-iapply natin yun kasi kung hindi… iikot lang tayo sa dating sitwasyon OR… di pa lang din nya talaga nakikita yung babaeng para sa kanya at nakatakdang maging sa kanya sa tamang panahon at pagkakataon…. (hmmm… promise di ko ginaya yung sinabi mo.. promise!) 😉

      • mag-update ka naman..hahaha..joke

        • 🙂 hehe tagal na noh… la pa rin bago!

  12. Drama queen ang entrada ng ate ko. Pedeng pang-teleserye. Alam mo 100% agree ako syo na kung sadyang di ukol, wag ng ipagpilitan. MOVE ON, MOVE FORWARD! Bwal ang STEP NO, STEP YES. Marami pa namang darating para syo sis. Wag ka lang paaabot ng 40 at baka mapaglipasan ka na.

    Sabagay, dun sa mga pictures mo sa FB, ang tingin ko syo nasa…. hm… 20 ka palang. Naks! 🙂

    • Sis… long way pa ang 40. Hmmm i stop counting anyway. hehe

      Yan naman, 20 talaga (blushing)… and you can pronounce it as “twenteen”. Hehe Thanks sis. Have a blessed Christmas. Regards to your family! ^^

  13. hello tin..:-)

    • Hello Len…:-) <<< nakigaya lang hehehe

  14. now lang ulit nakapasyal backread muna ako, hehhe!

    • Hehe no worries po… pasyal pasyal lang. Thanks DB!

  15. kahit anong mangyari, nandito lang ako. naaalala mo pa ba ako?

    • Bloodymeer… kahit anong mangyari, nandito ako… at nandyan ka! hehe Hays… ang saklap ng buhay may amnesia na ako… teka ako ba naalala mo pa? hehe

      Salamat po sa pagbisita! Tenchu tenchu!

      • seryoso ako sa mga bagay-bagay. wag mo naman akong saktan ng ganito.

        • Hala!! Apektado ka ng Martial Law?

  16. haha, ayos ang EB ng Magpapari, BatangPari at ng BatangMangyan. Sarap pala kausap at kabidahan ang malalapit kay Bro. sayang di ka nakasama 🙂

    back to your post, nasulat ko na din to sa post ni Bon na “Bato”, nabasa ko naman to sa “the secret”, it says, our mind and heart create us, it will always be this way! tapos sabi mo naman, it’s always a choice, then i agree with you.

    life is beautiful. Sabi nga ng TNF- never stop exploring…

    • Naks, mukhang enjoy nga ang EB ng mga malalapit kay Bro, kita ko nga pics nyo.. ang kulit! 🙂

      “Our mind and heart create us”, true!
      Some are idealistic where as others are realistic, either way everyone explores all the things!

      Ciao BM… ♪”im dreaming of a white Christmas” ♪:)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: