Posted by: teentoinks | October 7, 2009

His Imperfections

I used to be a daddy's girlI used to be a daddy’s girl. He used to carry me on his shoulder.

Limang taon pa lang ako ng kuhanin sya ni Lord, sabi ko pa nga nun “natutulog lang sya”. Ang daming memories na kahit sa limang taon naming pinagsamahan natatandaan ko pa gang ngayon. Madalas kami magkasama, siguro dahil madalas si mader nasa eskwelahan at nagtuturo.

Hindi ko alam kung ano ba talaga trabaho nya, madalas ko pa nga sya gayahin sa pagtipa ng bawat letra sa typewriter, habang ako gagawa ng typewriter na papel. Minsan naman iiwanan ako sa lola kasama ng bote ng dede at isang pares na damit, bibisita lang daw sya sa bukid namin. Naalala ko naman na ginabi kami sa daan habang katabi ko sya sa may driver seat sa kulay green namin na sasakyan sa likod nun maraming laman na candy at cookies, imported… say mo! Minsan naman nakikita ko syang gumagawa ng cabinet, cabinet ko, medicine cabinet at cabinet ni mame para sa school, gang ngayon nga gamit ko pa rin yung cabinet na gawa nya.

Typical na pamilya lang kami, kahit marami nagsasabi lumaking may kaya sila dade. Naranasan ni dade ang magpalipat lipat ng school, nag aral sa Baguio at duon muntik na raw mapikot, ikakasal na lang tumakas pa. Nag-aral sa FEU/UE pero naggraduate sa Adamson. Sabi ng mga tito ko, chickboy daw yun, 18 years old pa nga lang may anak na sya. Kaya bukod sa amin ni Kuya may kapatid pa kami.  Ipinaglaban ng lola ko na wag makasal sa murang edad si dade, dahil na rin siguro sa kabataan nya.

May kakulitan din siguro ako nun bata, naalala ko lang na madalas ako mapalo. Minsan pa nga naisako na ko. Sya rin ang gumagawa ng baril barilan namin ni Kuya bala namin yung laste(goma). Bat nga ba baril-barilan ang laruan ko nun? Madalas rin nya akong patulugin sa tanghali, sabay kwento ng paulit ulit na kwentong “si Juan at si Pedro”, “Mariang Ihiin” na sa totoo lang alam ko na ang ending… pero tumatakas ako at mangangapitbahay na, kasi mas nauuna sya nakakatulog sakin. Kaya madalas “palo” ang inaabot ko.

Minsan nag tawanan pa nga sila Kuya nun sinabi kong… “may helicopter sa taas ng bahay”, nun pala natutulog lang si dade at naghihilik. Madalas sya napapaaway pag lasing… chickboy… ilan lang yan sa imperfections nya, but at very young age then, I know I love him.. with all my heart.

Dade, missing you badly! We may not have much of everything, but that 5years is something to cherish the whole thing.

Please pray for his soul… Thanks!

EXCESS:

This really brought tears to my eyes…

Advertisements

Responses

  1. Base…

    Nakakatouch naman un. Me kurot sa puso.

    =)

    • Thanks.. super na-appreciate ko yung comment. Super tenks! =))

  2. 2nd Base! tin i know your dad is so lucky to have you! 🙂 ( i hope mine too )

    • Wow.. thanks Len. I’m sure proud na proud din sayo yung father mo. Sa pag-uwi mo chikahan tayo! hehehe

  3. huwaw!! hang sweet ng bruha!

    kelan kaya ako makakapagsulat ng ganito kay lolo careful? hahaha..

    baril barilan ang laruan mo kasi lalaki ka na nagtatago sa palda, bwahahaha!! kunwari pa to.. aminin mo na kasi.. hilahin ko yan eh!

    seriously, i can feel the deep sense of love here and i know how you missed him. memories are memories, its still fresh and unforgettable..

    sna naglalagay kayo ng karton sa pwet para nde masakit ang palo, bwahahaha!

    • Sweet naman talaga ako ah… Brutally sweet! kaya di mo ko maitapon! Ahaha

      Haha.. lam ko na reaction ni lolo careful pag gumawa ka nyan… SHARKS!

      Awt… wag ka basta hila ng hila… sabunutan kaya kita jan sa….. ki…lay at sa ki…likili mo! Nyehehe

      Ok seriously rin, its been 2decades… (sige compute mo pa) sobrang tagal na… madalas nga ako mapalo di ko lang talaga alam kung istrikto ba sya or sadyang makulit ako. But I know then that when I was with him… I know it feels HOME.

  4. Masaya na sya san man sya naroroon ngaun. Tama si timang key may kurot sa puso.

    Anjan lang lang sya sa tabi mo ngaun binabantayan ka.

    Pray and Love. Ingat!

    • Thanks mynoel… matagal tagal na rin na wala sya. Hindi naman na talaga ganun kasakit… may emptiness lang… na minsan sana andito pa rin sya, if… sana hindi na ako mapalo kasi di naman na ako makulit eh.. hahahaha…

  5. Tara na mukang malungkot ka ngaun ah idaan na yan sa maboteng usapan.

    • Ahhahaha… mabote talaga!

  6. sayang din no?! di namin na meet ang chickboy ng kanyang kapanahunan haha! maloko din siguru ung parang si kuya topet mo!

    anyway, nasaan man sya ngayun siguarado namang sinubaybayan padin nya ang paglaki mo, and even his brother (kuyang boy) did it very well sa pagpapalaki sayu (not physically, hindi ka naman kasi lumaki lol) its more on “the way you handle life”.

    ur dade and kuyang boy will sure be proud of you.. so much..

    cheers tins!

    • Sayang noh… I know Kuyang Boy did very well, he treated me as his own daughter. Naalala ko pa nun binigyan ko sya ng Card… kasi father’s day nun, umiyak ba naman! Imagine kung si Dade din kaya, iiyak kaya sya? Di ko man lang sya nabigyan ng card or kahit lil notes… like what I did to Kuyang Boy. Haayyysss… I miss them.. sobra!

      As per kuya T, naku OO maloko pa rin! Citizen na sya dun!

      • wow! citizen na syan dun?! eh di makakahanap na sya ng .dll!!! bongga!!

        toinks!!

        • Di na .dll ang pinagkakaabalahan nya… DE FROG na nyahaaha… walang pakealaman sa spelling, yaan mo na! Ang kulet no!

          Miss my bro! 😉

        • weh! tsimoso wahaha para sa akin ung reply eh! hekhek peace!

        • @ BONISTATION: Ahaha.. ok lang yan! Pagbigyan mo na… at pag nasa “loob” na sya di na nya yan magagawa, bibigay daw nya yung account (FB, WP, FS etc) nya satin, except bank account…. MALAS! hehehe

          Di man lang pinansin yung bago kong widget! Hmft! Ampt! Uy… titingnan nya… ayun oh nasa upper right corner!

  7. hhmmnnn… wow, nanatiling sariwa ang mga ala-ala. ang sarap balikan, nakakapag-pangiti, nakakalungkot din pero nasaan man si dade mo… proud sya sayo. =)

    • Salamat salamat… maraming memories masarap balik-balikan hindi maiiwasan na may lungkot. Ganun talaga, we have to deal with it…. musta na si mader na cool na cool sa pagtetext? =) Maulan na naman! Hayss….

      Ciao.. Tenchu Anjong!

      • hehe^^ ayun si mader kaka-text lang ngayon. 🙂

        • Ahaha… ang cool-it. ^^

  8. Aww! Ayoko na sanang umiyak sister dahil puro nakakaiyak yung mga napapanood kong video sa FB pero naluha pa rin ako. Namiss ko si tatay. Sana makasama ko na siya dito soon… sana gumaling na siya.

    • Uu nga sis.. Musta na nga pala father mo? Sana nga gumaling na sya. Pag family talaga ang usapan nagiging iyakin tayo. 🙂

      Ingat kayo jan…

      • he’s fine. nagte-therapy pa rin siya. sabi ng doctor medyo matatagalan bago niya maibalik yung pakiramdam nung left arm and leg niya. in God’s time, makakasama ko rin siya.

        super nagiging iyakin na nga ako. minsan tuloy ayoko ng manood ng mga viddies sa FB. lagi kasi akong pinagtatawanan ni bunso pag nakikitang umiiyak ako. hahaha!

        • Ahhh.. buti naman ok sya, at least nakakarecover na kahit mejo matagal. So plano mo rin kuhanin father mo jan? Tama ka in God’s time, pasasaan ba at magiging magkasama na rin kayo. Konting tiis lang, enjoy mo na muna ang pagdating ng mga chikiting mo dyan, wag na masyado mag iisip. Baka pagtawanan ka uli ni bunso. Mukang may kakulitan nga ang bunso mo hehehe…

  9. aray, aray, wlng kurutan! hehe…

    kakatouch to.. 😆

    • Nakurot ka ba? hehe Sows tenchu! 🙂

      • no prob! hehe…

        wl kcng gnon…perfect ako eh..

        perfect for dining table! 😆

        • APIR… HIGH FIVE! hehehe 🙂 Thanks ulit sows!

        • haypayb 1 thousand! 😆

        • Palakpakan…. Congretyuleysyens….. Thanks Sows…

  10. wow naman! haha^^ musta po ang lahat dito?!

    • Kaway kaway… mabuti kami dito! Salamat anjong!

      Ingat!

  11. Blog wallking po na nakataas pa ang dalawang kamay! Kamusta po?

    Walang magawa sa mainit na panahon. Maglilinis na kami ng nitcho sa sementeryo (wala lang akong masabi ah).

    Ingat!

    • Tol, bat naman nakataas pa kamay mo pwede naman ibaba yan hehehe… Mabuti naman po, ikaw?

      Grabe nga ang init ngayon, nun umulan ayaw naman na huminto… ngayong umaraw naman sumobra naman ng init. Haysss… Malapit na nga pala undas, aga nyo naman maglinis ng nitcho. Ingat ingat rin! 🙂

  12. Bulaga . . .ginaya lang kitang manggulat. . .para daw umulan man tuyo na ang pintura at hindi baha sementeryo ngaun eh hehehe.

    Taas kamay ulit. . .hehehe

    • Ay nagulat naman ako… 🙂 ahhh sabagay baka nga umulan pa. Hehe

      Teka.. bat naman taas kamay ulit? hehe 🙂

  13. Minsan nakakabilib din na kahit sa mura mong edad ay napakarami mong alaala tungkol sa “dade” mo.

    Kahit nasaan man siya ngayon alam kong natutuwa siya sa narating mo na ngayon.

    Ingat.

    • Yep.. Kuya BP, good thing I still have that visual image of him, at yung mga moments na kasama ko sya sobrang clear pa. Minsan pag nagkekwentuhan kami ni Kuya bout sa father namin, nakakasabay ako sa kwento nya kahit sobrang bata ko pa nun para maalala.

      Thanks po… ingat ingat rin!

  14. nakakalungkot naman pero alam ko masaya na si dade mo now kasi nagkaroon sya ng magandang anak na tulad mo… apir ate…

    mamas boy naman ang post ko ngayon, ikaw daddys girl… hehehehe..

    ate nalagay na kita sa blogroll ko. nakalimutan ko kasi ilagay noon…

    • Kuya alvin, kinilabutan naman ako dun sa “magandang anak” hayssss… apir! hehe

      Ang cool nga ng mama mo, super ka-inget! hehee… love the song “let it be… let it be… let it be…”

      Kuya Alvin, magtatampo na nga sana ako, kala ko ayaw mo ko ilagay sa blogroll mo! hmft! At ikaw, matagal ka na kaya sa blog roll ko! Hmft… at isa pang hmft! 🙂

      Thanks Mantsa! Ingats! Musta si Doggie, nabaha ba kayo?

  15. so sad..but nice post! i can feel the love for your dad! ako hindi daddy’s girl but i love my dad so much kasi i have this life now because of him

    • Thanks Joyce… Yeah, kahit daddy’s girl man or hindi we love our parents kasi kahit nun baby pa tayo ang comfort zone natin yung mga bisig nila.

      Thanks for dropping by… NoNoy tayo sa 2010. 🙂

  16. Ang aga naman palang nawala ni daddy..

    pero nakakatuwa din ang kwento.may lahi palang pikutin si daddy. hehe

    kaya pala..mahilig ka pala sa baril barilan. kaya pala mahilig ka sa mafia wars.hehe

    PRESENT PO!

    • Ka Eli, hindi naman nila lahi yung pikutin. Nagkataon lang na chickboy daw (yata) talaga si father ko. hehe

      Oks checked na po ang attendance kaya lang late na! hahha Ingat po jan ka eli!

  17. very nicely written.

    walang inhibitions, diretso mula sa puso.

    sulat pa!

    • Wow.. You flatter me! Salamat salamat po sa pagdaan.

  18. awwwww….kakatouch naman ito…daddy din imperfections ng daddy ko but labs ko rin siya…

    • Thank you Father Fiel.

  19. wow, may fan pala si boni dito…

    • Hmm… yung badge po ba? Gawa ko po yan to support Bon. Barkada ko po si Bon, college friend. =))


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: