Posted by: teentoinks | September 29, 2009

Positive outcomes of Ondoy!

 Sa ngayon nararanasan natin ang isa sa pinaka matinding trahedya na dumating sa bansa. Maaring marami sa atin ay may masisilungan, nasa masarap na higaan at walang iniintindi kung paano mag uumpisa pagkatapos ng isang mapaminsalang bagyo, and so I say…. we are blessed. Sa panahon na ganito, dito rin natin masusukat ang bayanihan at pagkakaisa ng mga Pilipino.

Siguro masasabi na rin natin na may mga natutunan tayo sa ganitong mga pagkakataon:

1. Simpleng pamumuhay: Sa kalamidad walang pinipili mayaman man o mahirap at sa buhay na binigay at pinahiram lahat tayo pantay pantay. Lahat ng materyal na bagay ay nawawala, kaya isa sa mga natutunan natin sa bagyong Ondoy…. mamuhay ng simple.

2. Pagkakaisa: We may have different views in life, pero pag ang bansa natin  ay nasa sitwasyon na masasabi  nating marami ang nangangailangan, lahat tayo ay nakikiisa sa iisang pananaw na kumilos at makibahagi para sa kapwa at sa bansa.

3.  Pagtulong: Gaya ng nasabi ko, tayo’y nagkakaisa maaring sa iba’t ibang paraan pero ang pagtulong ang pinaka importanteng bagay sa ganitong sitwasyon na kung saan lahat tayo ay maituturing na biktima. Kung saan ang karamihan ay may suliranin na dinadala bukas puso tayong tumutulong at nagpapahayag ng ating simpatya sa mga nasalanta.

4. Makulay ang buhay: Sa ating mga Pinoy, hindi hadlang ang mga suliranin para kalimutan na ang pag ngiti. Kadalasan tumatakas tayo sa suliranin para bigyang kulay ang buhay. Tama lang naman, hindi habang panahon nasa ilalim at hindi habang buhay may unos, siguro masasabi na rin natin na sisikat rin ang haring araw upang buksan ang panibagong bukas. At sa panahon ng ating pag durusa may mga taong kasabayan nating lumuluha, may mga taong nagpapakita ng tunay na kahulugan ng pagmamahal at may mga taong handang sumabay sa agos ng buhay, at dahil dyan handa tayong harapin ang bukas na may ngiti sa ating mga labi…. hindi man ngayon pero alam ko darating din tayo dun!

5. Pagdarasal: Ito ang isa sa pinaka importanteng panlaban natin pag may unos sa buhay, pag madilim ang kalangitan, dasal. Lahat tayo tumatawag, lahat tayo nagsasambit ng ating mga simpleng dasal. Maaring minsan nakakalimot na tayo, kaya siguro minsan kailangan pa tayong iuntog para malaman na nandyan lang SYA. Sa panandaliang pamamalagi natin sa unos, marami parin tayong dapat pasalamatan. Dahil hindi sya nakalimot na magbigay ng mga taong handang tumulong at nagpahayag ng malaking concern para sa mga Pilipino, artista man o hinde, foreigner man o kapwa natin Pinoy.

Gawa ko to!

God Bless Philippines!

Advertisements

Responses

  1. Base!

    • Ang makakabase daw kakanta! hahaha…

  2. i agree teentoinks. isa ako sa biktima ng kalamidad. takot ang naramdaman ko at ng buong pamilya, pero pagtulong sa kapitbahay na walang masilungan ang priority bago ang mga gamit sa bahay. maswerte pa rin kasi may second floor ang bahay namin at isang pamilya ang natulungan namin para magpalipas ng 2 gabi kasi buong bahay nila ay nalubog sa baha. masarap ang pakiramdam, sama-sama kaming kumakain sa isang hapag-kainan na in 15 years eh hindi namin naranasan.

    salamat sa lahat ng nag-text at na-offer sa akin ng tulong. sobrang naaperciate ko at ng buong pamilya.

    nice post teentoinks. base ako 🙂

    • Grabe nga… we’re blessed kasi hindi kami naapektuhan or kahit mga relatives ko jan sa Manila, kaya parang nakakonsensya na wala akong gagawin. See how this typhoon unite your family sa hapag kainan, mga simpleng bagay na nakakalimutan natin pero dahil sa bagyong Ondoy di natin namalayan may positive outcome. Let’s all count the good things, kasi nagiging way din ang ganitong sitwasyon para magkaroon ng pagnanasa ang mga kapwa natin na tumulong at magkaisa. At kahit kayo na biktima, tumulong kayo sa kapwa nyo biktima. Nakaka PROUD. OKS, ingat batang mangayan, regards to your family.

      Thanks BM… Kakanta ka na, base ka na talaga! hehehe

    • uy batangmangyan, sorry to hear that, isa ka rin pala sa mga biktima.. anyway, be strong! ganyan talga buhay.. nde ka nag iisa.. Godbless!

      • GodBless BM… ingat kayo jan, saturated na ang lupa! STAY SAFE!

  3. wow! second base pala ako dito! grabe!

    • Naku father, susunod kayong kakanta kay BatangMangyan. hahaha Second base po kayo. 🙂 ahihihi

  4. i agree. di ko naranasang mabaha pero ramdam ko ang bayanihan ng mga pinoy, based on the things na nakikita ko sa tv.

    • Ako rin father, TV ko lang din nakikita. Pero ang lakas ng impact ng bayanihan, super nakaka PROUD, at dahil dyan kakayanin ng PINOY na magsimula muli. Ingat po.

      • the biggest donor ng abscbn ay jag, ayon sa tv patrol. namigay sila ng mga jag tshirts at jeans…

        • I heard nga po father, I’ll support JAG. Ngayon mas may sense ang pagsusuot ng JAG kasi ang dami nilang natulungan. BASE hehee… dito na lang ako be-base father! 🙂

  5. Oo nga imagine provident village in marikina is 1 of the upper class subdivision, and kami d2 sa san mateo rizal is mataas na lugar na bihira bahain, kahit ipagtan0ng mo pa. Pero ngay0n ko lang nakita na binaha ang harap ng gate namin. Shockings sakin un.

    • Hi Jen, grabe nga ang bagyo at mga pinsala. Sana OK lang kayo ng family mo, thanks God mataas ang lugar nyo. Madalas nga nasa TV yung provident village, 1st class subdivision, isa nga sa mga proof na sa ganitong sitwasyon lahat tayo pantay pantay. Ingat ingat…

      Thanks Jen.

  6. pinakikita lang ni ondoy na kapag kalikasan ang naningil..wala siyang pipiliin.

    nakakapanghinang panooorin sa totoo lang yong sitwasyon. pero nakakatuwa ring isipin na sa ngayon, nagkakaisa tayo at nagtutulungang bumangon.

    hindi nga siguro tayo handa sa mga kanoong klase ng kalamidad..pero salamat sa may mga magagandang kalooban na handang tumulong kahit anong oras.

    pilipinas, kaya natin to!

    • Hayss… so true KaEli, nakaklungkot na pnagdadaanan ng bansa natin ang ganitong sitwasyon pero sa likod ng kalamidad na ito nabubuo tayo, nagkakaisa, nagtutulungan… Yun nga lang tahimik yata mga politiko ngayon! hahaha….

      Lipad Pinas… KuyaEli… gawa ko yung ibon! hehehe di naman halatang proud! 😉

      • present!

        • + 5… kaya lang late na kaya minus 10! hahaha

  7. i agree sa mga sinulat mo, sa kahit anong kalamidad, pantay pantay talga tayo, mayaman, mahirap, pulitiko, artista, teacher, pari, doktor…

    gumagaan pakiramdam ko sa mga nakikita kong pagtulong, malaking tulong ang facebook, twitter at youtube, dahil dito mabilis ang paghingi at pagbigay ng tulong.

    masarap din ang pakiramdam ng nakakatulong kahit maliit lang na bagay, kung tatanungin mo ko, naliliitan ako sa tulong na gingawa ko dito pero wala nmn akong ibang mgagawa.

    nakakalungkot talga ang nangyari, hanggang ngaun nalulungkot parin kami sa nangyari sa sister at husband nya, pero dinadaan nlng namin sa tawa at dasal. lam mo bang hanggang ngaun nde pa sila makauwi, nasa in-laws parin sila kasi nde parin pwedeng tirhan ung bahay nila, besides, wala paring kapalit na mga gamit…

    thank God they are safe. Godbless the Philippines.

    • Sabi nga nila parekoi walang maliit na tulong basta’t bukal sa puso. Kung ano man ang nai-donate natin sana nga makatulong ng malaki, kung hindi man makasapat, idaan na lang natin sa dasal. Nakakatuwang isipin na visible ang bayanihan at pagkakaisa sa pagtulong, pagdating ko sa bangko kahapon walang charge yung pinadala ko. Grabe… kahit ang mga bangko ngayon nakikiisa.

      Sana OK na sila Ate mo… maiayos na rin sana yung house nila. Parekoi, send my deepest appreciation to all your friends there and kay puti (boss) for helping our fellow Filipinos.

      Lilipad na naman ang ibon ko! hehe

  8. Tama lahat ng nakasulat sa itaas.

    Kaya ng pinoy lampasan ang mga ganitong pagsubok. Magdasal at kumilos tayo para sa ating, pamilya, kaibigan, at para sa kapwa natin. Matuto tayo sa mga nangyari at sana hindi na maulit ang mga ganitong pangyayari sabi nga ni k.c concepcion sa twitter nya ay “this typoon disaster is as much man-made, as it is a natural calamity!”.

    Ingat po kayong lahat!

    • Ingat ka rin Noel, baha pa ba jan?

      Makakaya ng Pinoy lahat ng ito… Tayo pa! Di pa ba tayo sanay sa hirap? hehe Sana nga lang magtanda na tayo, ang daming basurang nagkalat na nagpabara sa dadaanan ng tubig. Sana lang sa sitwasyon na ganito ang magbukas sa kapwa natin Pilipino na magkaroon ng responsibility at pagmamahal sa kalikasan para sa bagong Pilipinas.

      Uy, ingat pre… baka lasheng pa ha! hehe Walang tagay? 😉

  9. Nakakagaan nga ng loob na sa kabila ng lahat ay may malalaman mong ang bawat isa ay nagtutulungan. Nakakataba ng puso na may mga taong nagpupursiging makatulong sa kapwa sa kahit na anong paraan. Mabuhay kayong lahat.

    Sana ay walang gaanong nasalanta ng nagdaang bagyong pepeng.

    Sana ay ayos ka din.
    Ingat.

    • Kaya nga po kahit anong kalamidad na nangyari ang daming dapat parin natin pasalamatan, ang dami nating napahanga sa katatagan at bayanihan ng mga Pinoy. Gandang Araw BP. Ingats lagi!

      Ok lang kami dito… No worries!

  10. pang madre ang post ah! “nangangaral” haha!

    MABUHAY NG SIMPLE. awwwts!

    • HOY! madre ka jan… POLITICS… Parang SONA nga eh! hahaha

  11. naranasan ko nadin ang ganyang kalamidad at mahirap sa pakiramdam, emotional impact sobrang lakas.. pero ganun pa man, mas maraming magagandang bagay ang nanagyayari pag may mga unos…

    masarap isipin na ang magkakapitbahay padin ang unang unang nagtutulungan..

    cheers for all filipinos!!


    iampinoy.

    • i am pinoy din! wla lng umeepal lng..ganda ng mga cnbi mo ate.. galeng! clap clap! ^_^

      • Ahhh.. thank you thank you.. kaka PROUD maging pinoy noh! Ingat precious.

    • iampinoy..

      Ngayon natin napapatunayan na ang dugong pinoy lumayo man sa bansa at makasalamuha man tayo ng ibang lahi, mag suot man tayo ng ibang brand, may ibang kultura man tayong ginagalawan… PINOY pa rin. Babalik at babalik parin sa pinanggaling at tatanaw sa pinagmulan. Haaayysss… IM SO PROUD! hehehe

      Yeeeeehhaaa.. lapit na syang umuwi! Ubong… ubong.. ubong!

  12. Nakupow wala ng pang-inom ngaun mejo taghirap ngaun hehehe maliban na lang kung magpapainom ka.

    Direk kelan ba shoot ng love scene paghahandaan ko wahhh (joke)

    inadd kita sa “mga may sinasabi” ko.

    Tol! Ingat din.

    • Nakupow… tapos na ang tagayan, nahuli ka naman hugasin ang nadatnan mo. hehehe Love scene? ikaw ha, nakatagay ka noh… nagiging mapagbigay ka eh! hahaha (joke)

      “mga may sinasabi” wow…. parang tsismosa lang ha.. hehehe sure sure.. my pleasure! Matagal ka na naka add sa blog roll ko.. at di na ko nag paalam! ahaha

      Tol, ingat uli sa pag over da bakod ha! Ciao…

  13. may tama ka! Teentoinkz… ^^

    ui, Noel naksalubong din kita dito. hi teentoinkz, nakikita na kita sa blog ni Noel eh… (ako po si Daneru dun^^).

    sana nga, matuto na ang mga Filipino. 🙂

    add po kita sa blogroll ah… salamat. =)

    • Helloo anjong… kaway kaway! Naks… may bago na naman akong bisita! 🙂 Na-add na rin kita sa blog roll ko!

      Oo nga sana matuto na tayong mga Filipino sa nagdaang bagyo. Sana nga maging responsible na tayo sa pagaalaga sa kalikasan… at shempre higit sa lahat… ang photo album iingatan! Ahihihi <<< ay mali, hehehe!

      Tol, ingat ingat jan!

  14. ava! ingats ha..tnx for this uplifting post..love it…

    • Thanks… sows! Salamat sa pagbisita! Nadalaw ako sa house mo, napasabay naman ako sa mga kanta dun! Ingats!

  15. tins, kakalungkot ng mga pangyayare noh?! gawin nalang natin yung 5 words na sinabi mu.. 🙂

    be safe! 🙂

    • Malungkot nga. Be safe din Len…

      See yah!

  16. sa kbila ng trahedya may mgnda rin tong naidulot sa bwat isa ang pag ka2isa!!slamat n padaan lng..lol

    • Uu, daming dapat ipagpasalamat at isa na dun ang pagkakaisa nating mga pinoy para makatulong sa mga apektado ng bagyo. Salamat po sa pagdaan, nadaan na rin ako dun sa blog mo di nga lang nakapag-iwan ng bakas. hehehe

      Salamat!

  17. Bayaniyan… nasa dugo na natin mga Pinoy yan….

    Napadpad lang : )

    • Salamat naman sa pagkakapadpad mo dito, salamat. Uu nga nasa dugo na natin yan at mahirap alisin sa sistema ng mga pinoy yan. Proud Pinoy! hehe

      Thanks wait!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: