Posted by: teentoinks | August 28, 2009

teentoinks: The NEW Genre of Stereotyping

*** Ito lamang ay mga kathang isip at paniniwalang walang basehan, kaya kung may maapektuhan, takbbboooo….!

Sa aking magulo at may kadumihang isipan, pwede naman ma-typecast lang sa 3 categories, HOT, BEAUTIFUL and CUTE, shempre eto lang naman yung mga tipo ng mga girls na pwedeng malaglag ang panga at mapapito ang mga boys pag dumaan sa harapan nila.  At kung lalaki ka naman, malamang magkandarapa ang mga girls na kuhanin ang number mo, at kung may pagkadalagang pilipina naman ang babae makukuntento na lang syang pasulyap sulyap sabay hawi ng buhok at ipit sa gilid ng tenga. Pero kung ikaw ay MABAIT na tulad ko… shempre hindi ka kasama sa taxonomy. ARAY!

Sa mga GIRLS:

HOT: with that booty and boobie plus looks, pero hindi naman ibig sabihin they are the ones whose boobie is bigger than their brain. WRONG! Nagkataon lang na mas pansinin ang kung ano man ang malaki sa kanila at pati ang looks nila, though in contrary, may HOT girls din na flatty and brainy, eto yung mga type ng girls na pag nag salita mapapanganga ka na lang. Awt!

BEAUTIFUL: ito siguro yung mga girls na pwede mo ikumpara sa nanay mo, sa lola, or sa ate mo.  Hindi masyadong pansinin pero gaya nga ng sabi nila “beauty is in the eye of the beholder”, kung pagbabasihan ang tatlong categories ito na yung tipo ng girls na “marrying type”, beauty inside and out. Pwedeng makasama na hindi mapagsasawaan.

CUTE: charmingmalamang ito yung mga type ng girls na maatract ka at first, you may date her a lil while, pero pag nakausap at nakasama mo na maiisip mo na lang na… would be good as friends.

Sa mga BOYS naman:

HOT: aww.. eto yung mga tipo ni Josh Hartnett (remembering Pearl Harbor movie), mga tipo ng lalaki na kahit saang angulo mo tingnan mapapa nganga ka na lang, at kahit namumutakti na sya sa pawis mukhang amoy bagong ligo pa rin at kahit simpleng white shirt lang ang suot carry lang, at kahit pagsuotin mo ng PINK shirt hindi parin mapagkakamalang bading, pero shempre mas maganda kung wala syang suot. Nyak!

BEAUTIFUL: ang mga boys na to ang mga tipo naman na may pagka vein, laging may dalang salamin, at pwedeng pumalo ang balakang sa syento bente. Hindi nawawalan ng girlfriend, at ang favorite song ay ang kantang “its raining men… allelluyah” or pwede rin “this guy’s inlove with you pare” na may pakagat labi pa at pungay ng mata habang kumakanta. ARAY!

CUTE: paglalaki ka at tinawag kang cute parang ang dating ay hindi ka pa lumalaki… hhmmm.. lumalaki… hmmm… lumalaki! Pero hindi naman ibig sabihin nito ay forever maliit ka, the good news is… sabi sa horoscope mo “lalaki ka rin” hmmm… lalaki, meaning pwede kang tumangkad or pwede ring lalaki = boy, pero bat may duda? Anyway, antayin ko na lang ang paglaki mo.

Sa mga BOYS: sensya naman, kasi alam ko mas pipiliin nyo na lang na hindi mapasama sa isa sa mga classifications dito, though you can name your category wag lang yung HOT kasi si JOSH HARNETT lang dun unless ikaw si Brad Pitt. Hikhik!

Sa mga GIRLS: I know.. i know… lahat tayo magaganda! di naman ako bias diba?

Ciao… HAVE FUN!

Advertisements

Responses

  1. love your definition ng hot na boys… hahaha galing mo ha!

  2. love your definition ng hot na boys… hahaha galing mo ha!

    maaganda rin pala yung definition mo ng beautiful at cute boys…

    i like JOSH HARNETT too kya agree ko syo… heheh

    • SOOOBBBRRRAAA… di ba napaka HOT ni Josh! Hays… But neweis, shempre yoko naman maging bias sa mga BOYS ang BOYS ay iba parin kung ikukumpara sa MEN. hehe OHA!

  3. girls talk.. alis nako bye.

    • TAMPO naman toh agad. TAMPURISTA!!!!!!!!!!!

    • Parang usapang kababaihan nga lamang ito parekoy.

      Usap tayo tungkol sa mga kotse-kotsehan 🙂

      • Pwede naman po ako makausap bout sa kotse kotsehan, kahit trak trakan pa. 😉

  4. Naisip ko lang …
    HighsSchool ako Cute daw ako…
    Tapos College Hot naman…
    Tapos ngayon Beatiful na inside and out… hahaha
    Toinks!

    • Ahahaha… naaliw ako sa comment mo teh. Wow, apir naman jan. ahihihi

  5. hahaha, natawa aku sa Girls: HOT! ouch! ( ay bakit may ouch?! hahaha) wala lang peru bawi naman sa bandang dulo..hehehe..

    pwede ba sa 3 categories eh, BEAUTIFUL nalang aku?! hehehe

    i like josh harnette too, napanood ko sya sa 40 days and 40 nights, kakakilig! yehiii.. =)

    • Alam ko napanood ko yung 40D&40N hmm.. pero bat di ko matandaan. ahahaha oh noh… aging na ba toh?

      Newei, uu naman pwedeng pwede ka sa beautiful, Hot at CUte. Hmm… APIR! Ahaha bat may APIR?

      • ayan! cge apir tlaga! hehehe

        • Hahaha… kongratyuleyshens!

  6. Parang ang hirap dito at wala akong pwedeng kalalagyan.

    • Ok lang BoyP, ayaw mo ba sa HOT? 😉

      • Mahirap pamantayan ang nasa Hot eh. Wala ba yung kalahati lang niyan 🙂

        • Basta lam ko na malaki ang pagkakaiba ng BOY sa MAN. At kung ano man yun pagkakaiba nila hindi yun masusukat sa physical aspect. Thanks BoyP.

  7. naku naman, nakahitit na naman to ng katol!!

    umayos ka nga! josh josh ka dyan baka jorge ang ibig mong sabihin! hmpf! nahiya ka pa! as if, pupurihin kita…

    • Korek.. nakahitit na naman ng mejas mo. Eeewww..

      Jorge Hartnett? Hindi MALAYOng MALAYO. HINDEEEE>… NOOOO>…. SHARKS!

  8. hmm… eh ate bakit ganun? hanggang ngayon CUTE pa rin tawag sa kin? ibig sabihin di na ko lumaki????

    di bale sa mata ni gard, ako lang ang cute, hot at beautiful! yipeee! *sensya na ate, medyo heksayted lang sa muli kong pagbabalik. taas ng energy* 😛

    • Yun yun eh. Basta kay GARD cute, hot at beautiful ka, walang kontra jan teh.

      Welcome back teh!

  9. ooops! eh wla ako makomment, gels talk kasi..

    sige po napadaan lang!

    • Hmm.. ganun ba? girls talk ba talaga?

      Thanks po sa pagdaan!

  10. Too bad i dont fit any of the categories… since nabanggit ang HOT, bakit ganun, when you are HOT you are popular, when you are COOL you are also popular. How can 2 opposing adjectives point to the same result? =P

    • Timangkey….

      Dont worry, I don’t fit any either…. There are many categories that sometimes we just ignore, its not by being popular but being WHO WE ARE, that will make you stand out from others.

      I just did this categories for fun, hope you had fun. Thanks for stopping by sana nag iwan ka ng link para nabisita rin kita. Balik ka ha… at sa pagbalik mo iwan ka ng link. THANKS TK.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: