Posted by: teentoinks | August 25, 2009

teentoinks invades BORA

Last Friday lang nag Boracay kami, first time ko lang mapunta at dahil nga rin siguro sa magkasunod na bagyo malaki rin ang naging epekto nito sa Boracay, kaya marami rami pa rin ang rene-renovate na mga tindahan/resto/tirahan. Di ko tuloy maiwasang tanungin yung tourist guide namin kung malaki ba naging pinsala ng mga nagdaan na bagyo, sigurista lang ba, at isa nga lang ang nasabi nya “SOBRA“.  Meron rin naman part na hindi halos naapektuhan, kaya di ko napigil ang sarili na kuhanan ito:

F&B

Yacht - kuno

Yacht - kuno

Kinailangan pa namin sumakay ng bangka bago namin marating ang magandang tanawin na to. Isang resort na pang mayaman lang daw ang nakatira, hmm kaya pala di kami dito nag check-in. 😉 At bago kami makarating sa place na yan, nadaanan namin yung Coast Guard Station na gawa sa sawali, only in the Philippines, ganunpaman, iba parin ang tanawin dito:

Coast Guard Station

Coast Guard Station

At kung ano naman ito? wala lang di ko rin alam, basta kinuhanan ko pa rin:

at ito pa:

Saktong pabalik na kami sa place na inuupahan, bumungad sa amin ang liwanag na galing sa paglubog ng araw habang nakasakay sa bangka:

At ang mangilan ngilan na nag lalayag:

May kalakasan ang alon dahil hapon na, kaya sa wakas bago pa ko mahulog sa bangka ay nakatapak na rin ako sa buhangin, pero di ko pa rin maiwasan na hindi makuhanan ang mga nagbabad sa tubig kasabay sa paglubog ng araw:

100_6344

Ayan ang dahilan sa tatlong araw kong pananahimik kung hindi nyo man napansin na tahimik ako… pwes SADYANG TAHIMIK talaga ako. At Kung nagtataka kayo kung wala akong picture jan na naka RED TRUNKS, malamang hindi pa naisosoli ni Jorge yung trunks at bago ko ipost yung picture na yun… HABULIN nyo muna ko!

CIAO peeps! Have fun!

Advertisements

Responses

  1. BASE!!!

    • Iyong iyo ang trono! Wala kang kaagaw!

  2. ahahahay! BASE nga!!

    2nd Base ngarud!

    • Osya sige.. sayo na rin! Daig mo pa si Ms. Venezuela ha!

  3. isa pang ahahaahay!! 3rd base!!

    SHARKS!!

    Naextra naman ako sa entry mo, anong nde ko pa nasosoli e akin un, nakikiagaw ka lang! in your dreams!! beh!

    impeyrness, sobrang ganda dyan, gusto kong pumunta, wahuhuhu!!

    sana man lang nagpapicture ka din, nilabas mo sana ung braso mong malahita, bwahahaha!! labsyuh!!

    • Abah… Nakalimutan mo na nga isoli inangkin mo pa. amp!

      Ay mag hintay ka, pag nilabas ko braso ko hahanapin kita at kukurutin kita sa…. hmm… sa… PERIOD.

      • aaaahhahahayy!! wag ate, masakit!!!

        • Wag ka maarte, assuming naman nito! WALA pa! Maghintay kang makurot!

  4. oi, nde ako graduate sa assumption ha! hmpf!

  5. base din… ang ganga ganda, dapat gawin nating tag ang bora adventure naten noh teen…

    day II na sa bahay ko…

    • Gagawin TAG? naku lahat ng itataTAG natin dapat punta ng BORA. hehehe

      Uu.. nasa bahay mo na ko! Kanina pa.. hehe

  6. SHARKS!!

    un lang. bow*

  7. Ang ganda ng mga kuha mo. Gustong gusto ko ang mga ito. Lalu na ang una at pangalawang litrato. Asul na asul ang langit dito. Napakagandang manood ng tanawin. Habang nakahiga sa puting buhangin. 🙂

    • Salamat BoyP sa iyong papuri. Sadyang kay gandang pagmasdan ng tanawing bughaw na karagatan sabayan pa ng bughaw na kalangitan sa puting dalampasigan.

      Salamat sa pagdaan.. balik lang po. 😉

      • Walang anuman 🙂

        • Salamat po uli sa pagdaan. 🙂

  8. awww bora invasion kadin pala… un lang, hehe hindi ako inggit.

    • Di nga? Di ka inget? Eh kasi naman galing ka na rin Bora eh. Amp!

  9. wow anong cam gamit mo sis. ganda ng mga kuha lalo na yung mga sunset. kaso naghahanap ako ng naka 2-piece bakit wala???
    hinahanda ba para sa next post? haha

    • Hi Helena…

      KODAK gamit ko na Camera teh, nag edit lang ako jan ng Brightness/contrast yun kasi ang problema ng KODAK cam masyado bright hirap timplahin parang kape lang hehee..

      Naku teh, di mo ko makikitang naka 2piece, 1piece mana pa… yung trunks lang ni jorge. 😉 jowk!

      Thanks! Have fun!

  10. ganda talaga ng boracay..nice shots, nakidaan lang.

    • Ganda ng Pinas…. salamat sa pagdaan, balik lang ha. Add kita sa blogroll ko. 😉

  11. Plan ko rin mkapag bora dis year. Hopefully makaya ko hehhe! Napadaan lang po!

    http://dormboy.wordpress.com

    • Hello DormBoy, Sige daan lang… kahit balik balik pa. 😉

      Hopefully makaya mo? in what way? Financial? or wala ka dito Pinas?Hmmm.. kung financial… yung gala ko jan sa bora 1K lang yung plane ticket ko, basta take advantage sa mga promos ng airlines. Yun lang po, kahit matagal pa ang gala, mag search ka na agad ng promos kung gusto mo makatipid. Go lang… ganda ng Pinas! Sana matuloy ka sa Bora.

      Ciao DB. Add kita sa blogroll ko ha.

  12. wow naman! at usung uso nga ang laboy ngayun ah?! at sikat ay ang BORA! naks naman.. ( sana maka punta din aku jan..) hehehe..

    kaya nga, bakit wala ka pics?! =)

    • Len naman… Hanuba… wag ka na maghanap ng pics ko. OK na yan para maganda ang view. hehehe

      Uy.. emote ka pa rin sa blog mo? Busy pa? 😉

      • alam ko kung makikita ung pictures ni tina dyan sa bora, nde ko sasabihin na nasa friendster account nya, nde ko talga sasabihin.. sorry guys!!

        • Ay ang bait.. di nga sinabi. hangbait mo talaga.

      • haha, cge na nga.. tsory po! hehe..

        hindi na, may new entry na, bilis punta kana! =)

        be safe!!

        • @ jorge, lab na lab mu tlaga si tina.. hehehe

        • TALAGA! hehehe

        • Oks… may comment na po ako. 😉

  13. wow ganda tina kaya lang bakit wala ka manlang nilagay kahit isa sa picture mo… e ang dami daming nakapost sa friendster mo… bakit kaya hindi ilipat sa facebook… hahaha… gaganda ng kuha mo sa mga places!

    • Ahaha… naku mas maganda talaga ang view pag wala ako, kaya wag nyo na hanapin hehe.
      Ganda ba ng mga kuha? Thanks mommy rache.

  14. ate heksayted na ako sa mga kasunod ng post mo…. ako tapos na… bago na ulit…

    wag ka na magpakabusy, yan tagal trabaho nakakasira sa pagboblog… hahahaha

    • @ livingstain, hahaha, pag boblog pa nakakasira, hhmm, may point ka jan! lols!

      • KOREK na may check… at corrected by: teentoinks! hehe

    • Naku.. busy busyhan pa nga ako, dumalaw na ako sa e-house mo, ayos ka ba tyan? 🙂

      Salamat uli mantsa sa pagdaan.

  15. wow! ang ganda ng mga pekchurs… gusto ko rin mag-BORA! last punta ko dyan, talgang total wrecked pa yung lugar at iilan pa lang ang nare-renovate. pati dagat madumi kaya di ko man lang nagamit ang aking bating sut. hihihi 😛

    ate, sana man lang kahit kuko mo pinakita mo. damot!

    • Teh, mejo marumi pa nga at may mga nire-renovate pa, first time ko sa BORA pero mas nagandahan ko yung Pagudpud Beach super tahimik nga lang dun at konti pa lang yung tao unlike BORA.

      Ahaha… KUKO lang ba? sige next time. Ok lang kahit patay na kuko? 😉

  16. wow! ganda talaga ng bora…

    • Yes pader, sobrang pino ng mga buhangin… Salamat po sa pagbisita. 😉


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: