Posted by: teentoinks | July 30, 2009

Ako lang… Ako ba? Ako nga!

Matagal akong di nakagawa ng entry, siguro lahat kayo nagulat noh? Hindi dahil sa di ako nakapagsulat agad kundi dahil bakit ko ba kayo tinatanong? 😉

Eto ang bago kong entry sa haba ng panahon na di ako nakagawa ng entry, sa tingin nyo nagiging makulit na ba ko, Kasi matagal akong di nakagawa ng entry? Kaya dapat walang ibang bida dito kundi AKO lang… Ako ba? Ako nga!

Ilang araw na rin akong nagmumuni muni at nag iisip, kalain mo nga naman halos ilang taon ko rin di nagamit ang utak ko kaya eto sangkatutak na kalawang ang nanirahan at sa kasamaang palad mahirap tanggalin. Eh ano nga ba punto ko dito sa entry na toh, back to school ako, hays…  feeling kolehiyala ang drama. Eh bat nga ba ako nag aral uli? Isa yan sa mga tanong ko na hindi ko rin masagot, buti na lang nakausap ko si Bon kaya tulad ng dati kailangan ko gayahin ang sagot nya… “SAYANG ANG ORAS”.

Eh teka… pano ko nga ba sinayang ang oras ko? Eto ang mga natuklasan ko?

  • Nung college ako bihira ako kumain ng french fries pero madalas ko orderin, bakit ba kasi kasama sya sa Combo#1, may coke na, may burger at may fries pa for only tsaaaarraaannn 32 pesos (yata) at kasama mo pa barkada dun. Ok moving on, ilang piraso rin pala ang nasayang kong fries bago ko natuklasan na masarap pala sya kung isasaw-saw sya sa sundae. Oh diba sayang ang oras at ngayon ko lang yan natuklasan.
  • Eto pang isa, mas masarap rin pala ang oorder ng isang coke at isang sundae kesa sa coke float. Masarap panghimagas ang sundae habang umiinom ng coke, yoko ng coke zero.
  • At higit sa lahat, the two best thing in my life…. Sundae cone ng mini stop at coffee. OHA!

Napakadali mag sayang ng oras, pero ang hirap humabol sa mga oras na nawala.  Sa ngayon dahil back to school ako, nangangapa at feeling lost ang ganda ko,  sa unang klase palang nagulo agad ang nanahimik na mundo ko, bukod sa pagpupuyat sa Farm Town, isa na rin ito sa pinagkakabalahan ko.  Kaya medyo nagtagal ang pag post ng bagong entry sa blog ko.

At dahil naTAG ako ni Parekoi sa isang Good Health Tag. At ano naman ang Good Health Tag aber? Ito ay isang TAG na kung saan hihikayatin mo ang readers mo, para ipagdasal ang mga taong nasa sitwasyong may malalang karamdaman, at ito po ang bahagi ko sa TAG na to:

Panginoon, naway ang iyong kamay ay humaplos sa mga taong nangangailangan ng iyong himala. Sa pamamagitan nito nawa’y aming sabay sabay na maunawaan ang dahilan sa mga pagsubok lalo na ang mga taong nakaratay sa banig ng karamdaman. Nawa bigyan nyo po sila ng lakas at tapang ng loob upang malagpasan ang kanilang nararamdaman.  AMEN!

At dahil matagal tagal din akong nawala eto naman ang natagpuan ko sa blog ni Mommy Rache:

Award from Mommy Rache

Mommy Rache, thanks for this award. THANKS

Signature

Advertisements

Responses

  1. uy! thank u naman sa paggawa nito, kaso wala ka namang nilagay na mga names ng mga taong ipagppray natin..

    musta nmn ang buhay kolehiyala? hihihi..

    • Para sa lahat na ng may sakit ang prayer ko.

      Kolehiyala? Imbes na mag aral.. nag fa-farm town! hehe

      Tenchu parekoi…

  2. nakupo kinakalawang na nga ba ang utak? hmmm kaf-farm town nga yan!
    ganda ng signature mo! the best! love it!
    welcome sa award… 🙂

    • Ay! uu nga yata nakaka-kalawang ng utak ang farm town, pwede ko naman apply sa Financial Management na subject ko… hmmm.. parang financial anaysis ba, kelangan ko kumita para bumili ng pepper seeds, eh ano ang magiging “risk and return” pwede rin namang sa “cost and profit” parang ganun ba? hahaha Naku naman… sakit sa ulo… bibili na lang nga ako ng BROWN DOG! ahahaha

      Ganda signature? eeeehhh… thanks mommy rache!

  3. haha ang ganda naman nito! naka tsamba ka ng entry ah! wahaha! namiss ko ang mcdonalds! walang nasayang sa fries kasi naalala ko kami no jorge ang taga kain ng fries mo nun haha!

    well goodluck sa masters mo! mabuti yan!! sayang ang oras!!

    rock on!

    • Haha.. nagpaparinig lang talaga ako jan sa inyo! Sa dami nyo kinain na fries ko nun college, pwede na ba ako maningil? ahahaha At McDonalds ha… McDo…

      Napansin mo rin ba kung pano ko inubos ang oras ko??? Kumain ng kumain

      Thanks pangs… 😉

  4. masarap talaga ang fries.. lalo na ung lutong bahay.. haha

    • Correct… tas mix lang ng ketsup at mayo. oks na! hehe

      Thanks Nicki for stopping by.

  5. Hello tina, wait anu ba itung entry mu?! sa pagkain ba ng sundae at fries?! hehehe, toinks! (pati aku nakiki toinks?!haha)

    Anyhow,good luck seo,back to school ka pala,good luck sa pag mamasters mu,( hindi namn pag mamasteral yan about sa farm town?! hehe..)

    Be safe always!!!!

    • Buti napansin mo.. pagkain talaga ang topic ko. haha

      Newei masters nga ng Farm Town.. Lume-level up na si Inday. Nahihilo pa ako sa Yoville eh haha

      Thanks for the comment Len.

  6. ur always welcome! Hahaha ganun, cge lng pagbutihan mu..
    Ayan, filing ko blogger ndin aku, hehe, srap ksi mag bsa ng mga blog, lalu na blog mu! nyahaha..

    Ok, good luck again and see you soon!!

    • Blogger ka naman na ah.. may tatlo ka ng entry noh. hehehehe

      Naks… im so touched naman… sige balik balik ka lang ha!

      See you soon?? uuwi ka na?? hahaha sige sige sige.. seeeyaaahhh!

  7. haha, ayan pabalik balik na nga aku.. hehehe..
    ay,ganun? blogger nba ku?! thnx!! =) hahaha… ayaw mu bah?! o sya! ingats ulit!!

    • Ay bumalk na nga… di ka man lang nagdala ng meryenda.. ahihihi…

      Sige balik lang.. Blogger ka na noh, at nasa blog roll na kita. Check mo blogroll ko. hehe Thanks po uli.

  8. ay, uu nga noh?! touched namn aku dun.. hehe, thnx!! cge hndi lng miryenda, anu gustu mu? breakfast? lunch? dinner? hahaha.. thnx ulit!!

    • Wooowwww… hehee sige sige.. sa pag uwi mo nalang! ahahhaa talagang kinontrata eh! ahihihi

      Thanks din len… ingats lage!

  9. aba! at may bagong posts ka na nga. hindi ka tulog ate. mukhang nag-iisa na lang ako sa kama ah. hahhaa!

    on-topic: favorite ko rin yung fries sa sundae. sarap! tambay din ako ng mcdo pero ayoko ng chicken nila. gusto ko yung hotdog sa mini-stop. saka yung siopao. sarap bumalik ng pinas. aheks!

    salamat sa tag na yan at nakabalik ka na. ako kaya kelan? 🙂

    • Uy… GISING ka na rin? Natulog din ako ng matagal tagal… bigla may nag TAG, kakahiya naman kasi kung hindi ko gagawin.. hek hek.. sayo nga dami ko utang na TAG. hahaha “wag ka maniningil ha!” nyehehe

      • ganyan ka naman eh… mahina talaga ako syo, tsk. buti pa yung ibang nag-tag sa iyo, ginawa mo na agad…

        jowk! of cors naman sistah, di na kita sisingilin. basta wag mo lang akong ita-tag at di ko rin gagawin yun. it’s payback time. hahaha 🙂

        “Enjoy is nag-iinarte, pero hindi maarte…”

        namiss ko bigla ang blogosperyo ah 😛

        • Abat.. may pay back time talaga ha! Sis, gusto nga kita iTAG jan eh… hmmmm… 😉
          Ahaha… nag iinarte pero di maarte! APIR!

          Bilis gawa ka na entry! Walang pressure… gawa na kasi! bilis na… walang kapressure pressure… DI ka ba gagawa? 😉


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: