Posted by: teentoinks | April 30, 2009

The not so TeenToinks!

Kanina lang nasa isip ko ang gumawa ng entry bout sa kasal ni Buyoy, pero kahit anong umpisa yata gawin ko nauuwi lagi sa wala.. nakaharap, nag-iisip at nakatitig sa laptop ko, ganunpaman wala pa rin maumpisahan. Pag silip ko sa bintana, makulimlim at may kalakasan ang ulan, minsan may kidlat at kulog pa. Hindi naman ako takot sa kidlat pero iba ang feeling pag ganito ang panahong nagsusungit.

Sa ganitong panahon ang dami kong naiisip, dami kong naalala, may pagkakataon na naiisip na nag-iisa na lang pala. Bakit nga hindi? Pero sabi nga nila.. lahat ng nawawala may kapalit at lahat ng umaalis bumabalik. Gusto ko sanang maniwala pero… may pumalit man, iba pa rin yung IKAW… may bumalik man, pero ang dami naman ng nawala.

my sourceTulad ng mundo ng pinsan ko, lumaking alam nya na 2nd family sila pero gaya nga ng sabi niya… “Maaring ang normal sa kanila di naman normal sakin at ang normal sakin maaring di naman normal sa kanila… ito ang mundo ko at ito ang nakasanayan ko” Tsk.. pinsan ko yan… sabi na nga ba, di kami normal! Hmm… Oo nga, tumingin ka lang naman sa paligid mo, malalaman mo importante ka… maiisip mo maswerte ka… nakakalungkot lang din kasi bakit may less important at bakit merong mas importante… bakit may less fortunate at bakit merong mas maswerte. Hindi naman kailangan sagutin kasi malinaw ang lahat, may kanya kanya tayong mundong ginagalawan nasa iyo yan kung mag papaapekto ka sa mundong magulo kung pwede ka naman pumili na maaaring hindi normal, maaring malabo pero masaya ka at nakasanayan mo.

Cell phone ringing…….

Idle….

Available….

Idle uli…. (bat ba kasi?)

Mejo nag iinarte lang… pero isang tawag lang pala ni KUYA, OK na ko!! hehe

Bro… thank you po kay Kuya ha!! 😉

Advertisements

Responses

  1. emo ka kase eh no! hmm buti nalang naramdaman ng kuya mo kaya ka tumawag! wag mo isipin nag iisa ka! daming taong nakapaligid sau! yooon un!

    people may come and go.. ganun talaga thats life.. minsan kailangan talaga natin lumabas para ma mappreciate natin ng mas malinaw at maganda ang buhay..

    hays dumadating yan ganyan sa buhay feeling mo mag isa ka nalang… pero hindi naman pala..

    cheer up!

    meeeshuu!

    • Hehe.. hindi na ako emo! Hmmm… hows ur pamangkin?

      Minsan lang naman ako ganito… Sus… ako fah! hehe basta lam ko naman “im not alone”, drama lang.. kasabay ng ulan sa tag-araw! Tsaka ano naman ginagawa nyo daba daba?? daba? Isa pa… diba? hehe… Lam ko naman anjan kayo!

      Seriously, Meshooo pangs!

  2. aba nageemote sya ngayon sa entry nya ah… bihira lang mangyari to hayaan na natin… 🙂 buti nga at tumawag si kuya (ay naki-kuya nanaman ako!)

    masasabi ko lang sundin po ang payo ng magiting na bayani nating si Bon! 🙂

    • Hehe… basta di na ko emo! Oks yan cge Kuya mo na si Kuya… Basta sabihin mo lang sa kanya POGI sus… katuwa lang nun! hehhee

      Uy.. happy bday! ayyeee…

  3. Aba, uso na nga yata ang emo mode ngaun ah. hhmm.. nde mo bagay, bwahahaha! Toinks!

    Osya, ganyan talga ang life parekoi, tama si bon, dumadating sa buhay ng lahat ng tao ang feeling ng loneliness pero paglabas mo, malalaman mong nde ka nag iisa, you just need to expose yourself.

    Pero sa totoo lang, nde ko magets ung ibig mong sabihin dito sa entry mo, basta ramdam ko lang, masakit ang tyan mo, bwahahaha!!

    labsyuh! andito lang kami, handang mangokray, hihihi.. toinks!

    • Di na ako emo… hehe sakit ng tyan ka jan!

      Parekoi, you know me! hehehe glad naman at nanjan ka kahit super okray pa rin! haysss…. so kamusta naman ang antartica hehehe

      Messshhhooo parekoi!

  4. oo nga parang sa dami dami ng tao, xa parin ang hinahanap.. its like this. “di natin pwedeng pigilan kung ano nanyayari satin, but we try to be adjusted at least..”

    • Uu nga Ms. Jen RN, hehe minsan mahirap lang din iwasan talaga na malungkot lalo kung yung mga mahal mo sa buhay malalayo….. pero Ok na ko… Thanks Jen!

  5. ang buhay parang byahe rin sa bus, may bumababa at may umaakyat..yong iba may pamasahe yong iba naman wala. hehe

    • Hehe… ay sana naman lahat may pamasahe para happy pati yung driver. hehe

      But newei, ganun talaga sa mahabang byahe di maiwasan ang mainip.. Salamat po K.Eli

  6. nagpaka-emo ka na ba dati? parang nanibago lang ako. hehehe…

    ang lakas ng instinct ni kuya. alam agad na masakit ang tiyan mo (si jorge kasi eh) feeling lonely ka. buti ka pa may kuya… 😦

    life is a choice. your future depends on you 🙂

    • Hmmm… perstaym ko nga yata toh emo! haysss… ayan na-typecast na ko hehe hmm… good idea dalasan ko nga kaya ang kadramahan hehehe Uy… OK na ko ENJOY!

      Cge mabait KUYA ko.. pwede mo rin sya maging kuya… bsta POGI lang lagi sya sa paningin mo! hehe Hays… kuya ko talaga! 🙂

      Thanks ENJOY!

      • ay sus! alang problema dyan. bsta ba treat niyo ko ni KUYA ha… aheks!

        teker lagi tins 🙂

        • Enjoy….
          hahhaa… sige treat ka namin.. basta POGI si Kuya ha! Awww..

          Happy belated mother’s day! Take the best care ENJOY! Galing ako sa hws mo di ako nakapag iwan ng bakas… balik ako pwamis! hehe

  7. “Pero sabi nga nila.. lahat ng nawawala may kapalit at lahat ng umaalis bumabalik. Gusto ko sanang maniwala pero… may pumalit man, iba pa rin yung IKAW… may bumalik man, pero ang dami naman ng nawala.”

    Sobrang nafe-feel ko to madalas, pag sinsabi nilang may kapalit…napapaisip ako. Worth it ba naman yung kapalit? Lalo na nga kung anlaki naman ng nawala sayo?

    Kung di na nga lang din dahil sa pamilya at mga kaibigan parang madali lang ang sumuko. Cheer up sis!

    Belated happy mother’s day sa mga nanay nyo. 🙂

    • Haysss, oo nga, iba kasi pag may pumalit marami ang nagbabago, marami rin ang nawawala … Pero….. madalas lang pala talaga ako mag inarte hehehe

      Thanks Heleyna! Salamat salamat. Happy belated mother’s day din sa nanay mo:)

      • ganun ba hehe madalas din ako mag-inarte. ganyan ata talaga mga babae, nasa hormones siguro yan 😀

        nga pala may-tag ako sayo sis ha. God bless!

        • Thanks Heleyna for the TAG! 😉

  8. hindi rin ako naniniwalang kpag may umalis may papalit..may papalit man siguro hindi eksakto na kagaya nung umalis.

    • Uu nga… basta pag may pumalit eh hindi a SYA un! hehe….

      Thanks po eli!

  9. marami namang nagmamahal sayo, isa pa dito kameng lahat, group hug…

    • Yes… group hug! Aww! thanks Stain!

  10. so… asan na yung post tungkol sa wedding ni Buyoy?

    hehe… cheer up, Tina Toinks! nadala lang yung mood mo ng kulimlim ng panahon. sunny day na, smile na!

    God bless!

    • Asan ang post bout sa wedding ni Buyoy? Iiiihhh…. kasi… iiihhh… 🙂

      No worries Bro.. Ok na po ako! hehe

      BTW, thanks for the TAG!

  11. hi.. dumaan lang.. 🙂

    • wala p din..

      • hehehe meron na po… 😉

    • Salamat Jen RN, dumaan din ako sa bahay mo… hmmm… RECTO! hehe

  12. walang bago?

    • Abah.. eh wala ka ring bago! Gumawa ka na ng TAG sayo! now na!

  13. Wala pa nga…

    • MERON NA! beh!

      • Uu nga, pers nga ako eh!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: