Posted by: teentoinks | April 22, 2009

Ang Magiting na Kabalyero!

Madalas kong lokohin na chick boy ang aming magiting na kabalyero, wala man akong naging ibedensya at pawang lahat ay mga kwentong kutsero di pa rin maalis sa isip ko ang tawagin syang…. “chick boy… igiling mo”. Tayo at tuklasin natin ang pakikipagsapalaran ng isang magiting na kabalyerong chick boy sa kanyang buhay pag-ibig.

Habang ang lahat ay nagkakasiyahan, may isang kabalyero na napadpad sa kabundukan wala man dalang kabayo pero di mo pwedeng ikumpara sa isang kawawang cowboy na may baril walang bala at may bulsa wala naman pera. Dahil ang ating magiting na kabalyero wala man kabayo may Global Positioning System na daig pa ang may sariling navigator pag nakasakay sa kanyang puting sports car. Madalas man ikumpara ang sarili kay Michael Schumacher subalit sadyang hadlang ang mga naglipanang chika babes at di maiwasan ang pagsulyap but honest to goodness “no touch” syndrome. (Ows?? malay ko rin ba! hehe)

At dahil code name: chick boy ang ating kabalyero, minsan di naman maiiwasan ang mag seryoso, may mga pagkakataon rin naman na kahit ibinigay na nya ang lahat lahat… puso, kaluluwa at aahhh eeehhh… katawan, naging mailap pa rin si unang PAG-IBIG. May mga pagkakataong wala na lang magawa kundi umiyak, hindi man nauwi sa isang masayang wakas ang dating inakalang magiging sandalan sa habang buhay potek napurnada pa… subalit ganon talaga ang pagkakataon na kung kelan akala mo’y nakasandal ka na, dun pa nalaman na ang inuupuan ay isang tumba-tumba na parang duyan na patuloy ang pag-ugoy. Subalit talagang magiting ang ating kabalyero kahit pilitin nyang ihinto ang ugoy ng duyan upang makinig, umintindi at umasa subalit napaka ilap talaga ni unang PAG-IBIG. At sa wakas, habang nahihimlay ay naidlip sa duyan, nalaglag at biglang natauhan (blaggg..)… masakit man kailangan pa ring tanggapin ang paglagapak, pagkat ang lahat ay may katapusan! (Cookie Chua.. ikaw ba yan?)üü

At dahil some good things never really last…. Nabalitaan ko na lang na ang ating magiting na kabalyero ay naghanap at nakahanap na nang panibagong kalaro PAG-IBIG, subalit di rin pala nag tagal at nahuli yatang may ibang nilalaro pinag tuunan ng pansin ang ating “chick boy” na kabalyero. Nyahaha… At bukod sa kanilang taguan pong na laro nag iwan ng isang mapanirang balibag cellfone ang kanyang pangalawang PAG-IBIG, kaya ang dating magiting na kabalyero ay naiwang nanghihinayang sa i-touch cellfone. Ahihihi…

Gang nagpatuloy sa pag lakbay… namundok… naglayag… at ngayon ang ating kabalyerong minsan ay umasa, nasaktan at naglaro di naman nagpaawat. Ang isang pakikipagsapalaran ay may destinasyong patutunguhan… Yan ang magiting na kabalyerong si BUYOY, didiretso na sa SIMBAHAN! Yeehhaaa.. BEST WISHES….

BUYOY

Eric,

Congrats to you and Archie.

“Marriage” you truly deserve! (hmmm… hehe)

God Bless Super E and Super A.. (naks.. parang Superman at super girl lang ha!)

BEST WISHES ERIC & ARCHIE…

Advertisements

Responses

  1. […] Original post by teentoinks […]

  2. haha tama ako ng hula! hahah sa sports car na puti palang!! yihiiii ang saya saya naman!!!

    si IDOL! SI SUPER E! SI JUMBO! ikakasal na!!

    sobrang bait ng tao na yan! hindi ka iiwan kahit sa anong laban! panalo sa pakikipagkaibigan maasahan!!

    BEST WISHES IDOL!!

    • Super IDOL nga eh! Hehe

      Ganda ng wedding ni Buyoy.. sayang di ko dala cam ko, kasi naman naka super dress ako… hirap dalin ng malaking cam.. di kasya sa palad ko! hehe

      Teka… Si Eric ba si JUMBO? kala ko si EL, nasan na ba si EL-pante? Ahihihi

  3. My warm embrace to both of you. May God be the center of your chosen vocation.

    (((((uy!))))) Tinssssssssss, nandito na ako! Magcomment ka na kasi may bago tayong kasama sa wordpress.

    • (((((((((((((((UY))))))))))))))))))
      Di ka na EMO? hehe at isa pang (((((UY))))) may comment na ko dun sa bahay mo… at PERS ako! Bsta PERS ako! PERS!

  4. hehehe! pinuntahan ko ang haybol ni buyoy. akala ko kasi ang ikakasal eh magkabaro. mabuti nang may pruweba bago magkomento. buti na lang at isang malaking pagkakamali ang aking hinala. kungdi malamang ay nabatukan ako dito… nyahaha!

    best wishes sa kanila 🙂

    p.s.
    ikaw kelan? 😆

    • HAhaha.. naku baka tayong dalawa mabatukan ni Buyoy, shhhh… wag ka maingay ha sikretong malufet lang…. “nasa honeymoon si buyoy ngayon!” 🙂

      Hmmm.. may question ka ba sa dulo ng comment? hmmm… 🙂

      • hindi kaya si juday at ryan yung ikinasal at nag-imbento ka lang ng ibang alyas?

        oy, kasal na sina ryan at juday… ikaw kelan? hehehe!

        ikaw kelan?

        ikaw kelan?

        ikaw kelan?

  5. Best Wishes kay Buyoy!! Sayang at nde ako nakaattend, sayang talga, aaaahhhrrrhgghh!!

    Post ka nmn ng pics nung kasal, hehehe..

    • At bat di ka umattend ha? At san ka galing ha? At ano ginawa mo dun ha? ha? ha? ha?

      Pics? di ko nga dala cam ko.. hingi ako ng bongang bongang pics kay buyoy para bonga! hehe

      OKS? san ka nga ba kasi galing? hehe

    • ay bat dika nakaattend?! wala kana sa pilipinas nun!?!?!??!?!

      • Nasa pinas pa ako kaso saturday afternoon ang kasal, sa manila pa eh sunday na lipad ko kaya imposibleng makaattend.. huhuhu

  6. Tina!!!!!!! hehehe maraming salamat kakauwi lang namin from Bohol. ganda nga tlaga duon. sana makapunta din kyo. eto medyo nag rerelaks muna gling sa mahabng kapaguran na pag-aayos.
    Salamat din pla para sa mga nag greetings para sa amin.

    at sobra kong naapreciate ang pag attend niyo nila Jubith.

    Love you all!

    • Naks… Hmmm ano ginawa nyo sa Bohol.. ahihiihi sige na… ano ginawa nyo… ahihihi uli… sige na…

      Neweis…. lakas mo sakin ha… di mo ba napansin naka dress ako…. MAONG nga lang! Nyahahhaa

  7. btw thnks nga pla sa ginawa mong pics para sa akin. hehehe loko ka tlga akala ko di mo ipopost yan buti nlng after the wedding o ginawa at ni post yan.

    • Friends tayo… Nice pic naman daba? Uy baka mapadaan dito si Archie eh lagot… baka pagsisishan ang pagpapakasal nyahhaha

      Seriously, you both deserve each other.

      Uy, wala ako pic nung wedding mo, di ko dala cam ko eh.. u knw naman super dress ang lola mo kaya di carry ang mag dala ng may kalakihang cam… hehehe send me some pic ha.. PLEASE…

      Thanks BUYOY!

  8. Uyyy bidang bida si kuya oh. Makikibati na din kahit delayed na. Sayang nga at di tayo nagkita kita nung kasal nya..di man lang nakahalik kay kuya bago magpatali. 😛
    Dumating din kasi tatay ko nung araw na yun, dami lang pinagkaabalahan.

    Ang ganda naman ng pic poging pogi hahaha. O Tin ikaw kelan ka naman mag-aasawa? Toinks! Peace!

    • Sayang naman… Oo nga sana nagkita kita tayo. Sige sa kasal ko ha, invited kayo… ay may ganun? Parang kinilabutan ako bigla! Nyahaha oist… wag masyadong umasa na may kasalan ha! Kinikilabutan pa ako! hehehe

      Syempre dami pa poging poging pic si Eric…. Mahirap i-post baka gumanti sa pag post din ng pic ko eh….

      Salamat sa pagdaan ha… super natuwa ako! Tenkyu tenkyu! Isa pa.. salamat talaga.

      Galing ako sa blog mo.. babalik ako para mag iwan ng bakas..

  9. oo nga pala noh kinasal na si eric… hehehe nalate ako…

    • naku… nalate din ako.. hehehe at madalas akong late!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: