Posted by: teentoinks | February 17, 2009

ToPo – ToPo

 

Topo-topo, wala ng bawian. Padlock kandado, tapon susi sa ilog at kinain ng buwaya…

 

Ganyan ako mag peksman nun, parang nanumpa lang ng nakataas ang kaliwang paa. Pero kahit anong sabihin nyo, masaya pa rin ang buhay bata. Noon, pagkatapos sa school uuwi kala mo lang na mananahimik sa bahay pero wag ka… mangangati ang paa at magbibihis lang ng pang-bahay na damit para makipag kita sa mga nag aantay na kalaro na parang nun lang nagkita-kita. Nakakatuwang isipin na kahit walang pinag-usapan parang naging routine na lang sa mahabang araw nang pagbabasa at pagsusulat may kasunod na ligayang paglalaro sa pagsapit ng hapon. Natatandaan ko pa nuon, tatapusin ko lahat ng assignments ko ng Biernes para ang Sabado at Lingo nakalaan sa mga kalaro at kaibigan.

 

Masaya ang buhay bata, naranasan mo ba ang mapudpod ang tsinelas dahil sa paway o tumbang preso? At pag sira na ang tsinelas na Spartan, kukulitin si Inay para bilan ng Rambo na doble ang kapal sa normal na tsinelas, sikat ka na nun! Hirap na pataubin sa paway ang tsinelas mo. Nasubukan mo rin bang mag laro ng sipa ball? O kaya ang matamaan ng kahoy ng shatong/shato/shetong, at sumigaw ng “sssshhhhhaaaatttoooonnnnggg” gang maubusan ka na ng hininga habang tumatakbo? Eh, ang makipaglaro ng “langit at lupa”? Nasubukan mo rin bang makipaglaro sa ilalim ng bilog na buwan ng “Patintero” o “harang taga”? Katulad ba kita na pag nabuburo or laging taya ay nag susungit at mainit na ang ulo…. O kaya naman ay kaaway na ang lahat dahil feeling mo pinagkakaisahan ka na? Naranasan mo rin bang magdikdik ng bulaklak ng gumamela para gumawa ng palobo? At pagdating sa bahay, puro mantsa na ang damit dahil sa mga dahon at gumamelang pinilit palobohin, pero walastik, ubos na hininga ko wala pa rin akong lobong nakikita. Nasubukan mo bang habulin ng asong bagong panganak? Ang matumba sa bike at magasgasan? Ang maligo sa ulan habang naghahabulan kasama ang mga kalaro? Ang umakyat sa puno ng bayabas ng kapitbahay? Ang mag laro ng piko at step-no? Ang bulabugin ang bahay ng mga langgam? (ahaha.. wala lang kala ko kasi pwede gumanti pag nakagat ng langgam eh!) At ang pinakamasaya sa lahat, ang pakikipagkulitan sa mga nanay at tatay ng mga kalaro, na madalas bibilan ka pa ng meryenda! Ang sarap balikan ang kamusmusan…

 

Wala man akong PSP nuon, wala pang friendster at facebook… at madalas kami mag-away ni Kuya sa “Game Over” (basta yan ang tawag ko dun! Mag-isip ka kung ano yan?) pero iba parin ang sayang dulot ng simpleng buhay sa kabataan. Ang simpleng buhay na kahit isang kagat ng langgam pwede mapagkwentuhan sa ilalim ng puno ng mangga o kaya naman sa damuhan habang nanood ng nagpapalipad ng saranggola.. o habang nag luluksong-baka o luksong-tinik. Masarap balikan ang buhay bata, nakakalungkot isipin na karamihan sa mga kabataan ngayon hindi na nararanasan ang ganitong eksena ng buhay bata. Mahihirapan na rin sila gawan ng kwento ang buhay kabataan at kamusmusan nila, ang OA naman siguro kung ang ikwentong kamusmusan nila ay kung pano sila nakabuo ng BATA sa SIMS CITY (wag ka magulo, nakakabuo talaga ng bata dun!), kung pano sila natalo sa DOTA or COUNTER STRIKE, kung pano nila napa taob si VEGA sa Street Fighter! Kung pano pagpawisan sa kaka-dance revo o kung ano ano pa …Ganyan ang buhay ng kabataan ngayon… limitado!

 

Habang ang buhay bata namin… pwede na pagtawanan ngayon, kung pano pinagagalitan dahil nabali ang sanga ng bayabas ng kapitbahay, dahil umuwing umiiyak at sugatan sa pagkaka dapa, dahil nahulog sa seesaw… may nagsumbong na kalaro, ano man ang dahilan, ang dami paring kwentong nabubuo. Sa isang simpleng buhay ng kabataan nuon, daming pwedeng pag kwentuhan, ang daming pwedeng pagtawanan na kahit ang simpleng peklat sa tuhod ay pwede mo na gawan ng isang entry dito sa blog. Masasabi ko, masaya ang kabataan ko at maswerte ako dahil naranasan ko ang ganitong eksena ng buhay bata na kahit abala sa paglalaro pag tinawag at sinundo, uuwi pang tumatakbo… sa takot lang mapadapa at mapalo!

Oh.. topo-topo… BASE na.. ikaw naman!

Ciao… ciao.. ciao..

 

Advertisements

Responses

  1. ako una? aba nga naman…

    TeenToinks
    YEHEY! Una si bro. utoy! TOPO-TOPO

    Uy, bat wala ka link? hmmm… Walang gayahan! hehehe
    Opo, maglalagay na po… promise! ahihihi

  2. di ako maka-comment ng maayos. una, walang bata sa baryo namin noon. ewan ko pero kailangan ko pang pumunta sa kabilang baryo para makilaro. eh most of the time, puro panonood lang sa TV ng kaisa-isa kong kalaro ang inaatupag namin. either that o ang magperform kami ng surgery sa palaka. Wag ka, may funeral rites yan, pagkatapos ng operasyon.
    pangalawa, hikain ako ng bata, bawal mapagod.
    pangatlo, lampa ako nung bata. flat-foot kasi. tas madaling mawala ang balance ko kasi bingi sa isang tenga.
    hayy… abnormal na childhood. kaya yata ako lumaking serial killer.

    pero gayun pa man, dama ko ang saya ng sinulat mo, Tina. parang nagbabasa lang ako ng mga sanaysay ni Gng. Genoveva Edrosa-Matute (naks!). humuhusay ka nang magsulat, Tina ah.ü

    God bless!

    TeenToinks
    UNA: nag dissect din ako ng palaka, pero di ko naiisip na bigyan sya ng funeral rites.. tsk tsk.. kamusta nmn kaya ang kaluluwa nya? Ahihihi

    TWO: ung pinsan ko din nun may hika, kaya ung mom nya super alaga sa kanya… “oh wag kang tatakbo” , “yung pawis mo”, “mapapagod ka na naman”.. at some point nakakaingit lang din! ü

    TRES: bingi at flat-footed din ako, madalas din madapa!üü

    *Serial Killer? Hmm… Bro. Utoy bati tayo… super bati tayo daba? Daba? Ü

    Gayun pa man, mas pinasaya ako ng comment mo! Ü Humuhusay??? Hmm… mejo nilagyan ko lang po ng konting “püso” yan. Hehehe

    Hapi puso day bro. ütoy! *late talaga! God Bless din pow!

  3. ang saya hindi ako nun maapuhap sa bahay, madalas mapagalitan kase tanghalian na wala pako. hayss kadami kong text! (yung mga maliliit na cards) may pamato na palaging tao! napakatao hehe. mahilig din akong manghuli ng salaginto sa tapat ng bahay namin kase may puno ng talisay bakat sa dahon ung salaginto batlibagin mo lang tsinelas malalaglag na, o kaya naman yugyugin mo yung punong mangga magkakalagagan din ang mga salagubang. nakakamis ung mga outdoor na ganun. naalala ko din tuloy dami namin dati magkakalaro puro naka bike kahit alas dos ng hapon bike kami nakakahingal sobrang init,. pero ang saya isang samalaamig na tigpipiso lang eh tapos na ang uhaw!

    naalala ko yung shatong nayun.. diba ang hiyaw dun ttttttttttttiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii…. haha gang saan ka umabot. meron ding jolens! pagandahan ng holen nun. nauso pa ung malalaki.. holen nga pede din sa mini-bilyar basta may mga laste sa paligid (rubber band). hehe hayssss, ganda naman ng post refreshing! may treasure tayong lahat sa kabataan natin!

    more entry like this please! ^^

    TeenToinks
    Kakamiss talaga… May TEXT din ako nun, tas “super tramp”, card na magpapataasan kayo like speed or velocity. Nag collect din ako ng “POG”. Newei, ang masaya pa pag nagbabike yung hahabulin kami ng aso… grabe takot kami, pero pag wala nakagat tawanan lang… at tama ka, sa tig pipisong sago gulaman solve na, minsan share share pa…

    Bakit ttttttttiiiiiiiiii…. Ang sigaw sa inyo!? Hmmm… magkaiba tayo! Ahihi
    Uy, may jolens din ako… basagan pa ng jolens… oh say mo! May mini bilyar din ako.. binili nun fiesta samin… oha! Kumpleto rekados…

    More entry like this?? Hmmm… Ubong muna! Nyahaha!

    Thanks panget… di nga wala ka nga UBONG? Miss you! Nyahaha

  4. Pikon pikon pikon!… hahaha.. naalala ko sarili ko nung mga shatong time nayan… may mga skulmate akong mga chiks na nanunuod sa amin,i syempre pasikat naman ako, yuko duon tuwad dito hanggang sa may nag KRAAK!!! ayun butas ang shorts ko…mula singit hanggng pwet… eh bata pa ako nun at di pa ako mahilig mag brep! oks na oks sa pasikat!

    pahabol, feeling ko iniyakan mo ‘to habang gingawa mo tong entry… hehehe…

    TeenToinks
    Ay, walang brief.. walang brief…. Ahihi ayan pasikat pa kasi, wala naman palang brief… ahahaha Naranasan ko din mapunit ang shorts, nag cartwheel ako… kaya KKRAAKK… uy, wag ka.. may panty naman ako nun. At tapat lang yung house namin sa school kaya palit agad ako! Hehehe

    Pahabol din… Di pa yan drama… imaginin mo pag nag-drama pa ako! Wasshoo…

  5. “puwera bawi, isang basong ihi”!!! — iyan naman ang aming banat nun. ang saya saya!

    super-relate ako sa lahat ng larong kinuwento mo tina.
    mega childhood nostalgia ang entry mo ngayon ha.

    the best ‘yung ‘pag pinapatulog ni nanay sa hapon… tulug-tulugan ang drama… tapos mauuna pa siyang makatulog… ‘pag humihilik na si nanay, sibat na! ha ha ha! pag-uwi, palo! pero may merienda naman.

    jolen, text, tumbang preso, akyat sa puno ng aratilis, patintero {sarap maging patotot}, langit-lupa, etc. — nangingiti na lang ako dito… priceless talaga ang mga memories na ‘yun.

    mga astig na banat bata:
    * “weehhh…. hindi kasali!…. uwi ka na nga!”
    * “meron din kami niyan ‘no!”
    * balagoong… balagoong!

    haayysss….

    LARO TAYO DALI!
    IKAW TAYA!

    TeenToinks
    Ahaha… Si dade naman ang nagpapatulog sakin pag tanghali at may kasamang kwento pa yan… “SI JUAN AT SI PEDRO” o kaya naman “ANG IBONG ADARNA”… at “JUAN TAMAD”, kahit paulit-ulit na at alam ko na ending, yun at yun pa rin ang kwento. Haaayyysss…. childhood!

    Ay.. ang DAYA! Bat ako ang TAYA??! Ikaw ang nahuli kaya IKAW ang TAYA! Behh!

  6. waahhaha panalo den ang comment ni rev. sapaw si siopao haha pero toto naman nga ang astig na banat ng bata tulad ng

    1.di kita bati.
    2.bahay bahayan tayo,ako tatay ikaw nanay. ^^
    3. ayokong lumaban sayo sa text, lima lang kaya text mo, ano yan? pampalagong b*****? wahaha

    TeenToinks
    Ahahha… sige simpleng banat mo may ano ba yan ******, ke bata pa may nalalaman nang b***** nyahahaha…

  7. Teka, kakadating ko lang, humihingal pa..

    Magbabalik!!

    Padlock susi kamatis!

    TeenToinks
    ZZZZZzzz… tulog ako! Ay teka.. may ubong ka nga pala… GISING na ko! nyahahha

    Nakakahalata na ko… ikaw ba si Hor-he Balik-balik?

  8. HULI KA BALBON!!! Hahaha!

    Akala mo siguro ay habambuhay mong maitatago sa akin ang iyong bahay noh? Pwes, yan ay isang malaking pagkakamali dahil close kami ni Google at ipinagamit niya sa kin ang Google earth para lang ma-locate kita. Ahehehe!

    O siya, eto ang aking komento sa nobela ng iyong kabataan… ang saya! ‘Yun na yun! Hehehe….

    Kidding aside, nakakalungkot nga ang mga youngsters ngayon. Hindi colorful ang kanilang childhood kungdi techy. Walang exciting na kuwento tulad ng hinahabol ng nanay ng sinturon dahil alas-sais na ay nsa lansangan pa; ‘yung taguan-pung kapag brownout sa gabi; ‘yung masilipan ng panty sa chinese garter… bsta andami pa. Sayang at iba na ang kasiyahan ng mga kabataan ngayon. Hindi na authentic. Hehehe!

    Hay naku, i-link na kita ha para di na ko makiamot ulit kay pareng Google. Baka machismis pa kami at para di ka na rin makawala. Ahehe! 🙂

    TeenToinks
    Teka… Hindi naman ako BALBON ah… nyahaha!

    Abah at abah… nasuhulan ko si Google pero bat nituro pa rin nya sa’yo ang house ko.. ayan tuloy PONG na ko! So ano na? TAYA na naman ako? nyahaha

    Correct… di na authentic ang saya ng mga kabataan ngayon, naabautan ka ba ng nanay mo nung hinabol ka ng sintron? Ahihihi

    Salamat sa comment.. I added U na rin sa blog roll ko! Super salamat sa paghahanap, hehehe.. Nadaan uli ako sa bahay mo, di lang ako nakapagiwan ng bakas… dalaw dalaw lang uli ako ha.. uy penge naman cake, dami sa house mo ah!

  9. uu naabutan ako. madalas akong magulpi nun eh kasi dapat alas-singko pa lang nasa bahay na ko. eh ang kaso napapasarap ang laro kaya madalas maabutan pa nya kami sa labas pag galing siya work… wahaha! uy pero wag ka, magaling akong umiwas. bihasa sa patintero e 😀

    cge daan ka lang sa haus pag nagke-crave kaya. kaya lang puro bitter sweet flavors ng cakes ko ngayon eh… pili ka na lang ng trip mo. salamat sa link 🙂

    p.s.
    mukhang maliit ang suhol mo kay Google ah. baka pang-kape lang naibigay mo dun. MMDA yun eh 😆

    TeenToinks
    Ey, ENJOY… mejo bitter sweet nga yung flavor ng cake mo the last time I went there! Feeling better now?

    Pang kape nga lang pala na ibigay k okay Google tsk.. dapat pala bukod sa pakape may pandesal pa. Hehehe God Bless Enjoy!

  10. masaya talagang balikan ang kamusmusan, narasan ko din ang mag taguan pong kapag bilog ang buwan at walang kuryente, para lang hindi ako mataya todo tago ako at dinadayo ko pa ang kabilang kalsada, hangang sa mainip ako dahil hindi ako makita, nun pala hindi na ako kasali sa 2nd round ng laro. ang mag suot ng skul uniform na palda w/ short para hindi makitaan pag nag tambling sa larong chinesse garter. ang luksong tinik, larong piko.

    naalala ko pag dating ng tanghali pinatutulog kami ng tagaalaga namin ng kuya ko, kung pano dahan dahan kami tumatakas para lang maglaro, at usapan na bago magising e kelangan nasa bahay na kami. tuwang tuwa naman ang nanay namin nun kasi 5pm na tulog pa din kami, hindinila alam na tumatakas kami. pro sabi nga hindi ka makakapag lihim dahil isang hapon pabalik na kami ng kuya ko sa bahay na datnan namin nanay ko na nan dun na.. a un kinabukasan laht ng short at palda nasa kabinet at naka kandado. waahahahah.. kakahiya.. pero tutuo… para lang hindi kami makalibot (syempre naman kaw ba maglibot ng wala short/palda kakahiya da ba?… kaya natuto kami ng kuya na matulog sa umaga… un lang po… bow..

    TeenToinks
    Hi Mahal Ria, salamat sa pagdalaw. Hmm.. tumatakas rin pala kayo kay Nanay ha! Tsk tsk… Di ko na papahabain comment ko sayo magkikita naman tayo nila Bon. See you soon.. hehehe! Muak*

  11. waaaahhh nakakamiss ang ating childhood.. ano? paminsan tinitignan ko yung mga kinder.. na naktatakbuhan, naiisip ko.. dumaan tayong lahat sa ganun.. ang sarap balik balikan..

    ako tuwing magpepeksman, sinisigurado kong totoo.. ewan ko, kasi takot me dun sinasabi nila “MAMATAY KA MAN!”,,, hahahal;

    TeenToinks
    Uy, Jen nagpunta ako sa hws mo, di ako nakapag iwan ng bakas… Pero CONGRATS ha… yeeeeyyyy… RN na sya hehe!

    Masarap talaga ang naging buhay natin nung kabataan, siguro ilang years lang ang gap natin sa mga techie kids na halos naubos ang oras sa harap ng computer na kung saan ang kaibigan nila halos lahat virtual lang.

    Again, CONGRATS JEN!

  12. First blog I read after wakeup from sleep today!

    ________________________
    Proven! How to cure Acne Naturally.Email to mike.wilson80@ymail.com for more information.

    TeenToinks
    Thanks Mike!

  13. teen toinks, alam mo bang masyado akong nag-enjoy sa post mo na ito. pers taym kong makarating sa blog mo pero nakakarelate ako kase nagpo-post din ako sa blog ng mga tungkol sa larong pambata ‘noon’. may mga artworks din ako ng sinasabi mong tumbang preso, syatong at iba pa. sana makapasyal ka sa blog ko para makita mo ito.

    sana ipagpatuloy mo ito, dito tayo nagmula, kaya sama sama nating gunitain ang mga ito.

    http://blographics.wordpress.com

    TeenToinks
    Yeeee… natuwa ako sa pagdalaw mo Ka Eli, actually galing na ko sa blog mo at first time ko rin yun, nag iwan na rin ako ng bakas dun. Astig ng mga graphics mo, diba vector or vexel tawag dun? Astig kahit super slow connection ko dadalawin kita sa blog mo hehehe… pwamis!

    I tried vexeling kaya lang… patience talaga ang kailangan, wala yata ako nun! Hehe

    Oooppss… I added you to my blog roll, at wala ka nang magagawa… topo-topo! hehehe

  14. BASE!!

    Yan ang uso ngaun, base sa hulihan! hihihi..

    Cencia na ateng sa super duper late matinong comment. U know the reasons.. Wag mo ng ihostage ang comment mo ha..

    Osya, eto na ang matinong comment:

    1. Ang peksman nmn sa baryo namin eh ‘padlock susi kamatis’ lang, ang ikli di ba? Ano nmn sa inyo na may ilog at buwaya ek ek pa? Ang haba pero nde namn nakarhyme, bwahahaha!!!
    2. Maswerte ka at sa tapat lang ng school ang bahay nyo, pwede kang lumarga after school, e sa amin, bukid ang harap, ano ang pwedeng laruin kundi mga tanim, hay apoo!!
    3. Nde ako makabili ng rambo na tsinelas nun kasi mahal, kaya nagttyaga ako sa beach walk, bwahahaha!! Syatong ba kamo? Muntik ng mabulag ditse ko dyan at bukol galore ako sa noo, ang laki ba nmn kasi ng kahoy eh, tumama sa noo ko, buti nlng at nde sa mata..

    Eh ang touch the color of kulay ano, nalaro mo din ba? OA di ba? hihihi.. Chinese garter, clap ng laste, tatsing ng lata o tsinelas, sipabol, harang taga sa ilalim ng buwan, one two three one to pepsi? nalaro mo din ba yan?

    Ang sarap balikan ang kamusmusan, grabe, walang ibang inisip kundi maglaro, maglagay ng karton sa pwet kapag papaluin, umakyat sa puno ng mangga at kumanta ng kumanta hanggang mabati ng mga nuno daw. Nanira ng punso at nanirador ng mga ibon pero nde mo nmn matamaan hanggang tamaan ang bubong ng kapitbahay, hahaha..

    Haysz!! sana ganun din ang maexperience ng mga bata ngaun kaso parang malabo ng mangyari..

    Godbless parekoi!!

    TeenToinks
    Ayan, umayos ka sa pagcomment! Balik ka ng balik… pag balik, balik uli.. tas balik na naman.. balik uli! Ahhh… sinabi ko bang pabalik balik ka? Pwes oo, balik ka ng balik! Nyehehe
    1. walang pakelaman, basta lam ko may bwaya at ilog jan.. uu nga di rhyme pero mas rhyme yung “topo-topo balik-balik”.. ahihihi muak*
    2. Bukid ba harap ng bahay nyo? Weh… sapa muna tas bukid… dun pa nga kita nakita one time nanghuhuli ng Golden Kuhol… Pero ganda ng kulay ng hws nyo parekoi… sarap sa mata. Ahh eehhrr… parang nagutom ako bigla at nakaamoy ng sinigang! Uy, baka naman sabihin nila pumupunta lang ako dun para kumain ha! nyehehe
    3. Beach walk… potek! May beach walk na ba nun kapanahunan mo? Nikon at Spartan lang kaya! Bukol ba kamo?? Errrgghhh san ang bukol galore mo?? Arrggh! Wala ako nun, galing kaya ako iilag! Kasi naman ang pang sapo kamay… hindi noo! Nyehehehe

    Nalaro ko lahat ng sinabi mo, pwera yung one two three, one to pepsi! Ano kaya yun? One to mirinda… one to sarsi… one to pop! Ay naku.. corny na! Di ko nga alam yan eh! Teka… touch the color of kulay? Eeehhhrr… eh kung sabunutan ko yang kilay mo! OA ha!

    Nahaba na naman ang comment ko, di naman kasi ako madaldal tsaka di talaga ako usi.. wala talaga sa orange blood ko yun (parang Royal Blood lang)! Hay bangag na naman!

    Eto ang ending…. IKAW ANG TAYA!

  15. Cheh! Taya ka dyan, sige wala kang keychain from bangkok! bwahahaha!!

    Ateng, dalaw ka ulet sa bahay, lonely ang aking peyrents, bwahahaha!! Buti nalang may internet na sa housie, nalilibang na ang magdyowa, toinks!!

    Asan na next entry mo ha?

  16. bakit ang tahimik ng bahay mo teen? mag-ingay ka naman!!!!!

    hahaha!

    teker 🙂

    TeenToinks
    Haha… tagal ko din nawala.. nanahimik.. at makapag iingay na rin ako ENJOY!

  17. NAKS bago header… :p

  18. ganda! 🙂

    TeenToinks
    Xempre…. uy.. ung table ko handa mo na sa wedding ha! nyahaha

  19. tahimik ka pa rin sister…. pero kahit tahimik ka, meron gift syo. andun sa haus ko, pakidampot na lang 🙂

    TeenToinks
    Uy.. thanks ha… Sisterhood salamat talaga! Lapit na ko mag ingay hehe

  20. naabutan ko rin mga ganitog eksena nung bata ako,hahaha..nakakatuwa naman…ay teka parang tema ng blog ko din tong entry mong to.naku ha… masaya ito.

    TeenToinks
    yes… salamat po sa pagdalaw. Masaya talaga lalo na pag mga isip bata pa rin gang sa pag tanda! hehehe APIR!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: