Posted by: teentoinks | February 8, 2009

NakiTAG-TAG 10 – MAY SAGOT NA!

Dahil sa kaaliwang taglay ng isang tag na nakita ko kay Maam Libay at napadpad kay Rev. Siopao, minarapat ko na ring maki-tag-tag, dahil wala na rin akong topic na maisip, ganunpaman, may mga kasinungalingan na naligaw at mapagpangap na istorya ang ilan sa mga mababasa nyo

Eto daw ang batas: Magsabi ng sampung bagay-bagay tungkol sa sarili mo, 9 ang totoo at 1 ang kwentong barbero.

Pero pasaway talaga ako, kaya mag-isip na lang kayo kung ilan ang kwentong barbero at kwentong kutsero

  1. Nung bata ako kapag sinasama ako ni mame sa eskwelahan madalas ako mapalo kasi ang gawain ko ay mag-drawing ng “piko” sa harap ng black board habang nagtuturo sya. At dahil sadyang pasaway ako, mag aaya pa ako ng estudyante nya para makipaglaro ng piko sakin. Hehehe Yehey… ayun pinalo si Tina!  – TRUE: Grade school teacher mother ko sa isang public school sa lugar namin nuon, shempre pagkapalo mega tampururot at pagtyatyagaan basahin (kunyari marunong magbasa) ang puro guhit na notebook… lesson plan pala tawag dun!

  2. Sa tanghaling tapat, pipilitin ako ni dade na matulog kaya magtutulug-tulugan ako at dahil matutulog din sya, aantayin ko muna na makatulog si dade bago tumakas at makipaglaro sa kapitbahay…. Kaya ang ending, wwwaaaahhh…. PALO na naman! Huhu – TRUE: madalas ako mapalo dahil madalas ako tumatakas sa pag tulog sa tanghali. Hayysss.. ang bait ko pala nun!

  3. Mga apat na taon ako twing sabado, may nagpupunta sa bahay na taga plantsa ng damit namin at dahil nangunguha daw yun ng pasaway “mababait” na bata…Shempre takot ako noh! Minsan may ginawa akong kalokohan na hindi ko na rin maalala, kaya ang ginawa nila kuya.. sinabing kukunin daw ako ni MORA (name ni aling plantsadora), gang sa nagtago ako sa cabinet namin.. pero takot na takot ako kasi nakikita ko sya sa butas na papalapit sa cabinet… kaya bago pa sya makarating sa cabinet… sumigaw agad ako at umiiyak sa takot! Wahhh… til now ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko nun. Ilalagay lang pala sa cabinet yung mga damit na pinalantsa nya. Hay apooo… di pa naman ako nagkakape nung 4yrs old ako ah! Eh bat kung maka-react ka Tina? – TRUE: ang totoo hindi lang ako ang takot kay Aling Mora nun, siguro lahat kaming mga bata sa lugar namin… basta ang dami nya kasi dalang supot…. Basta takot ako at mabait ako every Saturday! At pano ko nalaman na Saturday yun.. kasi wala pasok… oha!

  4. Nasubukan nyo bang isako? Wehehe Di ko uli matandaan kung ano ginawa ko nung bata ako, pero umabot sa puntong isinako ako at ibinitin, iyak nga ako ng iyak nun pero nung huminto ako natakot silang lahat kaya binaba na ako pero di nila alam inaantok na ko nun. Nyehehe…. – TRUE: Hayysss… di ko lam kung ano ginawa ko basta natatandaan ko pa to… hehehe hangang ngayon kwentuhan pa namin ni kuya toh! Hehehe

  5. Nakasinghot ako ng muriatic acid nung bata ako…. Ilang oras din akong bumabad sa plangganang may tubig, bah malay ko ba naman kasing mabaho pala ang muriatic acid, hellllooo… bata pa kaya ako nun! – FALSE: kay kuya po ito nangyari!

  6. Nag work ako sa Quezon City, everyday umuuwi ako sa Parañaque at every Saturday minsan twice a month, uuwi ako sa Nueva Ecija, half day pa naman kami pag Saturday. Say mo, wala naman ako hilig sa byahe diba!? – TRUE: Basta every day P’que to QC at QC to P’que ang raket ko (gawing raket ba?), at every SAT Nueva Ecija naman… goodluck LATE ako lagi! Nyehehe

  7. Nanood ako(kami) ng concert ni David Gates (vocalist ng Bread) Php500 lang ang ticket ko(namin) kasi yun yung pinakamura, pero dun ako umupo sa pang Php1000, ganunpaman, malayo pa rin! Newei sulit naman kasi… ganda ng boses! – TRUE: Sa Big Dome kami nanood! Promise nag enjoy ako… kahit mejo malayo kami pero enjoy pa rin

  8. Nun bata ako, kumukupit ako ng pera sa bulsa ng pantalon ni dade pambili ng “WIN AGAD”, hehehe tsitsa na may premyo sa loob, kahit puro lego lang ang nukukuha ko tuloy pa rin ang kupit ko, kasi natsambahan ko minsan yung 2pesos na papel. Uy, malaki na yung 2pesos nun! – TRUE: Hehehe nangungupit ako… pero nagtataka lang ako… bat kaya alam nila na ako yung nangungupit… hmmm… bakit kaya???? *isip… isip* hehehe

  9. Nakakita na ba kayo ng multo? Ako… OO! At ang meeting place pa namin ay sa toilet habang abala ako sa pag labas ng sumpa. Bata pa rin ako nun, di ko alam na multo pala yun, inaabot pa nga nya sakin yung kamay nya kaya sinubukan ko rin hawakan pero wala talaga ako nahawakan at kahit yung mukha nya di ko maaninag. Wahh… moooomoooo!- TRUE: No kidding, by that time di ko pa lam na mumu yun, pero super natatandaan ko pa sya

  10. Nagkakilala kami nila Bonistation at Jorge nung mga bata pa, at gang ngayon patuloy pa rin sa paglalaglagan at pag ookrayan. Hays… (Bon/Jrg: Don’t give hint, exempted kayo sa #10!) – FALSE: College kami nun unang magkita at naging magkaibigan DAW meaning laglagan at okrayan! Yung picture, edited lang po sa Photoshop! Heheph03425i32

Ilan lang yan sa mga patunay na mabait pala talaga ako nung bata ako! Haysss… (tamaan na ng kidlat!) But newei, gaya ng sabi sa ginawa kong batas-batasan may mga kwentong kutsero at kwentong barbero dyan, pakihulaan na lang kung ilan ang totoo at ilan ang hindi totoo at shempre hindi naman sa nangungulit ako pero kukulitn na rin kita kasi dapat may reason ka bakit sa tingin nyo hindi totoo ang napili nyo. hehehe Okidoki? Tenchu po! GBU!

Since wala naman tumama sa inyo, di na ako mag-eeffort na magkwento kung bakit napakabait ko nun bata… hehehe  

Happy Valentine’s Day po!

 Ciao… Ciao… Ciao

Advertisements

Responses

  1. lahat dyan kwentong barbero! ang orig lang is yung number 10. yun lang masasabi ko kase nung magkababata tayo eh hindi naman namin alam ni jorge na marunong kang mag piko! chineese garer nga umiiyak ka pa! ang nilalaro mo lang dahil gayagaya ka sa amen eh tumbang preso!!

    TeenToinks
    Sabing wag magbibigay ng hint eh! Wag makulit… DAPA!
    Uy.. mag post na! Wag mo na anayin na pasabugin ko pa ang blog mo ha! Nyehehe

  2. andun ka rin sa concert ni David Gates? sa Folk Arts ka ba nanood? uy, tingnan mo nga naman… 500pesos din ang tiket ko nun eh. Syempre, nakikanta sa Guitarman kasama ang mga tao. hehe…

    God bless!

    TeenToinks
    Ahaha… bat di mo sinabi na pupunta ka? Hayyysss… ahihihi Folk Arts?? Ahhh ehh… ahhh…. sa Folk Arts ka nanood? sa gawing Cubao po ako eh! (uy, may clue na!) Kumanta ng Guitarman? Ahhh… sigaw na lang ako ng MOOOORRREEE…. Ahihiihi

    GodBless Bro Utoy!

  3. wla.. kilala kong sinungaling c tina.. lahat yan d ko paniniwalaan.. manloloko.. gingudtym lang tau nian!.. hahahah..

    TeenToinks
    My annetooot… super namiss kita!

    Oist… ngayon ka na nga lang dumaan dito at minsan ka na nga lang mag-comment, nilaglag mo pa ko! Nyahaha kahit na.. labshooo parin annetooot… hope to see you soon!

  4. lalo un tungkol s multo.. napanood ko n un ganun kwento s tv e.. jok jok lng un! hahaha..

    TeenToinks
    Wehh.. napanood ka jan! kala mo lang na di totoo!

  5. prang 220 un kay ALING MORA! buti d k pinagMOMORA!!! hahaha.. lintik siya pa nga ata dapat matakot sau.. batang halimaw sa aparador.. scary! hahahah 🙂 kulet mo tlga tina.. hihih.. njoy! kktuwa.. dami mo alam n kalokohan.. hihih..

    TeenToinks
    Abah… hindi ka sabik mag comment ha! Namiss mo ko noh??? Ahihihi Si Aling Mora, totoo sya.. gumagalaw sya… isa talaga sya sa mga kinatatakutan ko nung bata ako, imagine every Saturday ko sya nakakaulayaw… kaya every Saturday mabait ako! Nyahhaha

  6. ano p ba mukhang 22o jan? ah un nangungupit? hahaha.. bat parang wlang ganun binebenta sa maynila.. d ako nkbli nung bata.. hihih..

    TenToinks
    Ahihihi.. wala ka talagang hilig sa comment… haaayyysss…. Ano ba? Uu namiss na kita! Hehehe, annetoot, pwamis masarap yung “win agad” hindi mo natikman? Sa probinsya lang siguro meron nun, eh kahit nga maglaro ng tumbang preso di mo na experience eh. Ahihihi!

  7. un #2 gawain ko din un nung bata.. kaya lang ang bantay ko lola ko (sumalangit nawa ang kaluluwa nia.. effective un! d ako nabuking e).. hahahah.. tulug tulugan!
    boring kc ma2log s tanghali.. mas masarap maglaro s init ng araw.. un sikat n sikat ang araw! un paniguradong kukutuhin ka pag uwi mo.. 😉 hahaha

    TeenToinks
    Ayyyy… namiss mo talaga ako! Ahihihi Huy.. andami mo na comment dito ahhh parang installment lang! Eh.. kakainis kaya matulog ng tanghali nung bata!

  8. muratic acid on #5.. nung bata ako lam ko n mabaho un e..
    adik k lng tlga! 😉 hahah..

    TeenToinks
    Shhh…. Adik ka jan, adik sa muriatic acid?? Eeewww..! Nyahaha! Kamusta naman ang addiction natin nun?? Food trip sa tapat ng St. Mary’s…. waaahhh miss u na talaga… miss ko na ung nachos, squidballs, fishballs, sweet corn, kutsinta at kung ano ano pang katakawan. Ahhhh.. namiss ko na!

  9. un # 6 22o un.. ah may 220 nmn pla.. kc nksama ko c tina umuwi ng laur e.. tinulugan b nmn ako sa byahe.. magaling! heheh.. ngawi ako dun kc attend ako ng fiesta nila.. d nga kami pumasok n s ofis.. nagbabad kami matulog at tumambay sa bahay nila… dapat tina tnakot mo c aling MORA para nkaganti k.. hahah..

    TeenToinks
    Hayyy.. buti naman at naniwala ka dito… nyehehe! Kala ko ba sinungaling ako? Ano ano? Explain explain… pero miss you annetoot! Happy to see you here commenting! At talagang commentsssss ha…. Not just once but…. …Plenty! hehehe

  10. Uy, kumusta na Tin? Kakatawa naman ang cabinet experience mo. Mas matutuwa ka sa cabinet experience ko, hintay ka lang!…

    TeenToinks
    Bilis.. wento mo na! Ano yung experience mo dun sa cabinet ahihiihi… bilis… ayaw mo??? hhmmm…. sige sabihin ko NAME mo! Nyahahahha

  11. Ay, ano bayan! bakit yan ang lumabas na namin ko? bisto na ako, hehehe!

    TeenToinks
    Ahihiihi… bisto! ahihihi! Pa secret secret pa kasi… nahulaan ko naman nah! nyehehehe

  12. Tin, puntahan mo muna ang account ko sa blogspot kasi may revealation ako doon, hehehe!

    TeenToinks
    YES.. galing na po ako dun! YEHEY! Sabi ko na nga ba KAW yun eh!

  13. Dun ako naniniwala sa sako, kasi until now bakas parin ang ebidensya kay teentoinks!

    Peace!!!

    TeenToinks
    Ibidins ka jan! Wehh… nyehehehe!

  14. BWAHAHAHAHAHAHAHA!!! sorry ha, natatawa talga ako eh, at ayan, napatawag pa tuloy ako sayo ng di oras!!

    Teka lang, magbabalik!

    TeenToinks
    Yeehaaa… Tenchu sa call! Namiss mo ko! Nyehehehe namiss mo ko! Ahihihihi cge tawa lang

  15. Naku naman, puro kwentong barbero itong mga ito eh! Hmpf! Puro kabugukan ka nung araw eh ang pagkakaalam ko may picture ka na nasa timba, kung ano itsura mo… chicklet!!!

    labsyuh!!

    TeenToinks
    Ahihiihi barbero ba?? Di kaya.. ilan lang kaya jan yung kwentong barbero.. ahihiihi Newei, nanahimik na yung picture kong nasa timba noh! nyehehehe wag mo nang halukayin! ahihihi

  16. Alam ko na kung bakit nde ka lumaki… kasi puro PALO ka nung bata ka… bwahahahaha!!

    TeenToinks
    Uy.. mabait ako nun bata ako! As in! ahihiihi WAG KA NA KUMONTRA, blog ko naman toh eh!

  17. tagal mo na akong hinihintay ‘no? aminin….
    eto na ang uso ngayon… pahulihan hindi na paunahan. toinks!

    at dahil balentayms ngayon e iisa-isahin kong okrayin kilatisin ang bawat kuwento.

    1. Totoo ‘yan. Nararamdaman kong likas ka ngang pasaway bata ka pa lang. {buti nga pinalo!}
    2. Truth ulit. Sagana ka talaga sa palo nun kaya hindi ka lumaki. {buti nga ulit!}
    3. Korek! Tinext ako ni Aling Mora kagabi {oo huwag ka makulet}. Natatandaan niya daw ‘yan. Actually, binaligtad mo daw ang kuwento dahil siya ang natakot sa ‘to. Toinks!
    4. Bakit sako lang?… dapat pinakagat ka pa sa madaming hantik. Kakulet mo kasing bata. Dapa ulit!
    5. Hindi na ako magtataka. E kahit ano sinisinghot mo ‘di ba? Katol, vetsin, kuko sa paa, etc.
    6. Isa pang katotohanan. Naglalakad ka pa nga minsan ‘pag baha at may rally remember?
    7. Na-check ko ito kay David Gates. Nag-email siya kanina lang. Nanood ka nga daw ng concert niya.
    8. Kita mo na, bata pa lang mamimitik na. Tsk tsk tsk!
    9. Chinungaling!
    10. Japeyks ang pichur. Kagaleng mo kaya mag-retoke ng mga pichur pichur. {hihihi – si JRG parang mongolid kyut. / si boni naman babalu kyut din.}

    Tapos na po bow. Hapi Balentayms!

    TeenToinks
    Ay! Assuming ba REV… Inaantay ka jan, uy, di kaya kita inaantay amp! Eh bat ngayon ka lang…?? Di kita talaga inantay… eh bakit nga ngayon ka lang!??? As if naman aantayin kita… eh bakit ngayon ka nga lang???? Hmp! I know.. I know… pauso ka jan! Di naman pauso yan, talagang di mo lang ako love.. talagang di mo lang ako dinadalaw.. talagang kinalimutan mo lang ako! Hmp! Pauso ka pa jan… hindi yan pauso… pasakit sa aking damdamin! (mega emote – infinity level)… *with eye-mo para effective ang emote!

    BEH… mali yung hula!! Ahihihi

    Osya.. osya, kahit di mo ko love, kahit kinalimutan mo ko at kahit di mona ko dinadalaw at dahil mahaba ang comment mo…. greet kita Happy New Year…. Ohhhh haaaa… happy New Year ha, pauso ko lang bakit ba!

    Salamat po REV sa comment… super nag enjoy ako, kahit hmp pahuli ka!

  18. Yehey 2 lang ang mali ko!

    Woi, huwag ka nga diyan mag-inarte! DAPA!!

    Happy Halloween din! Toinks!

    TeenToinks
    Ano ba… DADAPA na naman ako! Dalas ko na nga mapalo nun bata til now ba naman! Hay apooo… hehhe

  19. Pahabol: at bago pala ang header! clap clap clap!

    hawig mo si jessica zafra pwamis.

    TeenToinks
    Sorry Rev di ko napanindigan ung header ko… “everyday is a happy day”, pag gising ko kasi kanina ang lungkot eh! hehehe… kaya everyday new header naman… hahaha

    Uy, infairness my crush ako na Zafra lastname nun… Kalain mo Jessica Zafra?? Sana pati yung utak nakuha ko naman…. kahit konti lang! haysssss…. as if close kami! nyek!

    Ahhh… REV…sino nga ba si Jessica Zafra? ahihiihi

  20. WOI!! bago ang header after 10years nakuha ding magupload, bwahahaha!!

    Asus, as if nde ako matatama dyan eh alam ko nmng barbero ung picture natin, pero impeyrness, ang ganda ng pagkakaedit mo, pwedeng pang classified, as in pang FBI, bwahahaha!!

    Un lang..

    TeenToinks
    Ay wala na ang header… hehehe… ohhaaa! ehhehhe

    FBI ka jan… graduate sa Recto Univ…. w/masters – Falsification hehehe.. oha!

  21. Ateng, bakit mo binago ung theme mo? Asan na ung header? Ang ganda nun eh!!!

    Magrarally kami! Ibalik ang EVERYDAY IS HAPPY DAY!!

    Kung nde man ibalik, magssuggest nalang ako…

    EVERYDAY IS PAYDAY!

    EVERYDAY IS PUBLIC HOLIDAY!

    EVERYDAY IS MOODY DAY!

    EVERYDAY IS H*DA DAY!

    O di ba? ang dami mong choices, tas ilagay mo ung pic mo nung bata ka na nasa timba para bonggang bongga!

  22. Aba, at binalik ang theme!!! Mas maganda ito ateng, impeyrness..

    Pero dapat ibalik mo din ung EVERYDAY IS HAPPY DAY banner mo!!!

    Magwewelga kami!!!

    WELGA!! WELGA!! WELGA GALORE!!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: