Posted by: teentoinks | December 20, 2008

5 Unpleasant Incidents I wouldn’t let myself into it! (I mean…. Not AGAIN!)

 

Bouquet Tossing (wedding): AHA! Madalas ko to pagtaguan pag uma-attend ako ng Wedding. Kadalasan kinakabahan at nanginginig pa ako pag tatayo na si bride sa harapan ng kanyang mga bisita at no choice na kundi ibato i-toss ang kayang mahiwagang bouquet, pero bago pa sya makarating sa finish line, magpapaalam ako na mag TOILET muna gang sa matapos na ang wedding tradition na yun. Ganunpaman, may mga oras na minamalas malas ka at parang pinag adyang hintayin ka talaga galing sa yong pagkakatago sa “trono ng kaginhawahan”, at sa ganitong pagkakataon sasabayan ko ng maximum level ng kadramahan na parang nagtatumbling at nag i-split ang aking mga bituka, atay, balun-balunan at pati mga bwaya at bulate di pinalagpas wag lang masali sa traditional bouquet tossing. Hehehe Lusot…

 

JayWalking: Ah.. eto! Jaywalkers are stupid. I am actually a law abiding citizen (weh?), I am not comfortable of doing things that eventually I would suffer because of my katangahan kakulitan. Pero minsan pag alam  mo na walang nanghuhuli at marami naman ang gumagawa dahil sa “you don’t wanna waste your precious time” tinatamad  eh makikisama ka na rin sa mga taong hinayupak na walang pakundangan sa pagtawid tawid, pag gulong gulong at pag sabit sabit na akala mo pag aari nila ang isang footbridge para lagyan ng malaking sign na “DO NOT ENTER”,  look – run – listen – run – look… then finally a sound of ppppprrrrrtttt…. (wag ka magulo PITO yan ni manong J.Walker na butad na nanghuhuli sakin) at dahil sa kamalas malasang bungad ng umagang kay ganda nung panahon na yun sa sandamakmak na nilalang na nag baging baging at nagsayaw ng pagiling giling sa pagtawid eh ako lang ang nakita ni manong J. Walker at kahit anong pagpapacute ang gawin eh wah epek parin. Ang siste… first offense, papakantahin ka ng Lupang Hinirang sabay sa paghuhubad ng damit at pagsayaw ng halukay ube sabay abot ng 100pesos, ganunpaman bago pa ko makarating sa linya ng prusisyon patungo sa pagbibitayan dahil sa aking ginawang kalokohan katangahan … nakaisip uli ako ng isa pang katangahan paraan.. TUMAKAS. Bwahhaha subalit ngunit datapwat bagamat, may mga makapili na isa isang sumisigaw… “may tumatakas, may tumatakas” aha! Kaya ayun tumbling sabay split ako sa pag takas, sabay talon na nakadekwatro… Ganunpaman, may lalaking lumapit na sobrang nagpapasalamat ako, kasi sya yung mega explain kay manong J.Walker na bat daw ako huhulihin eh kung tutuusin andami daw ng kasama ko (isa sya dun) hehehe… I am thankful that this man tried to negotiate for me. SALAMAT po!  Oo na BAD ako! Bad… eh helloo.. unfair naman kasi yung pang huhuli… bat ako lang… andami kaya namin! (Nagtuturo…. nagpapaliwanag ng bongang bonga kung lulusot lang naman!) Newei, LUSOT ule!

 

Watching P*R* with girl&boy friends: Hehe.. Well, happened long long time ago. HOY! Once lang nangyari toh! Katuwaan lang for it was our get together. We just knew each other for decade and friends since elementary (mega explain si Tina). Ahaha… I don’t really wanna go detailed for it wasn’t that really interesting (weh?). What really amazed me nung yung mga guy friends namin were very kind (gentlemen) that they don’t bother to finish the whole saddddd…movie, always makes me cry, nag uumpisa pa nga lang mga nag aalisan na at nagtatago na sa room hehehe! Nothing really exciting happened.. Really!! Ok.. kaya tantanan ang mga tanong!

 

Caught someone naked (syempre opposite sex noh!): Super kakahiya eto. Although wala naman talaga ako nakita… pwamis wala talaga.. hehehe! WALA sabi eh! Basta wala… period. Hay naku.. Total confession toh ah! Hay apoo… Nuon mga panahon na nagbakasyon grande ako sa bansang maraming cow, nag long drive sila at passenger lang kasi ako gang sa napadako kami sa not sooo family close but friendship forever ng Tita ko, and we stayed there for 4nights. Yung not soo family close but friendship forever ng Tita ko ay may Taiwanese flawless handsome boarder to the maximum level, siksik liglig umaapaw sa kasiyahan ang aking puso na nagnining ning pa ang aking mga mata na parang nakikita ko ang F4 habang kumakanta ng “oh baby… baby… tsing que biao..” (hay apoo.. malay ko sa kanta nila) Hayyysss… Ganunpaman, accidentally… unintentionally and innocently … binuksan ko yung pinto ng toilet … wapak! Hhmm.. Naliligo pala si Taiwanese flawless handsome boarder… pero bago pa kayo mag react… WALA AKO NAKITA! Silhouette lang.. tsk! Wala ako nakita kasi napapalibutan sya ng stained glass with matching smog from hot water shower.. so ano?? Sige ano pa makikita dun aber? Diba silhouette lang!? Dahil sa napahiya ang lola… napa English ako… “ooppss.. sorry!” hehehe English na yan nosebleed pa nga ko nun lagay na yan eh! And he said… “no.. it’s OK”! Wahhhh…. OK lang pala eh.. sige di ko na lang sasara pinto! Bwahahaha pero since may pagka discrete ang lola nyo, natural kahit ayaw ko isara ehhhh.. sinara ko pa rin.. sabay bulong “sayang” hehehe! Oh ano ngayon? Ano? Silhouette lang yun noh! Asa pa kayo na kwento ko yung tutoo… beh! Bwaahaha.. ay! ahihihihi pala

 

At dahil sa mahaba haba na ang entry na toh… eh tantanan na ako! Kasi ang pang lima ay tatanungin kang parang isang celebrity na nakaupo sa hot seat at ang isang napaka simpleng tanong subalit daig pa ang integral calculus solution ang sagot… ano ang mala integral calculus na tanong na eto? Eh………, virgin ka pa ba? Toinks! Promise tumbling sabay split ako jan… mejo nahihiya pa ko nun lagay na yan! Weeewww.. (hingang malalim na parang may iniisip na di alam) Wassshhhhoo…!

 

Advertisements

Responses

  1. hahaha… ayaw mo makasalo ng boquet… kaw naman… saluhin mo dapat para makilala si mystery lover man o baka yun na yung tumulong syo nung nagj-walking ka… hihihi… unfair naman talaga mga pulis satin e..

    hala tina nanonood ka pala ng ganong palabas at naninilip ka pa ng hubad na lalaki… aba… new disccovery to about you… o sige na nga katuwaan nga o accident na nga! hmmm… sadya yata e;)

    TeenToinks
    Hay naku…
    Anong palabas ba pinanood nila?? Ahhh.. tulog ako nun! Sila lang naman nanuod eh! Tulog ako nun… bsta tulog ako!

    Naninilip??? Weh… hindi un silip… buong pinto bukas.. tsaka nahuli ako eh (sayang)!hay apoo… kasalanan kaya nung Taiwanese na un.. di marunong gumamit ng lock! Toinks! hehehe

  2. hahaha.. di pa naman ako nahuli nag jailwalking,.dumadaan naman ako sa pedestrian heheh..

    hi! MERRY CHRISTMAS! a christmas greeting is awaiting for you in my blog. Pls. Take a look.
    and also here’s my greeting card. click this ECARD
    Hope you like it!!! More blogging year’s for us to come!! mwaaahh..

    TeenToinks
    Good for u.. hindi mo makikilala si J.Walker na butad. ahihihi
    Thanks jen for the ECARD.. GOT IT! More blogging years….

  3. 1. Bakit ka naman po kinakabahan at nanginginig sa bouquet toss? E ‘di ba sa garter toss ka naman dapat kasali? TOINKS!

    2. Aba’y kay galing naman lumusot!… Pero vad ka fa rin yaya. Jay walker!

    3. DAPA!!! {ano ng apala title nung pinanood niyo? baka available pa sa pay-per-view… hanapin ko}

    4. Wala ka talaga nakita? Hindi nga? Silhouette lang talaga? {magka-kuliti ka sana!}

    5. Ano nga pala ang sagot sa tanong? {virgin ka pa nga?}

    TeenToinks
    1. Garter Toss nga kasi gusto ko.. sayang yung garter.. pang chinese garter bah!
    3.Vad na nga po… Vad na… Dun ako magaling.. sa lusutan! Weh! Toinks!
    5.Hindi ko lam title, kasi natulog lang nmn ako eh.. Tulog ako nun, wag ka maingay! Tulog si Tina Banana!
    2.Hoy Rev.. wala talaga ako nakita nun ha! Wala as in wala… tsk! kakainis nga eh! Toinks!
    4. Chikweeet…… Anong tanong yan! Magtigil ka Rev! single PAPAYA rock for Rev!!

  4. madalas akong pituhan ng pulis dahil sa j-walking, pano kung kailangan nga maghuhubad ng damit at magsayaw ng halukay ube. hai

    kailangan ko napa lang magpractice… hehehe…

    TeenToinks
    ahaha.. oo livingstain, mag practice ka na! TOinks! Naku ano kaya sasabihin ni Nanay Plantsa at ni Tatay Bench.. haysss…. patrolya na! Ahiihihi

  5. At bakit naman po takot sa ganyng tradition? Wala naman at kasalan sa toilet ang saluhan ng bouquet ah. Ahhh alam ko na, baka kasi may phobia ka sa bulaklak nu? ayaw mo matulad kay ghandi, ahihihihi!!

    Kasutil mo palang bata Tin! halaa pila na sa prisinto at wag tatakas ha, hehehe!

    nasa entry ko na ang storyang yukyuk!

    TeenToinks
    They are NOW sending flowers to Gandhi’s statue.. hehehe! Tsaka na lang ang boquet pag may statue na rin ako! Kaya lang baka Corona na yun… waaaahhhh ayaw din, ayaw.. wahhh… Ahihihi

    Hala.. sino ang sutil?? ahhhh eeehhh.. hala… Sino po uli ang sutil? Sino po?? Ano po yun?

    Storyang yukyuk… Translation: Homily ni King Papaya! ahihihi Ayt!?

  6. kulang yang mga katanungan nayan gusto mo pa bang ako ang gumawa ng entry para sayo!? para mailabas ang mga totoong tanong na nararapat sayo?

    tulad ng..

    1. bakit ayaw mong magmadre?
    2. kung ayaw mong mag madre ibig sabihin gusto mong makatikim?

    hahah. sinagot napo ni tina ang mga yan.. ^^

    hindi na pala virgin ang iyong mga mata….. sige maghilamos ka sa banal na fountain upang mahugasan ang iyong kasalanan….

    ako kasi naghugas nadun ng KAMAY! wahaha… pagkatapos kong maghugas may nakita naman ako NAGMUMUMOG! ano kaya kasalanan nun! haaayss

    TeenToinks
    Abat.. may nalalaman ka pang “totoong tanong na nararapat sayo”. Hoy! BONIFACIO… wag nga kasi… wag jan.. kasi nmn… wag kasi! Hay apoo.. isa pa ha.. Bahala ka.. baka makagawa uli ako ng bagong ENTRY.. na may title na Moments of Treasured Singles… tas naka ctrl-C at Ctrl-V ang YM Archive ko. bwhahaha! Bwahahaha… Ano? Ano?? Bilis… Bilis… Wag ka sutil.. Uy.. may mga curious… Ano yun??? CHIKWET! Ahihihi

    Hoy wala nga kasi ako nakita.. Sabing WALA.. WALA.. WALA.. tsk sayang nga eh! Teka bat kamay lang hinugasan mo… Mahiya ka nga! Maligo ka! Toinks! Ahihihii

  7. Bwahahaha!!! Pambihiyang kamote itong entry na to, nawala ako sa concentration sa work ko ah!

    Puro ka kabalbalan, anong wlang nakita?! Di ba sinabi mo sakin nun na nakita mo ng buong buo ang dapat mong makita? Tas sabi mo pa nagkulong kayo sa toilet? Bwahahaha!!!

    Rev, paluin mo to, nagsisinungaling, bwahahaha!!!

    Magbabalik ako, dami pang trabaho eh.

  8. il be busy… mananahimik lang ako ng mga 2days…(kung kaya ko!) hmm… magluluto din ako ng letse flan… alsa salad… fridge cake… un lang.. hehe lulutuin ko un, wag kayo magulo! Basta I’LL BE BUSY! Wag nyo ko mamimiss ha (assuming pa na may makamiss)… basta wag!

    Have a Blessed Christmas to all!

  9. 1) bouquet tossing.. sabagay tina gawain ko din yan.. hahah! ang corny nmn kc .. pag wala ka bf, d k din mangyyari n susunod k ikakasal.. heheh.. paasa lng!

    2) J.Walker.. sana pinahul moi.. sia din J.Walking e.. heheh.. pro lusot k nga dun.. buti may manong na sumagip sau.. kundi namultahan k n.. nag bayang magiliw k p! hahaha.. 🙂 pro maganda experience un.. hi skul ako, pag late ganyan pnpgawa ng teacher with matching kumpas p.. say mo!?

    3) ano un pinanood nyo?.. kau ha?

    4) nkktuwa un taiwanese border.. paboso lng un tlga! prang impossible nman kc n mag cr n hindi nagla lock dba?.. automatic n un pag nag c cr e! paboso! paboso! paboso!
    tina baka type ka.. hinintay k lng tlga pumasok.. biruin mo ang sagot nya ok lng.. hmmm.. there must b sumting! hahah..

    5) too personal.. ano nmn b mhihita nila kung anuman ang isagot mo dun!? hahah..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: