Posted by: teentoinks | December 12, 2008

Where is Santa?

 

Sa mga panahong puro walang wentang entry ang aking napagdisketahan at ang lahat ay nasa drama-rama mode at super reklamo to the highest level na sinabayan ng pagtumbling sabay split ng nakadekwatro, gustuhin ko man makisabay sa hangin na sadyang saliwa sa aking destinasyon minarapat ko na lang din magpagaan upang makisabay sa tugtuging malayo sa aking nakagisnan at bugahan mo man ako ng usok at hingahan ng sandamakmak na morning breath hindi ako magrereklamo bagaman taos puso kong tatanggapin… well, mag intay ka lang at babawi rin ako! dahil ang pasko ay sumapit. Sa ganitong panahon, marami rami na booking ko ay! koya, hindi ikaw ngayon.. mamayang gabi ka pa! hindi maiiwasan na may mga close friends na nanganganak at bigla na lang bubulaga sayo sabay sabing “HOY! Ninang ka ng anak ko” Abah, bwenas ka! Nung ginawa nyo ba yan naisip nyo ko? At gaya naman ng nakagawian YES lang ng YES ang lola… at gaya rin ng naka-ugalian TNT si Ninang pag pasko… meaning, mag hanap man kayo sa ilalim ng lamesa at pati sa loob ng saya ng bagong panganak na si Aling Cora, eh hindi nyo ko makikita. Eh, asan ako? Bah, malay ko, di pa naman pasko eh!

 

Sa mga ganitong okasyones, ang sarap maging bata (sige, kita na lang tayo kay BELO) hindi dahil may inaasahan kang regalo sa pasko kundi umaasa ka na pag nagpakabait ka magpapakita sayo si Santa Claus na may dalang regalo (ganun din yun, tina! Regalo pa rin!)… Hay… Kaya ako po ay lumaking (mga 5.000005ft) mabait (EHEM!) na bata ( at isa pang EHEM!) dahil yun kay Santa, baka kasi pag sinabi ko dahil kay Jesus marami mag react at baka bigla mag missed call sakin si Lord! Ganunpaman, nung mga panahon na marami rami pa ang buhay sa aming pamilya, hindi pumapayag ang lola ko na hindi kami kumpleto pag pasko.. at sabay sabay kakain pag Noche Buena pagkatapos ng simba, kahit pupungas pungas pa ko nun dahil antok na antok na ako, pipilitin ko gisingin ang sarili ko baka manenok pa ang laman ng mejas ko at pati ang mansanas na hindi ko naman peborit eh nakikipag agawan ako, sige! gisingin ang sarili… PANO? Tumalon ng sampung beses kahit hindi pa bagong taon. (wah.. epek! Nyemas!) Kung ayaw pa rin… Silipin mo ang mejas na nakasabit sa hagdan, at kuhanin mo ang laman ng mejas itaon mo lang na nakatingin si owner ng mejas, pag nahuli ka.. sigurado yun… habulan to the maximum level! OHA! Gising na ang diwa mo.. Nyemas na bata! Pag sinuwerte pa.. paskong pasko papadapain ka dahil sa kalokohan na ginawa mo! Hay apoo… Eh magrereklamo ka pa…. “eh gusto ko lang naman po magising, inaantok kasi ako eh”. Osya, wala naman ako nakuha sa mejas na yun, natuba lang ako, isang lingo yata di nilaban, lakas ng loob isabit pa!

 

xmasHabang nagkakainan, papalabasin kami at dadaan na raw si Santa. Ang mga batang nauto ng mga matatanda.. dali daling lalabas at halos mangawit na ang aking leeg at batok kakahanap kay Santa, at wag ka, bigla na lang daw dumating si Santa sa Balay ni Lola… maski HO HO HO o kahit HA HA HA at eto pa.. kahit HI HI HI papatusin ko makita ko lang si Santa wag lang BWA HA HA HA…, kaya ayun magpapasukan sa loob ng Bahay ni Lola na malungkot, naglulupasay, nagpapapadjak dahil di namin nakita si Santa pero biglang magbabago ang mood kasi may laman na ang mejas.. HUWAWWWW……. Pasilip! Para kay Santa na napakaloko mo, pagkita ko sa mejas ko,  di pa nga pala ako nagpapasalamat sa Sardinas at Tuna na iniwan mo sa Mejas ko! Tampo ako sayo.. bat naman Master eh peborit ko ung LIGO.. para mabango at bagong ligo ang mga bilasang isda dun! Hay naku…

 

Nakakamiss maging bata, yung tipong mukang engot ka na kakahanap kay Santa! Tama nga, ang pasko ay para sa mga young ones, para naman sa mga young once… iwas galit muna! Bawal magalit, ayaw mo.. cge DAPA! Hehehe

 

Merry Christmas po … Hope you’ll celebrate it with those you love. (May kasamang tumbling sabay split yan… ahihihi)

 

At sa mga malalayo sa mahal sa buhay… wag kayong mag alala, (masaya sila na wala kayo, basta ang DATUNG don’t forget ha! hehehe) ang pagsasakripisyo nyo ay may katapat na pagmamahal na nag aantay sa inyo Pasko man o hinde… (basta may UBONG)

 

At ang message ko para sa sarili ko (ay! may ganitong factor?)… DAPA! Toinks!

 

 

 

 

HalleyParrot 4evah

Advertisements

Responses

  1. hihi.. kyut.. nandito si santa… 🙂
    merry christmas to you and your family!

    TeenToinks
    Uy.. dapa.. kakulet sabing bawal maStress eh! Merry Christmas din.. regards to ur babies (ian & polyn)

  2. gagawin pa naman sana naming ninang ka ky baby kaso mahilig ka pala magTNT wag nalang… hahaha jokes… 😉

    kami hindi napalaki sa paniniwala sa Santa… pano nahuli namin papa ko naglalagay ng mga regalo sa medyas… ang kulit kasi sinabi na matulog hindi natutulog… hahaha… mga pinsan kong nasa baguio ngayon na galing sa states naniniwala sa santa at sumusulat pa ky santa every november my wish list sila… i don’t know kung malalaman na nila ngayong nandyan sila sa pinas na hindi talaga totoo ang santa… baka umiyak mga yun…hihihi 😉 bata nga naman….

    kahilig mong dumapa ha!

    (silip lang ako kung may update eh meron pala so comment narin! o siya pahinga na ulit at magagalit si ate libay…)hehehe

    TeenToinks
    Ahaha.. TNT si Tina evry xmas lang nmn! Hehehe…

    Newei, yun lang masarap sa mga bata pag pasko, yung may pinaniniwalaan na may isang Santa.. di nila alam pwede maging santa kahit sino… pwera ako.. kasi nga TNT ako pag pasko! hehehe Iiyak mga pinsan mo? Eh pano kaya kung bigyan muna ni Santa ng isang Sardinas at Tuna.. matuwa pa kaya!? Ahihihihi

    DAPA.. at bat nga pala andito ka? Ayan STRESS na nga mata mo.. osya, salamat sa pagdalaw at sa pagcomment hehehe Ang mata… pagaling agad!

  3. Isa lang ang masasabi ko: DAPA!!!! {now na}

    Ano na ngayon ang name mo? Banana Claus?

    TOINKS!

    TeenToinks
    NakaDAPA na po… hehehe bait ako ngayon Rev…. Mano po… hehehe..
    wala ako kinalaman sa Public Announcement na magsasara ang iyong balay… mano po! (parang guilty)
    Banana Claus? hmmmm… y not!

  4. Kakatuwa naman ang entry mo . I enjoyed reading your thoughts. Parang favorite ko na rin mag split at tumambling(Toink!). Buti na lang wala akong inaanak sa saudi, sa pinas marami kaya lang kapatid ko na lang ang nagbibigay sa kanila bawas sa padala, hehehe!..

    Ito ang para sayo banana claus, isang mainit na manok galing kay sadik santa! Dapaaaa kasi may anghit si sadik!

    TeenToinks
    Ahaha.. thanks King for the nice comment… bihira kasi dito yan.. ang NICE comment! Ingat ka.. baka may mangbato na lang sa bahay mo! Hehehe cge tumbling sabay split lang… masayang therapy yan after 40 bali bali na buto mo…ahihihi Toinks!

    Baka nmn pag uwi mo di ka na kilala ng mga inaanak mo… kapatid mo pala nagbibigay eh (at bwas sa padala.. correction) ahihihi At yang si sadik santa paliguin mo nga muna.. baka pati yang manok nya may anghit na!! hehehe ayan fwends na tayo ha! add u later sa blogroll ko… nagluluko si connection eh!

  5. Dear Mr. BONISTATION:

    What is this smear campaign that you are perpetuating in the blogosphere against my client revsiopao? If you do not put an end to this senseless engagement, we will be compelled to file a case against you at the soonest possible time!… Oh by the way, my revered client asked me to relay a very important message to you: “TOINKS!”.

    TeenToinks
    Wow.. atty… ganda ng message.. super importantes… Toinks! osya makakarating po kay BONISTATION yan

  6. hahha natawa ako sa tono ng tanong sayo ni revsiopao “ANO NA NGAYON NAME MO? BANANA CLAUSE” haha walang kagatol gatol eh no!? hahahah tumbling ako don!

    karamihan sa bata naniwala kay santa. ganyan din nuon tulugan na after noche buena at iiwan pa naming bukas ang bintana para makapasok daw si santa. pag gising sa umaga tama pungas pungas pa wow! bente pesos! malaking halaga na un! saya sa feeling napansin ni santa ang medyas hindi nga lang ako ginising haayss gusto ko pa naman sya makita sana!
    pasko na talaga! pasko naaaaaaaaaaaaaaaaa!!

    haayss! tara nga kay belo para maging bata ule hehe! ganda ng entry mo! pasko na talaga! pasko naaaaaaaaaaaa!!!!!

    nakakamiss ang mga kalsada sa pinas! pati ang pagpasok s a national bookstore na punong puno ng christmas decor at christmas song ang background! pasko na talaga! pasko naaaaaaaaaaaaaaaa!!

    TeenToinks
    Mas natawa ako dun sa banat mo na… “natawa ako sa tono ng tanong sayo ni rev” teka bat di ko narinig ang tono? Newei… wats new w/Rev eh lagi naman ganyan sya… meaning inborn na yan.. yung walang tono (makulet.. super kulet as in napaka kulet), feeling ko lagi nga may bomba na papasabugin! Hay apooo… ahihihihi

    Yes pangs PASKO na… at lam ko nasa isip mo ang Nationanl Bookstore ng Pacific… hehehe galing na ko dun.. dami xmas tree (mga dalawas… w/S) at ang sounds… “pasko na naman.. bakit wala ka pa?” ahiihhihi… Pasko naaaaaa…….. inggeeeet!

  7. To Atty. Shawarma,

    That is a pap smear! (ahihihh) peace!
    Dont you worry, i filed my bid at wordpress. claiming your account. Im acquiring your password and full operational rights. Ako na magpapalakad ng revsiopao. Toinks!

  8. Tina, kala ko dati ikaw si Santa kasi ebry christmas may letse flan ako mula sayo. SweeeT! miss ko na un… sana maulit ulit ngyon.

    Isa ako sa mga grupo na mga naniniwala at nag aabang kay santa… hanggang sa makalipas ang panahon umaasa paring makita sa Santa Clause… hehehe!

    Alam ko sa pasko kmi ay mamasko s’inyo sa “LAur”. Bawal tago..

    TeenToinks
    This time wala na leche plan… ung listahan dadalin ko pag nagkita tayo, salamat sa paalala! hehehe

    At pakisabi kay RJ at sa iyo na rin….. walang tao sa bahay pag pasko! Nyemas naman oh.. wag kayo makisabay sa mga inaanak ko, kung ayaw nyo magulo buhay nyo… bwahhaha Asan na Logo ng Playboy tig isa kayo ni RJ dun ah! ahihihihi sige kayo sumbong ko kayo sa mga wifey nyo!

  9. Ano na naman tong kasantahan galore na ito?

    Nasa galaan ako, mimiya na ko magcocomment ng matino.

    Magbabalik!

    {Tambling sabay split na nakadekwatro muna, toinks!!!}

    TeenToinks
    Aba.. isa pang daan mo dito at makikitumbling ka lang sabay split ng nakadekwatro.. ibibitin kita ng patiwarik habang nakasplit at nagtatumbling ng nakadekwatro.. hay apoo… PANO kaya un? Osya.. bilisan lang ang pag balik, baka mapanis! toinks

  10. Nagbabalik!

    Un lang…

    Toinks!

  11. Hija, ang sagot sa katanungan mong “Where is Santa?” ay ito:

    Matapos ang isang matinding soul seaching eh
    umalis na si Santa Claus sa North Pole.
    In fact, nasa Pilipinas na lang sya ngayon.
    At hindi na rin sya pasko lumalabas.
    Tuwing May 17 na siya nagpapakita ngayon.
    At hindi na rin sya mataba.
    Matapos ang isang successful operation sa Thailand,
    new image na sya ngayon.

    Hanapin mo sya, Tina.
    Nasa Obando Bulacan lang sya.
    Kaya lang, hindi na Claus ang epilyedo nya
    kundi Clara na…

    Yes, Tina, bading si Santa Claus.
    Santa Clara na sya ngayon.
    Pumapasok sya sa mga chimney
    upang mamahagi ng libreng kulot,
    highlights, manicure, pedicure,
    hot oil, cellophane at facial
    sa lahat ng mga batang Pinoy.
    Hehehe…

    TeenToinks
    KOYA, gustuhin ko man paniwalaan yang sagot mo kung asan si Santa eh mahirap talaga paniwalaan, kasi kasabay ng paniniwala ko kay Santa Claus ay naniwala rin ako kay Santa Clara I derpor konklud dat Santa Clara & Santa Claus ay hindi iisa, pagkat ders a saying……..

    “I saw Mommy kissing Santa Claus…” saying yan wag ka magulo.. blog ko toh! May ginawa pa sila.. pero hindi ko na sasabihin kung ano yun! Ahihihi…

    May saying uli…

    Santa Clara, pinong pino… Aba san ka nakakita ng pinong pino na dumadaan sa chimney? Aber? aber? at isa pang Aber??

    No further explanation KOYA!

  12. I saw mommy kissing Santa Claus?
    mga lesbyana!

    Santa Clarang pinong pino?
    syempre, dahil bading nga,
    papasok siya sa chimney with a production number!
    at wag ka, may backup dancers pa.
    at iba na ang criteria ni Santa ngayon.
    mas gusto nya ang batang naughty kesa sa nice.
    hala, naughty tina, humanda ka!
    dadalawin ka na ni Santa sa wakas!

    oo na, sige na, adik na ako.

    TeenToinks
    Wehh…
    Pers op ol… wala po kami chimney! bwahaha… kaya di ako pwede madalaw nung baklang si Santa w/production number EK EK… nagsama pa ng backup eh puro mga katandaan na may inaamag na matres..
    Sekend op ol… hindi po ako naughty.. NICE lang ( bat ba kasi.. blog ko toh eh!)
    and to TOP it ol… KOYA, adik ka nga… kaninong mejas ba nasinghot mo? hay apooo….

    Ayan readers… BAKLA na si SANTA! Aha! Kaya pala… “santa claus is coming to town“, ano gagawin nya sa TOWN w/ M. Jackson huh?

  13. Aba at bakit ba puro adik ang mga tao dine?

    {che horror! nagladlad na pati si santa!}

    Get me out of here!

    TeenToinks
    Weh… Rev, ikaw kaya pasimuno ng kakulitan sa blog ko! At bat ka nanahimik aber? DAPA! Toinks! Meshoo REV!

  14. Bwahahaha!! Ano na namang kaarotan ito?

    Nawala lang ako ng 10years may mga medyas ng nasisinghot. Hay apoo!!

    At si santa binalihura na!! Next time nde na red ang suot na, palitan na ng FINK!! Ay, bonggang bongga!

    TeenToinks
    Yes parekoi… at wag ka sasali na rin sya sa FINK BROTHERS! Ahahhaa….

  15. naku naman, tina, tingnang mabuti!
    what do Santa and MJ have in common?

    mahilig sila pareho sa bata!ü
    (parang natakot ako dun ah.)

    TeenToinks
    Aha… lagot ka! Santa Claus is coming to town w/MJ… at uunahin nila ang PRANSYA! Teka hindi na mga bata gusto nila… mga NAUGHTY seminarista na! Ahihiihhi…. LAGOT! tsk tsk…

  16. ako di naman ako TNT yun nga lang laging bigay ko Php 20 lang kasi lagi kong dahilan.. wala pang trabaho si ninang nextime pag may trabaho naku.. 25 pesos na yan.. 🙂

    TeenToinks
    Cge pag nahuli ako bibigyan ko din ng 20… pasensyahan muna mga jinajanaks… hehehe! Newei ive been there sa bahay mo… hehehe Nag iwan ako ng comment dont know kung pumasok nag error yata eh!

    BTW, thanks sa pagbisita! hehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: