Posted by: teentoinks | November 30, 2008

Tina Banana

tinabanana

Meet TINA BANANA..  a frustrated “beauty queen” kaya until now may korona pa sya… (binili nya). She loves anything wag lang monkey business. She’s rakista turned model turned hardinera turned kusinera turned plantsadora turned labandera pero sa pagsusumikap na-promote naman sya at ngayon ay tindera…. Infairness mas mataas ang kita, lalo pa pag may kupit sya! Toinks! (sikwet lang yun ha, baka malaman pa ni ati at ni koya!) Oh.. ganda diba?  mamalengke lang sya dyan! Hay apoo… (patulan ba!)

 

Why I ended up to this idea.. na bigyang buhay si Tina Banana? Well, for the simple reason.. naaliw lang akong panindigan ang pagiging banana to highest level ang pag split! At least may mukha na si Tina Banana at hindi na ako ang nasa isip ng mga nagkalat na kuneho sa blog.. beh!! Ayan oh.. ayan na si Tina Banana.. Ayan oh.. oh ayan! Wag makulet ayan oh..Toinks!

 

I’m Back.. been serious since I left my blogspot home, but guess who’s back… back again..! Bat nga ba nagpaka seryoso si Tina, at pinasok pati pulitika? Hay apoo! Tantanan ako sa mga tanong na ganyan… kasi, kahit ako hindi ko alam ang sagot. Masyado lang ako naapektuhan ng mga naglabasang multo sa gobyerno, kaya ang lola minarapat na lang na makisunod at makitumbling sa mga bagay bagay na well.. AFFECTED naman ako! Toinks.. but since wala naman kinahantungan ang aking pagkaseryoso back to NORMAL na uli ako.. parang panandaliang aliw lang bah! At mukang hindi naman kayo naaliw.. errr…! Amp!

 

Well, lately medyo naging bangag at super busy busyhan ang lola nyo. One week akong nag stay sa Manila para ayusin ang papel na di maayos ayos.. umuwi lang ng NE para um-attend ng kasal ng pinsan ko kasi … eehhh.. hiya ako ehhh… kasi ehhh… kasi naman ehhh… pilitin mo muna ako… ahihiih… ok! nag gown ang lola nyo! Errrgghh… and I stayed there for 2nights. Naalala ko tuloy nung kausap ko yung dalawang kuneho ng KSA (pauwi ng pinas yung isa nun) at nasabi ko na magga-gown ako.. abat ang mga loko sagutin ba naman ako ng… “tina, salamat sa pagpapatawa” toinks! Helloo.. hindi ako nagpapatawa, seryoso kaya ako nung mga panahon na yun… Problemado pa sa Gown! Wahhh! Oo aminado ako na mas gugustuhin ko pang mag Jersey at maglaro na lang ng basketball at badminton kesa mag gown! Eeeww.. hay apoo.. Well.. that’s life! Take note.. hindi daw nila ma-imagine na naka gown ako… ahihiihi.. funny! Kasi kahit ako.. hindi ko ma-imagine! Wahh.. sayang di ko nadala camera ko (YES!) tsk.. sana hindi si Tina Banana ang feature ng entry ko ngayon.. sana… sana… sana AKO na super gown ang dating! (as if!)! Toinks!

 

By Tuesday or Wednesday back to Manila ule ako, punta ako sa dati ko office after nun punta ako sa house ng Tito (father side) sleep there for 2 nights, tas balik sa house ng Tita (mother side) mga 2 nights din ako dun… hay apoo… paki check na nga lang sa secretary ko yung itinerary ng lola nyo! Wehh.. Toinks! In short, may lakad ako na wala naman nilalakad.. (bat ba kasi) ahaha! Wala lang, feeling mo artista ka na may mall show at autograph signing, yun lang di ka sikat at walang kita…  mahina ang raket! Ahihihi toinks! Bukod sa sila eh mukang artista talaga, pag natabi ka daig mo pa yung pinagpunasang basahan….. Hay apoo..  Teka.. abah.. inookray ko na ba sarili ko? Naman!

 

 Naisip ko lang siguro mas maganda kung itinerary ang title ng entry na toh sapaw kasi si Tina Banana eh! Ay wag na.. walang backspace ang keyboard ko eh! Ahihihi… Well.. kung sasabihin nyo naman na delete na lang.. pwes… wala na rin! Toinks! Wag na makulet! Entry ko toh! Pakurot muna…

 

So.. start of being ME again… umpisa na naman ng walang wentang entry. O Zsa Zsa Padilla.. kumukulo na yung tubig eh.. at baket? Magkakape na ko eh (pampatulog) Toinks!

 

 

Ciao..

 

 

 

HalleyParrot 4evah

Advertisements

Responses

  1. wow ganda ng graphics… ikaw ba yan tina? heheheh

    TeenToinks
    Nope.. si Tina Banana Rama po yan! Pinsan ni Annabelle Rama ahhihiihih…

  2. Una sa lahat… Hi Rache! Siopao wants to know you. Promise.
    Kasi palagi mo akong inuunahan (hindi ako galit, pangako). Nalingat lang ulit ako e (hindi nga ako galit).

    Pansin ko, tayo lang ang mga “adiks” na palaging nauunang dumadalaw sa bahay ng mga miyembro ng Toinks Team. He he. {Huwag ka maingay hindi pa ako nagbabasa. Siyempre comment muna. No.2 na nga e. Toinks!}

    Seriously, kahit kaibigan ka nga mga kolokoy, feel ako iba ka sa kanila at ‘wholesome’ {kasi sila….. may YM ka?…. i-PM ko na lang}. Huy anyayahan kita sa pasinaya ng bagong tindahan ko sa 8.xii.08. Dala ka ng puto at kutsinta ha pandagdag handa. Pwends na tayo ha. Yehey! {teka, basa muna ako ha}

    NAKU, HELLO NGA PALA TINA. NANDIYAN KA PALA.
    AY! BLOG MO PALA ITO?! {ganun ba}
    Magbabalik!…

    TeenToinks
    AMP! (dabog) AMP!(naka busangot)
    Abah Rev.Siopao, parang dadaan ka lang at magsusuga ng kalabaw! Amp!
    Nakikipag unahan eh hindi pa nmn pala nababasa! At hala.. nagADS lang pala!
    Amp! Newei…. WHOLESOME din po image ko noh! Wholesome.. amp! (tampo!)

  3. Nagbabalik….

    SInasabi ko na nga ba e. Isa kang buhay na saging!
    Galing naman ng graphics. Buhay na buhay! Ganyan pala ang mukha ng saging pag-NaStroke-naka pose.

    Kaya lang….
    1. Bakit walang takong ang 1 shoes?
    2. Half Slip ba ‘yung nakalaylay sa kanang paa niya?
    3. Pekas ba o kuwintas ‘yung nasa taas ng baywang niya?
    4. Komang / Sakang ba siya?
    {istaf ko na… baka sabihin mo ni-ookray ko ha… alam mo namang wala akong kamalay-malay sa gawaing ‘yan… hindi pa ako natuturuan ni basti e}.

    CLAP CLAP CLAP (e gusto ko lang!)

    Nasagot ang panalangin ko. Mabuti at nagbalik na ang iyong ulirat. Kasi nung seryoso ka, kinabahan ako e… Akala ko hindi ka na gagaling….

    Teka, teka: Kamusta naman ang assignment mo? {Huwag ka maingay, baka marinig ni Jorge at Bon… hindi nila alam}

    P.S. Dala ka ng palitaw sa pasinaya ng tindahan ko sa 8.xii.08 ha {plugging ba ito?!}… Para marami handa. Kay Rache, humiling ako ng puto at kutsinta. Handa na ang banderitas. Maaga ka ha…. may libreng siopao ang unang-100 na darating.

    Kiss sabay hug! c”,)

    TeenToinks
    Niaaway mo na ko! Porque may new pwend ka na.. niaaway nyo ko! Amp! Niookray mo pa gawa ko si Tina Banana Rama…

    Gawa ko na po yung pinagagawa nyo.. amp.. (tampo) 2mrw send ko na sa email u, kung pipilitin mo ko…! Pilitin mo muna ko! Toinks!

    Thank me thank me… wehhh.. kala mo kaw lang marunong mag drama ha! Amp! Ano ba meron sa dec.8.. fiesta ba ng mga puto!??? Aha! Dami malalafang! Penge na lang, dami naman magdadala eh! Dami mo na kaya pinagsabihan na magdala ng puto… hay apoo… parang ayaw mo pakain yung siopao mo eh! Ahihiih Bati na tayo.. ayan oh may kiss sabay hug ka pa! Sumbong kita kay Mader Superior! Beh!

  4. haha. medyo pupungas pungas pa, naaliw ako sa sa banana, kalantod pa! naku eh kung naging tao yan parang papalo talaga ng husto sa bentahan nsa kanto. pagkakaguluhan ba ng mga tambay at lasingero. mukhang maingay yang banana nayan tingin ko eh hihiyaw ng hiyaw haha. ^^

    sya! nice one! buti naman at may nabasang bagong entry mula sayo matapos nga ang iyong pagsama sa pulitika. oo tama maraming pera sa politics pero magulo. wag na. hamo na sila.

    busyng busy ang sked mo wah! daig mo pa full time employee ni mayor at panay din ang file mo ng out of town visit na funded ng munisipyo. ^^ minsan nangarap talaga ko ng buhay ng katulad ng sayo. gigising ng kahit anong oras ko gustuhin at pupunta sa kung saan at kahit kailan.^^

    magreresearch ako tungkol sa kasalan na yan at hihingi ako ng litrato mo.napaka damot mo naman dikamanlang nag pekture ng nag pekture don, sinulit mo sana ang pg ga gown mo!

    sige parang nag haba na nito at mahirapan ka i load dyan sa internet mo.

    ciao kalabaw!

    ps.clap clap clap na naman si siopao? tapos na misa?

    TeenToinks
    Ahaha.. Bsta bagay sakin ang GOWN! Mahirap iimagine pero inpernes bumagay nmn! Toinks! Yunnga lang wag na mag hanap ng picture! Ahihihi

    Newei.. wahhh angels and demons! Wahhh.. gang ngayon super bangag pa ko sa trailer ng A & D, wahhh nakisama ang connection ko! Wahhh.. isa pa waaahhh…! Pangs, wahhhh gising! Wahhh..

    Oh sya cge clap clap clap nga rin para kay Rev.Siopao!

  5. TinaBANANA!(imprubing! henyo sa pagiging artistik) kaya naman pala di nag pa abiso ang lola eh, hahaha!….. diko tuloy ma sabi at gumugulong akong kakatawa sa opisina namin. Hahaha…. hahaha… teka lang ha…. hahaha… okay totoo na… wala ka bng picture? picture naman dyan! please! show naman! :p

    Tina Banana kasama ka na sa mga entourage ko ha. 😀 dipwedeng absent o proxy!

    TeenToinks
    Sabing hindi ako nagpapatawa eh! Naku naman… isa pa ha! Cge sama mo ko sa entourage mo kung gusto mo magulo buhay mo ahihihih.. joke.. oist di ko nmn 1st time na mag gown… mga 4 times naman nun elem, high school, college (graduation) tas ngayon nga ahiihihi! toinks!

  6. hello cool na rev. siopao… uy, we’re pwends na 🙂 medyo kilala na kita sa mga comment mo at comments nila tungkoll syo na nakakatuwa as in nakakagulat pa… hehehe… meron din palang mga rev. na cool at mahilig sa siopao 😉 tawa naman ako sa mga intriga mo abou tina banana… mukha ngang lagi tayo naguunahan magcomment ah kaya lang hindi mo binabasa entry eh comment lang ng comment basta mauna… hahahha.. jokes… about naman sa comment mo sakin.. my pagka demure lang po ako ng konti… nyeks! wholesome nga po ako hanggang PG13 lang ako… sila nasa rated ano hmmm rated K sila… hihi… meron akong YM though lagi yun idle pero pwede narin…basta may YM.. “dariarace”… sige punta ko don at magdala ko ng puto at kutsinta para sa lahat… 🙂

    ay tina nagbabasa ka pala… hahaha… 😉 sabi ko nga comment ito para sa blog entry mo eh… basta hanap ka ng picture mo na nakadress malamang naman maraming may dalang camera don noh… o kung talaga namang wala e suot mo nalang ulit yung dress mo saka posing ka at picture kunwari e papunta ka palang sa kasalan… sabi naman dapat palaging dala ang camera eh! 😉 o sige wag na masyado marami kupit naku hindi ka na pagtitindahin dyan!

    TeenToinks
    Ayan pwends na kayo ni Rev. Siopao… oist.. you owe me puto, sapin sapin, bibingka, at puto bumbong! Ahahhaha.. ay naku.. Rache wag na ipagpilitan ang mga camera nila.. naubusan ng film toinks! aahahaha.. bsta napag isip isip ko bagay pala sakin ang GOWN! oha oha… wag kayo magulo… bagay pala sakin ung gown.. uy… imaginin ba ako.. bagay pala sakin ung gown! ahahaha! Isa pa.. bagay pala! Oh ha.. oha! Ahiihihi ang kulet mo rache! wag kasi…

  7. Hoooyy!! Busy ang lolo, teka lang, babalik ako (gagayahin ko si Rev. Siopao)

    Uwi muna ako, nasa office pa ako eh.

    Tins, ‘Salamat sa pagpapatawa’ ha!

    Bwarks!

    TeenToinks
    Isa ka pa.. hindi nga ako nagpapatawa! Cge dumaan ka lang para tumawa.. kabagan ka sana! toinks! ahihihi

  8. tina + banana =

    BANANA SPLIT! hmmm…pwede! nakakapagpabagabag!

    teka, what kind of banana ba yan? latundan? senyorita? saba?

    sana magpost ka naman ng tunay mong larawan dito sa blog mo para masiyahan naman ang mga kalalakihan sa blogosphere. kung pwede rin eh yung soot mo yung gown. pwede ring di mo soot -soot yung gown kaya lang masyado nang revealing yun. baka ma-flag tayo.

    O Zsa Zsa Zahturrnah… sana naman eh you may stay a banana but never sagging, este saging. God bless!

    TeenToinks
    Parang mas gusto ko po yung revealing… tas nasa dilim ako! ahahaha toinks! wholesome image nga pala ako! (uyy.. nag iisip, scenario wala po kayo makikita.. baket?? eh kasi kakulay ko yung dilim…toinks!)… Si Tina BANANA ay isang TAMPUHIN.. oh ayan Tampo na ko! amp!

    Tenchu po sa comment! GBU

  9. naks naman may bagong gimik lols…

    natawa ako sa hirit ni boni “kalantod” nag-iisip kasi ako ng adjective at yun ang tugma nyahaha.

    hmmm akala ko hiatus delight ka sabi ni buyoy may kakaririn ka daw ng ilang weeks at yun pala yun ang pag susuot ng gown at pag rampa.

    nyweys… sana oks yun sa 24? 🙂

    TeenToinks
    Kinarir ko po talaga pero di ko nakeri! Ay apooo… ahahaha yang si buyoy talaga nichichismis pa ako! Lagot ka maya buyoy.. kukurutin kita (ay! wholesome nga pala ako!) nakalimot! Toinks!

    Yes mam, sana nga kita kits.. pipilitin ko po talaga.. pero not sure pa! wahhh

  10. ps.

    sana lagay mo sa header … kalantod tignan lols.

    TeenToinks
    Mam ha.. ikaw ha… wholesome image na po ako! toinks! ahihihi

  11. P.S. (din)

    Dala ka ng maraming banana que sa pasinaya ha.
    ‘Yung matitirang saging, dalhin natin sa pondohan ni Utoy.
    Pansahog ba. Mamumudmod yata kasi siya ng halo-halo at may nag-request na mga tambay.

    Donate ako sa paypal mo… pa-view ng naka-gown ka.
    {gusto ko ring tumawa… toinks!}

    KLANG KLANG KLANG (‘di na uso clap clap clap… ‘yan na!)

    TeenToinks
    Sabing hindi ako nagpapatawa eh.. ang kulit mo REV ha.. Pakurot nga! Uyyy… ayaw.. uyyy… nagpapapilit… uyyy… ayaw talaga! Kung ayaw mo wag mo! Toinks! Tagal nmn ng pasinaya mo! Dami mo na kaaway pati si Siopao Master lagot ka! hahahaha

  12. Oi! I’m back! Nyemas, ang hirap kumawala sa trabaho ko ngaun, suya!

    Natawa nmn ako dun, nde ko alam sasabihin ko, kamoteng memory gap ito, talga naman! toinks!!

    Aba, at si revsiopao at rache fwends na! clap clap clap (maraming kalapati), ang tagal nmn ng pasinaya na yan, ano ba mabitbit? Ay wala akong mabibitbit eh, pwedeng magfoodie trippin nalang ulet sa fiesta? gawan ko kayo ng entry tas ciempre dapat may picture AKO, ako at ako lang! toinks!

    Teka, ano ba tong pinagsasabi ko? Nasan ba ko? blog pala ni tina to, hahaha.. churi naman!

    Balik tayo sa pagggown mo, nakagown ka ba nung graduation natin? Hmm… Nde ko matandaan, buti nlng nakatakip ung toga natin kung nde, baka nasuya ung guest speaker natin kasi nasa harap ka pa nmn ng stage, toinks!! Peace!!

    TeenToinks
    Cge lang… uso naman dito ung walang masabi eh! DAPA! Hindi ako nakaGOWN nun Grad natin, SUPER DRESS in black n white ang lola.. bsta may masabi lang hehehe Well.. masuya man ang guest speaker eh ung speech nya narinig ko na… toinks! ahahahha

  13. PS.

    Kalantod lang! toinks!

    TeenToinks
    Tenchu.. tse! Amp!

  14. hello there… I’ve a tag waiting for you in my blog site: http://daredtohope.wordpress.com/ 🙂

  15. hahaha ka arot ng banana na yan… parang belyas. hahaha kalaki din ng banana mo oo.. hahaha nkakapula ng hasang!!!

    komedyante ka talaga!! and bilis mong magpatawa..

    buti naman e nasikmura ka nun gown nun sinoot ka nya??!!!

    peace joke lang baka magalit ka na nman sakin hahaha.. miss yah.. bawi lang ako baka magtampo e pakaininmo pa ako ng banana.

    @ siopao clap clap clap na naman
    siguraduhin mo na masaya ang luanching ha.. bday ng mom ko yun 8.

    TeenToinks
    Oist! Bat dun nyo ko pinagtulungan sa blog mo! Amp! Hubodero! Amp! as if naman! Miss ya ka jan! Tse!

  16. Seryoso po:
    MISH na MISH ka na namen Tina Banana Rama!
    Paramdam ka naman….

    TeenToinks
    Amp! Niapi mo kaya ako dun sa blog ni basti! Amp! Mish ka jan! Amp!

  17. sowwwee na.. e alam mo namna na joke lang yun.. miss yah

    TeenToinks
    Ahaha.. Oo na lam mo naman ako nakukuha naman sa suhol ubong


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: