Posted by: teentoinks | November 22, 2008

Fridge Cake

Pagkatapos malapastangan ang aking buhay pag ibig sa aking huling entry natural dapat lamang masundan yan ng isang magandang hinaharap.. Ganun pa man… wag mag apura kasi hindi tungkol dun ang entry ko noh! Haay apoo… Actually, may share lang ako na recipe… ang name… TeenToinks na may sub title na “fridge cake, mapapatumbling ka sa sarap” ahihihi.. Since mag Christmas na… ako lagi in charge sa desserts every okasyoness sa munting bahay ni lola.. though wala sila tiwala sa mga pagkain na niluluto ko (dahil hindi ako marunong magluto) believe me I made them do the “tumblisplitation” sa recipe na toh! Ahihihi kasi di ko naman niluluto toh eh…
Bukavulary ni Tina:
Tumblisplitation: process of splitting while doing cartwheel exercise (nose bleed ba gusto nyo… ? Pwes ayan ang hanap nyo! (ahihi)
Bago magdatingan ang mga sambayanang susugod ng handa … dapat mga 12noon few hours bago mag “Noche Buena” gawin na etong recipe na toh.. eto po ang ingredients and ratio. WARNING: sumunod lang sa ratio… or else aamagin yan (ahihihi).. “if symptoms persist, consult your doctor…” toink!

1 big can Nestle Cream
2 Magnolia All Purpose Cream
1 Alaska Condensed Milk
Graham Crackers
(kung katulad po kayo ng kuya ko na naghahanap ng Grammar Crackers sa store… tantanan nyo ko… wag na kayo gumawa)
Oreo Cookies (pwede naman choknot, pwedeng knick knacks milk or chocolate flavor)
1 tsp. of coffee
(yes.. kape… wahh kape…!)

Procedure:
12:00pm: Kumuha ng container na sa tingin nyo ay kakasya ang 1 gatas, 2 magnolia all purpose cream, 1 nestle cream.. just make sure walang melamine ang mga sangkap baka masisisi pa ako, ok!? Ay bilis… wag ka mabagal… Pasko na!

12:30pm: sa bagal mong mag hanap ng container inabot ka ng kalahating oras sa pag hahanap, paghalu-haluin ang mga sumusunod … 1 big can Nestle Cream, 2 Magnolia All Purpose Cream at 1 Alaska Condensed Milk at habang hinahalo buksan ang TV at sumunod sa sayaw na “giling giling” ng Wowowee

12:45pm: Dahil naaliw ka sa paggiling ni Luningning at nakigiling giling ka na rin… inabot ka ng 15minutes sa pag giling na dapat ay 2minutes mo lang hinalo. Ganun pa man, wala naman epekto yan sa lasa. Kumuha ng isang kutsarang mainit na tubig tunawin ang 1 tsp. of coffee kung katulad ko ikaw na Coffee lover malamang magtitimpla ka rin ng kape mo sa katanghaliang tapat habang nakikigiling giling kay Luningning, Milagring at Marifosa. Toinks! Ok.. asan na yung nilusaw mo na kape sa isang kutsarang tubig? Isama yun sa mga pinaghalu-halong sangkap ng gatas, all purpose cream, at nesle cream.

1:20pm: O sya, bat ko ba inoorasan? Kuneksyon ng oras? (bat ba kasi?) durugin na ang Oreo Cookies wag na makulit.. wag masyadong durog kasi mas masarap pag may konting texture na nakakain sa “fridge cake” at isama sa mixture

1:25pm: Kumuha na ng container na square or rectangle, ilagay ang 1st layer ng graham tas lagyan na ng mixture na ginawa na sa tingin mo sakto lang sa 1st layer of graham crackers.. isunod ang 2nd layer ng graham crackers at ulitin ang ginawa sa 1st layer gang maka “the more.. the merrier” ka na!

1:47pm: Optional.. lagyan ng dinurog na Oreo cookies ang ibabaw para BONGA! ahihihi

Ah-ha! Tapos na.. lagay nyo lang sa refrigerator (wag sa freezer.. kasi hindi sya freezer cake… fridge cake po sya!) at make sure i-lock ang ref para hindi malusob ng sambayanang uhaw sa “fridge cake” ahihihi…

Oh Ayan.. napatunayan ko po na babae ako.. walang duda! Kasi marunong ako mag luto ng walang apoy! Toinks!

Ang kulet nyo!

HalleyParrot 4evah

Advertisements

Responses

  1. hehehe! una ako, sabi ko na nga ba ako makakauna sayo eh… diko pa nababasa blog hahaha… wait mo second comment ko! yari ka sakin. nauna lang ako para fresh na fresh!

    TeenToinks
    Loko… Diretso sa simbahan.. BEHAVE! BEHAVE!

  2. hahaha funny… ano ba to unahan magcomment 😉 okay ang recipe mo ah… meron pang time at side comments 😉 pwde paluto?

    TeenToinks
    hay naku.. ewan ko ba bat nauso yang unahan sa pag comment.. gusto ko makipag unahan connection ko naman DSLow ahihihi

    Paluto? Sure basta uwi ka d2 pinas ha! Ahihihi promise masarap yan! hehehe muka lang hindi dahil sa entry ko! ahihihi

  3. Hehehe eto na ako! Yan ang ideal na “syuta” si teentoinks, kaya lab labs ko to eh sarap gumawa ng desserts lahat napapaligaya. lalo na ang letse’ flan ni tintoinks, ng matikman ko abot tenga ngiti ko sama mo pa ang tirik ng mata, Yammmy!espesyal talaga mga kuuking mo. hehehe tsalap!Lab u TeenToinks!

    TeenToinks
    cge neks taym ung “letse flan” nmn.. ganda ng spelling ha!

    Ganyan nga eric marunong ka pala sumunod.. BEHAVE! ahihihi Naway mapag tyagaan ka ng iyong mapapangasawa gang sa kaibuturan ng iyong kalokohan! toinks! ahihihi

    Ahihi.. BEHAVE.. straight line ha… wag liliko sa kaliwa! ahihi lapit na kasal! Ahaha… tsk tsk (baka gumanti) bait ka naman eh! toink!

  4. wahaha! tawa na naman ako dooonnn! habang namimiss ko ang a day before christmas (december24) talagang may time pa ah nakakmis tuloy>! cool ng grammar wala ka ngang makikta nun! si topet talaga oo (kuya ni tina) kasamahan siguro yan ng nagpapabili sya sayo ng DLL files dahil un ang error ng games sa pc nya. toinks!masarap ba yan? siguro ginawa mo talaga ang pagiling giling haha!~ pede ba habang gumagawa nyan eh nangunguneho? awww! HIHIH parang giling naidn un dba?so siguraradong sa pasko meron kayo nyan! saraaap!! eh ilang buwan naman ang fridge time? hehe dapat ba ngayon palang gawin na? tapos sa pasko kakainin? ahihihi.cool!!!

    TeenToinks
    ahaha di mo talaga makalimutan ung .DLL ni kuya noh! ahihihi..

    so, wag na po kayo magtaka kung bat ganito ako.. normal po sa amin magkapatid ang kalokohan! toinks! ahaha.. miss ko na kuya ko!

    At talagang pinilit ang kuneho sa paggiling ha! hay apoo…

  5. Hello hello! Nahuli na ako sa balita, bakit kasi weekend kung magpost eh, alam nmng lumalaboy ako ng mga panahon na to, toinks!!Anyway, miss ko na mga ‘sweets’ ng state of LAur lalo na ung LETSE flan kapag dumadating ang January 2, tsalap!!!Miss ko na din ung ‘reunion’ ng tropa kapag birthday at fiesta, waaahh!!!

    TeenToinks
    ayan.. edi namiss nyo din ako.. kasi la na kaung “SWEETS” pag reunion, fiesta at talagang specific na January 2 ha.. ano ba meron pag January 2?? hmmm…..

  6. Congrats sa second award mo!!http://bloggerjorge.wordpress.com/2008/11/23/blogger-buddy-award/paburger ka naman! toinks!

    TeenToinks
    ahuhu.. naiiyak nmn ako! May speech ako sa entry mo! Salamat wwaaaaahhh Salamat waaahahhhhh…. (lupasay)

  7. Aba ang Tina Banana, namamayagpag sa awards. Clap clap clap!Tsalap naman naman ng recipe… Gawin ko ‘yan dito minsan. Pramis!(Na-imagine kita dito habang sumasayaw to the tune of “igiling-giling”. Hindi kinaya ng powers ko. Toinks!)

    TeenToinks
    ahaha.. naimagine daw ba! Hay Siopao… este hay apoo.. hehehe newei promise sarap po yan!

  8. ayos ang mga post ha. astig ka!

    TeenToinks
    Wow.. coming from nowhere.. katuwa naman kaw paurong… kelan ka susulong? ahihi joke.. Thanks po!

  9. my tag ako for you :)another award… http://daredtohope.wordpress.com/2008/11/24/another-blogger-award/

    TeenToinks
    Thanks Rache.. cge mag iipon ako! Pero sana talaga perahin na lang…ahihi joke lang po yun.. Super TOUCHED ako na naapreciate nyo kabaliwan ko. Salamat po ng marami! Parang yoko muna gumawa ng entry, baka masapawan etong mga TAG ko eh! ahihihi

  10. wahahaha.. miss ko na yung alsa salad mo.. gawa ka sa paguwe ko ha..

    TeenToinks
    Cge gawan kita ng ALSA salad pag uwi mo.. EHEM… (ubong) (ubong).. ubo yan! You know my taste!

  11. aba. recipe!ü sige, itry ko lutuin (teka, wala palang lutuan na nangyari) ang fridge cake na ito. kaya lang, kulang ang ingredients ko. wala akong TFC eh. Di ako makakagiling-giling habang naggagawa ng cake.üGod bless!

    TeenToinks
    ahaha.. tawa ule ako dun, optional naman po ang pag giling eh.. basta may split lang! toink! ahihihi

  12. aba, aba, aba, welcome to wordpress, teentoinks!!! hayan, magkakapitbahay na tayo! pwede na akong makahiram ng kahit ilang pirasong grammar crackers sayo. hehe…

    TeenToinks
    Wahh.. la pa po akong press release d2.. baka makasuhan ako ng breach of contract!(toinks) Thanks pow!

    At sa grammar crackers… hay apoo… wag na po patulan ang kuya ko! ahihihi


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: