Posted by: teentoinks | November 19, 2008

ANNEX A

Ok, bago pa mag taasan ang kilay ng mga taong nahihimlay, mga taong nag ninilay nilay at mga taong sawi.. (uy! ako ba un?) Ako muna inyong pakinggan…. este mag basa na lang pala kayo.. (tsuri! ahihi)

Dahil may isang kaibigan ako’y pinabayaan..
Iniwan sa kangkungan… Walang malapitan…

Shut up tina.. (OA ka na ha!) Here’s the story bout that ANNEX A evidence (nagsusumbong).. as what we all know, lumipat na ng site si Master Ooqay from blogspot to wordpress.. but the funny thing (actually hindi funny.. hindi ako natuwa.. amp! Angal?) is that he wanted me to visit his blog as if I don’t have another hours to visit it (demanding ang loko! Amp!) So, pagdating ko sa blog nya… wapak… wala ang name ko sa BLOG ROLL nya (kinalimutan ang lola) hmp! Lahat.. as in lahat andun EXCEPT my name/blog! (oi.. wag mo na deny, may ebidensya ako! amp!) So alsa balutan ang beauty ko… plus todo nag kay Master Oooqay.. bwahaha! Don’t worry nakaganti naman na ko eh, tinalakan ko sya ng bongang bonga! Ahihihi But still.. kinalimutan pa rin nya ako! (huhuhu…)

Since pinag uusapan na rin lang si Master Ooqay I just wanna give him half clap (hindi nag abot.. pang asar lang..ahihi) for the job well-done sa “Can I have the Last Dance?” blog (http://compilationofstories.blogspot.com/). Infairness, nakakakilig… gang ngayon oh.. nakangiti ako (masakit pa ipin ko nyan ha!) Bat nga kaya pag love ang usapan may mga di mapigil ang kilig… Hindi naman sa kinokontra ko ang sangbayanang kapusuan.. Pero minsan nakakatakot lang din magmahal, hindi dahil ayaw mo kung hindi dahil ayaw nya… bwahaha… (serious mode ba?) Hay! Sigh! Asa ka pa kasi eh!

But newei.. one time my friend asked me this “diba pag mahal mo isang tao dapat walang turn offs?” Tama naman diba? You have to love him/her at the worst he/she could be… Nakakatuwa ngang isipin na may isang tao na magmamahal sayo kahit na bagong gising ka… kahit di ka pa nagtu-tooth brush, kahit patay pa limang kuko mo sa paa at kahit may alipunga at hadhad ka pa (oh.. love mo diba?) Sometimes love blinds you, kasi you only see what you want to see, pero pano nga kung may hadhad at alipunga sya? Oh diba… ano yun pipikit ka na lang at sikmurain ang mga kahadharan nya? (ahihihi) Ok.. serious mode na ko.

Kidding aside, mahirap makarelate sa mga bagay bagay na hindi mo pa naranasan, hindi naman dahil walang nagmahal or wala akong minahal.. siguro sabihin na lang nating “it could have been, but not become” or “almost but not quite” in short… Muntik na! May mga stages nga daw yan, merong crush, tas like tas love tas “ASA KA PA” stage! Ahihihi (Optional po yung “asa ka pa” stage, sakin lang yun.. ay!) Lahat ng stages na yun pinagdaanan ko naman.. so malamang normal naman ako (babae na nag mamahal at nasasaktan, weh..? Bakla!) Pero masakit kasi nung nasa ‘peak” (to the highest level) ka na ng love at ang kulang na lang formal agreement bigla kang ibabagsak sabay sabing “ayokong ipagpalit ang isang relasyon (friendship) na napakatagal na sa isang relasyong (commitment/love) hindi ko alam kung hanggang kelan tatagal” (di ko naman tinatanong.. amp!) (praying: sana wag nya po itong mabasa) Well, sorry sya hindi naman ako nagsisi! Hehe Nasaktan lang naman ako, hmmm.. umiyak naman ako mga 2 nights (oo na 3 nights.. sige 1 week.. tama na yun masyado na syang gwapo ha!) na hinagpis at pagbabaliktanaw sa mga kaganapang kala mo walang katapusan (wahh.. nyemas ang lantod mo tina!)… ngunit subalit datapwat… ay! tama na yun gang dun lang ang story eh, walang replay button. Pero ang ending… umiwas na ko! Toinks! Ahihihi Gaya nga ng nabasa ko sa isang comment na puro kuneho ang usapan.. normal lang naman daw sa isang lalaki ang mag-flirt at magpalipad hangin so kasalanan mo “babae” kung sasakay ka or hindi.. So kung ganon ang laban, pano mo malalaman or makikilala si “lalake” na para sayo? May nabasa naman ako na.. “bawal umihi dito” (ay mali… anong page ba?) ahmm.. na wag daw maniwala sa guy pag sinabihan ka ng “I love you” (hindi naman lahat…),sinabihan naman nya ako na “he loves me” at “kahit mawalan na sya ng sampung girlfriends na sabay sabay… wag lang ako” (dinga? Naniwala ka naman?).. eeewww… bat ako maniniwala duh… umasa lang po, kala ko totoo eh (ahihiihi.. bat ba kasi.. trip trip yan eh.. adik!)

But newei my point is pointless (so la na naman wenta ang entry ko? Ganon?), it’s up to you.. magmahal ka man or masaktan, we have to be fair! We are living in a very complicated world so stop making it complicated (ay! magulo, nagpapagulo ka tina!), ang daming problema ng bansa.. bukod sa rice shortage meron na ring tissue shortage kakapunas ng mga luhang pinaiyak (nyo!) Uy! Basahan gamit ko! Ahaha.. may welga ba? Isa lang naman gusto ko sabihin eh… Life is beautiful… and so I am! (ahaha.. kanya kanyang blog lang yan! Angal pa eh! Adik!)

HalleyParrot 4evah

Advertisements

Responses

  1. +++ Naku, sa palagay ko hindi talaga tunay na kaibigan ‘yang si Ooqay… imagine, hindi ka inilagay sa blog roll? Naku neng, awayin mo ng bonggang-bongga. (pinag-away daw?)

    TeenToinks
    Inaway ko na po ng bongang bongga si Ooqay.. hehe (teka.. natangap nyo po yung kandila at bulaklak nun undas?)

  2. matagal na kitang “ini-istalk” dine sa blogosphere… palagay ko ay nakita ko na ang mga katangian ng isang babaeng (baklang) gusto kong maging ina ng aking mga anak.puwede ba mag-apply?

    TeenToinks
    Naks.. haba ng hair ko mag hapon dahil sayo… teka natapakan ko na nga eh. Kaso bat may open and close na bakla.. (sabi na nga ba, di ako babae eh! Toinks! (duda))

    Pakuha na lang po ng application form sa Guard (toinks!)

    Salamat po sa comment..

  3. naku yan nagtampo na si tina… hehehe naadd ka naman na nya 🙂 katuwa talaga basahin blog mo.. at meron ka pang secret admirer na nagcomment…. wow may stalker ka na… rachehttp://daredtohope.blogspot.com/

    TeenToinks
    Tampo talaga ako! Amp! Ako pa raw 1st visitor nya sa blog nya tas ganun… wala name ko! Hay apoo… hehehe thanks!

  4. naku may drama side pala ang blog mo… kakarelate naman ako ron konti kasi nagstart din sa friendship relationship ko saking mr. na kilala mo naman hihihi… nasabi narin nya yung part na ayaw nya masira friendship… iniwan ko nga punta ko stets… ahahaha saka yun na sya umamin.. nyway, darating din si right guy for you… if not right then left… but there’s just someone there for you… who knows baka yung “secret admirer” mo na yun 😉rachehttp://daredtohope.blogspot.com/

    TeenToinks
    Ay.. oo nga pala! Sila talaga! ahihihi…

  5. Awww!! Ang saklap! ang puso ako ay nagdurugo… Bruha ka eh user error nga po ung nangyari sa blog roll ko, malay ko bang may link category ek ek dun, nde ko nga nacheck ung name mo kaya nde nilabasan este lumabas! hanube! Aba aba aba, sino tong mga stalker aka secret admirer na to ha? hmm.. sumbong kita kay deacon, toinks!! bwahahahaha!!Aba aba at isa pang aba, drama mode ka? Parang nde bagay, toinks!! Wala nmn akong masasabi kasi alam ko nmn ang buong istorya at akin na lang un, akin, akin, akin!! Sa akin ang huling halakhak, bwahahahaha!!!! un lang, makabawi lang, toinks!!

    TeenToinks
    Mag paliwanag ka na lang sa prisinto! Amp! Helloo… Obvious naman eh.. lahat nga andun.. AKO lang WALA! sige halakhak… guuuaarrrdddd…. amp!

  6. Ay isa pa, bakit nga pala ANNEX A? hehehe…

    Tsaka, tenk u nga pala sa papuri sa aking munting love story, nahipuan (touched) nmn ako dun, aaww!! Sisimulan ko ng isulat ang chapter 4 kung saan sosolohin nila ang isa’t isa sa island, aaww!!
    Tissue please!!!

  7. ayos to ah! isa ka na talagang blogger! karerin mona may future kana kasi dito eh! HAHA maglagay kanadin ng sandamakmak ng PAYPAL link toinks!seriously, mayn sense tong blog mo kasi kahit dimo aminin eh nag confide ka na ng mga saloobin mo. outlet ba kumbaga. hirap magmahal diba! pero sana hindi ka nalang umiwas, hindi na nga nasunod ung gusto mo (love) tapos nawala pa sya sayo, edi parang ganun din dapat nag insist kanalang to love him malay mo pumasok sa banga ang ‘persistence counts’ toinks!. well don’t loose the friendship sabi nga ni bob ong, kung ayaw nya sayo baka pagdating ng panahon ayaw mo din pala, naunahan ka lang nya.. pede din namang later marealize nya na ikaw pala talaga.. (ayy manggulo ba!? paasa ule) haha ^^ well just be yourself! un lang yon! there must be someone out there that truly belongs to you. hindi palang siguro nagkakaharap ang landas nyo. (it might be the secret admirer above) toinks! try mo papasukin nag aaply na. hahanice blog!! more to cum este come!Bons sa boni stationhttp://bonistation.wordpress.com

    TeenToinks
    ang pinaglipasan na ng panahon hindi na dapat binabalikan.. inaamag, kinakalawang at inuuod na yun! Super tagal na nangyari yan… ngayon ko lang na-share kasi.. ah eh… wala na ko maisip na topic eh ahihiihi toinks!

    Well, di man nagtagpo nuon.. mas lalo ngayon! amp! (eh bat bitter ka tina?) Honest… love dies, un lang po at maraming salamat.. toinks!

    Note: hindi naman sya nawala eh.. anjan pa rin sya.. yun friendship! ok! wag na ipagpilitan.. mahirap na baka mapunit.. ay! ahihi! At more to cum talaga ha? hay apoo.. Hoy kuneho wag ka d2 mangalabaw sa blog ko!

  8. haba nun ah… this Jorge wata culprit tsk.

    TeenToinks
    Mam Libay.. kaw ba yan? aha! Nagtyagang basahain blog ko… wahhh…. achievement yun! ahihiihi Yehey! Papa burger ako.. FREE naman lemonade sa blog mo! Diba? ahihiihi

    Kala ko dimo na ko kilala! Tama si bon para kang abogada nun.. ahihihi Toinks!

  9. wow napagiwanan ako ng mga kommento. Palagay ko di ka nagpakita sa dilim kaya ka naiwanan sa list 😛

    TeenToinks
    Tse at TSE! Manahimik ka jan at asikasuhin lang ang KASAL… Diretso lang sa simbahan ha… at please.. BEHAVE.. BEHAVE.. BEHAVE! ahihi

  10. sus ginawa nyo pa akong abogada… jafake yun para lang kunyari seryoso… nagsalamin pa nga ako pampatanda epek … ayun lumabo tuloy mata ko lols…

    oist salamat sa pagdalaw sa blog ko…

    nice to see all of you dito sa blogosphere 🙂

    di ako maka pag comment sa blog ni eric… tsk ni block yata ako 😦

  11. bati na ba ang toinks team ng blogosphere?ü sige, mag-away kayo’t isusumbong ko kayo kay Rev nyan.syempre, dapat may kiss.üGod bless!

    TeenToinks
    Ok na po ang toinks team, ung iba nasa prisinto na! ahihi Tahimik po si Rev.J d2, andun sa kabilang site (bonistation) nangulit.. ahihihi

  12. ako ulit and para mawala na ang word na “haliparot” … i am tagging uhttp://wouldificould.wordpress.com/2008/11/21/blogger-buddy-award/

    TeenToinks
    ahihi thanks for the TAG-wanderer! ahihihi dahil sa “haliparot” ay! Bsta pag lipat ko WP iba na… BEHAVE na po ako! ahihihi

  13. O balita ko na-miss mo daw ako?! Toinks…Nakikidaan lang po… sarado kasi ang kalsada sa kabilang barangay, fiesta kasi (ano daw?!). Hehe.This comment was brought to you by the letter J and the number 10! (tama ka sa batibot nga ‘yan)… wapak!

    TeenToinks
    May tama ka… na miss nga kita! Hay apoo… Walang makulit sa blogosphere, ang tahimik pag wala ka! toinks!… ahihi

  14. Tol!!! anu ba.. ngdrama ka na naman.. kahilig mgemote pagdating sa love.. pero yaan mo dadatuing din tol ang magmamahal sayo.. tol intay intay ka lang.. tol…sobra nmn yung hadhadera mong linya.. ayoko yun.. meron naman canesten cream o kaya trosyd.. regalo sa monthsary..

    Teentoinks
    Thanks for the wonderful kahadhadang comment! ahihihi..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: