Posted by: teentoinks | November 10, 2008

Nag papakatotoo lang!

Hay.. medyo isang tumbling palang nagagawa ko habang nagkakape sa umagang toh naisip ko na agad gumawa ng entry, as always late na ako nagising kasi lagi naman ako late matulog, at bakeet?? (Eh, bat ba kasi nangengelam ka.. isipin mo na lang may tissue ka, at kung wala ka tissue mag tyaga ka sa basahan! ahihihi split!) Ay! Pasensya na po, isang makahulugang salawikain po ang aking natutunan “kung maliit ang tissue, matutong mag basahan” ahihihi walang masama at walang mawawala! Eeewww… Bwahahaha!

But newei, kung napaisip kayo dun, eto pa yung isa. Rache asked me this… Ano daw ba ang OKRAY? Oo nga noh!!? Hmmm… Para masagot natin ang mahiwagang tanong teka… tumbling sabay split muna uli ako! Basta, ang alam ko hindi sya LANGUAGE at lalong hindi sya DIALECT! Baka pag talunan pa yan at makarating pa sa kongreso! Pwes, kung may gustong umapela.. talk to my lawyer! Ok!? Ang OKRAY ay isang salita (hay apoo.. kakasabi lang hindi sya language therefore hindi sya salita!) ah eh.. teka sige na nga gay lingo yata yun (FYI: lingo = language = word) meaning “mam bwisit”, “to annoy” or “to make fun of something” (yata) but since hindi naman ako bakla.. duh.. hindi ko gawain ang mang OKRAY noh! Wala sa isip ko yan gaya ng mga kamunduhang nasa isip ng mga hubaderong nagkalat sa YM! Ahihihi! Hulaan nyo na lang, sige blind item…

  • Ang unang FAFA ay nakilala sa pangalan ng blog nya bilang isang character sa Kiddie Movie na nag ku-Kung Fu na ang pangalan ay katunog ng isang tagapagtanggal ng sumpa na madalas okrayin ni Zenki..

  • Pangalawa, FAFAness na may stasyones na hindi mo makikita sa LRT pero kung mapapadaan ka at mahinto sa Fort subukang hamunin “ah tapang atao, hindi atakbo, asakay elevator atusok atulin”…

Wahhh… Given na given na ha! Ahihihi! Sa mga hubadero…hindi na kayo nahiya sa “muscles” ko! Wah!! Wapak! Dalawa pa lang yan! Balita ko marami pa! ahihiihi!

Eto share ko lang po, sometimes in our life, may mga makikilala tayo na totally will change your views in life. Nakaka aliw na may mga taong sobrang broadminded slash open-minded slash activist (ahihihi..) sa madaling salita sobrang lawak mag isip beyond what you expect regardless of his “respected” status. Lately, may nag add sakin sa friendster, actually nag dalawang isip pa ako kung accept ko or hindi, for the simple reason.. baka kasi di nya masakyan kabugakan ko… Hindi naman masaydo.. in short “not really..” ahihihi (makapag english lang..) Medyo nanginginig pa ako nung i-accept ko ahihihi.. gang nakita ko yung comment nya sa isa kong friend na “nakiki-tumbling sabay split na rin sya” Hay apoo.. Ahihihi.. Aliw! That made me realize na “hindi nga pala masama ang magpakatotoo” and we have to admit na lahat tayo may mga “kalokohan sa buhay”, minsan nakakatakot lang ilabas kasi hindi lahat makakaintindi

Kaya eto ako.. simpleng tao na mahirap intindihin pero nagpapakatotoo! Entyendes!? Ahihihi! Ciao!

HalleyParrot 4evah

Advertisements

Responses

  1. Aba ang bruha, may blind item na rin!! Christy Fermin, ikaw ba yan?! bwahhaha!!

    Hinay hinay lang sa pagsplit at baka mapunit!! Toinks!!
    Ang sakit ng tyan ko kakatwa, sabunutan kita dyan eh, at sino nmn kaya ung mga FAFAness mo sa blind item???

    Naku, for sure, nabitin ka lang kaya masakit puson mo, bwahahaha!!

  2. Ay hinahamon mo ko… papangalanan ko ba?? bwhahaha

  3. hahaha… you’re really funny tina! very nice entry… nagtataka na si christian sakin bakit ngiti ako ng ngiting magisa eh 🙂 ano ako na ba magpapangalan sa iyong mga blind items 😉 okay kayo ha mga mahihilig kayong magaerobics noh galing nyo magsplit at magtumbling… thanks sa explanation ng ‘okray’… kala ko okra na yun eh… jokes..

  4. Ahaha.. Rache baka pag nag name tayo bumawi sila sa blog nila.. patay tayo dun! ahihihi Tsk.. tsk..

    Send my regards (again) to Xtian and baby Polyn! ahihihi

  5. Ciao Tina Banana! Just read this blog… Kaya lang paalis ang bago mong kaibigan na cute na diyakono (o Bon, Basti, Jorge walang kokontra)…. kaya mamaya na lang ang totoo kong comment ha. Magpapagupit kasi ang lolo deacon. Baka magsara ang barberya sa Roma.

    Puwede bang ako ang mag-reveal ng blind item? Parang kilala ko na kasi e. LOL.

    Ciao po! God bless!

    ^^ipagpatuloy mo ang pag-tumbling habang nag-i-split^^

    Pahabol: Please go to Boni Station, may comment ako dun for you.

  6. Ayan, I’m back… ito na ang mas ‘mahaba’ kong comment sa blog na ito

    IT’S NICE!

    ‘Yun lang. Toinks! LOL

  7. eto talaga ang nag kumpleto sa gabi ko. tawa ako ng tawa! haha ganun pala yung feeling ng nagbabasa ka ng blog na hindi mo mapigil ang tawa mo. this is the best blog na naisulat mo so far! unleash the power!! ilabas mo na yan! more blogs na katulad nito ha!

    mapunta tayo sa blind item, sige puputak na ako! taragis! alam na alam na ako yun ahm, unahan ko na ang dyakono bago pa nya ako ibulgar. nag enjoy ka naman sa show namin ni master ooqay diba? (si JORGE ung unang ITEM) buko nadin! nag enjoy ka sa suot na necktie. at abot ang split mo!!

    ang okray ay nag originate kay tina, bakla kase yan sya ang may pakana ng OKRAY GALORE. meaning maraming okray o kaya panahon ng okray, at kung ano ano pa.

    kahaba ng comemnt ni deacon, pinakahintay hintay ni tina eh, nagpagupit lang wala ng nasabi,. dikamanlang naguwi ng kwentong barbero habang nagpapagupit ka eh nakatulog kaba? buti nung nagising ka may damit kapa? (remembering jorge).

    minsan di talaga maiiwasan na sa katagalang pamamalagi sa liblib na lugar naiipon ang kalokohan, kaya unawain mo nalang ang taong sinasabi mo tina. intindihin mo ang kanyang mga kasabikan

    ** ang ganda ng post, talagang kinakabahan na ako na bukas makalawa magsisilipat na mga readers ko dito at wala ng matitirang comment sa akin. awww!!!

    boni station

  8. wahaha.. buti nalang good boy ako at wholesome.. ndi ako nghuhubad katulad nila bon at jorge.. medjo normal pa namn akong tao compare sa kanila. si jorge nga ngpost ng picture.. kajutay.. kalakas ng loob.. infairness delicioso sya dun wala lang bukol!! toinks.. c bon naghuhubad na din at ngpapakita na ng laman napigil lang ng bagya.. hahaha..

    kacute naman ng blog mo.. parang gays ang tingin mo sa mga nagookray sayo!! teka sino sino ba mga yun???

    wapheek! tono ni aubrey miles.

  9. Bwahahaha!! Astig ang mga comment mo ah!! Dami mo ng fans!!
    Tama nga si Bon, eto ang pinaka the best over to the maximum level entry mo!! bwahahaahaha!!

    Hinay hinay lang sa split baka mapunit! Toinks!!

  10. OK! B4 anything else I would like to thank my sponsor – JOY TISSUE

    Mr. Siopao: nabasa ko na PO ung comment nyo PO sa blog PO ni Bon PO! ahihihi Newei thanks! Madalas ako ilaglag ng mga yan! Hmp! Babae kaya ako! (nag sumbong) ahihihi Haba ng 2nd comment nyo ha, parang napagod kayo at hindi sa barbero nagpunta. aww! wahh!! "tumbling sabay split"

    BON: U want more blogs like this?? well… I want more hubaderos to come! bwhahhaa take it off.. grrr…

    BSTI: im waiting.. na maimpluwensyahan ka na ni bon & jrg.. bwahahaa hikhik!

    JRG: Wahhh.. oo nga gaganda ng comments! THANKS! nakakapressure.. Hay naku!

    Ciao.. salamat sa mga comments!

  11. Tadtarin daw ba ng “PO” ang message for me?! Kulang na lang mag-mano at humalik sa noo e. Huwag ganun!

    ‘Nga pala, meron akong ibubulong…. huwag ka maingay sa kanila ha… baka marinig nila: madami din akong necktie dito at maganda ang webcam ko (AWWW AWWW AWWW sa balitaw!)

    Shut up Siopao!

  12. Wahhh… may santa hat din ba kayo?? ahihiihihi… tsk tsk tsk.. yan na nga ba sinasabi ko eh! Baka masama ka pa sa blind item! bwahaha!

    May Part 2 ang blind item.. Cno pa ang may necktie jan? Show off! Wapak!

    “tumbling sabay split”


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: