Posted by: teentoinks | November 2, 2008

My Fantasy Board..

Kakabasa ko lang ng mga blog, just got realized “pwede nga pala mag tagalog” ahaha.. Pinahihirapan ko lang pala sarili ko! Kala ko kasi obligasyon sa isang blog ang mag English or taglish! Hay apoo… Buti na lang dina ko masyado mahihirapan sa pag English at buti na lang walang accent ahihihi.. Hay life!” inyamitin”

Eto lang, update ko lang muna ang blog ko, as what eric told me “dalasan naman ang pag update para may malibangan sya”! Hay naku, yan na nga ba sinasabi ko eh… libangan in short “past time” lang… mga lalaki talaga.. Hay apoo.. Ahihihi Peace! Okray na naman! But newei, thanks for reading at sa tyaga na magbasa, di ko pa maupdate yung layout ko kasi naman yung connection ko “super DSLow”, siguro 10years bago ko mabago layout/background ko. Hay life!

Newei, I have plans of making my own fantasy board yung tipong lahat ng mga dreams and fantasies dun ko lalagay, I just got realized na day by day nagbabago pala ang gusto ko, may nawawala at may nadadagdag. Way way back my childhood days simple lang ang buhay ko nun, pagkatapos ng school tambay na uli ako sa school sa playgrounds naman andun yung seesaw madalas uuwi ako ng bahay na may sugat kasi nadapa or dumudugo ang ilong kasi nahulog sa seesaw. Pero madalas may mga kalaro ako na pwede kami magpanggap na “Power Rangers”, basta ako si pink five pag hindi, ahhh hindi na ako sasali. Hehehe Bat ba kasi… gusto ko ng pink eh! ahahaha.. Nuon lagi ganun lang routine ko gang sa nag high school na ko, pero palihim pa rin ako nag lalaro ng Chinese garter, feeling ko hirap mag adjust nun. Bigla kasi nagdalaga na mga kalaro ko at ako na lang yata ang may laste na pang Chinese garter nun. Hay life.. Oh diba, ang simple lang ng dream ko “maglaro ng Chinese garter” gang sa eto lumaki na… ehem… walang kokontra.. lumaki naman ako ah! Nagbago narin ang gusto ko pati hilig ko, nuon bata ako pag tinanong ako kung ano gusto ko sabi ko gusto ko mag “madre”, kasi super gusto ko yung mahaba ang buhok, that time kasi di ako pwede mag pahaba ng buhok kasi lumagpas lang sa tenga ang buhok ko magpapagupit na kami ng lola ko. Tas nung naisip ko kung gaano kahirap ang sakripisyo ng isang madre gang nakalimutan ko na, tas na amazed naman ako dun sa mga cashier sa super market at pati na rin yung mga gasoline boy na naglilinis ng salamin ng kotse ahihihi! Ahaha kanya kanyang trip lang yan eh!

Pero ngayon, palagay nyo sakin CHEAP?? Ahaha Hello!! Actually one of my dreams is to buy an airplane, pero gusto ko yung AIR FORCE1, bat ba kasi?? siguro libre na bodyguard dun ay! mga FAFA! Oh kaya naman kahit one night stand with Josh “my love” Hartnett, ahihihi ilusyunado naba?? Tas meeting with Tony Blair while Bon Jovi is singing his song “It’s My Life” then after the meeting.. interview with Oprah naman. Hay life, minsan ang sarap mangarap, gaya nga ng sabi nila mangangarap ka na lang lubusin na ahahaha.. Tas, mag lilibot ako ng buong bansa pati moon at mars except sa Paris, at bakeeeet???? Kasi refused nila visa ko. Bwaahaha Hay kaaliw mag sulat ng isang blog na walang kwenta, nag sulat ka lang kasi na inspire ka at kasi nakikigaya ka lang sa mga kalokohan! At pag kalokohan yata, madalas ako present dun! Gaya nga ng sabi ni basti eto ang gawain ng mga taong walang magawa. At ako na nga yun! Hay life!

Enjoy.. nawa’y gawing “past time” ang pagbabasa at humayo kayong may natutunan sa nasusulat sa pahinang ito! Ahihihi

Advertisements

Responses

  1. wahahaha.. arawa araw ba dumudugo ang ilong mo sa pagalalaro ng seesaw???? kaya pala!!! hehehe tama ka dun.. habang tumatanda tayo nagiiba ang gusto mo.. dati gusto mo lang sumakay sa eroplano, nagyon gusto mo pa ng sariling eroplano!! dati guto mo lang manood ng porn, ngayon gusto mo na ikaw ang nasa porn..!! sabagay sabi nila hindi nakukuntento ang tao sa kung ano ang meron sila ngayon.. lahat naman wants more than what they have right now.. yung iba may minamahal na nga ngmamahal pa ng iba.. kaya kung kaya mo mgmahal ng marami gooooo.. hahaha kung saan masaya at liligaya.. huhuhuhuhuhu nasa top 10 internet user kami ni bon.. lagot kami… miss yah… nice blogsite huh.. love it!!

  2. Wow!! Ang gara ng bagong template! Congats!!
    Nde na dudugo ilong ko sa ALL-PINK template! Hahaha!
    Oi, Bioman po ang may pink five nde power rangers no! Cheh!
    O sya, dami mong nakwento nung kabataan mo, akala ko nmn kung bakit dumugo ilong mo, sa seesaw lang pala, ako ko basagulera ka na nun o english ka ng english kaya ka nagnonosebleed, hehehe…
    TOINKS!
    Oi, sali ka sa ‘Followers’ namin ni Rachelle ha. Tas maglagay ka rin ng ‘Followers’ Gadget dito sa blog mo ha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: