TO: me, FROM: me!
My dearest young ME,
I’ve always wanted to write to you letting you know how much I adore your happiness when you were playing in the swing, kakaingit at sa bawat swing nito saya ang katumbas, pataas ng pataas hanggang maabot mo ang highest point at wala ka na magawa kungdi tumalon. Ang simpleng kaligayahan, pero kuntento ka.
Sa paglakad ng panahon, you’ll know what is right from wrong but sometimes chooses the wrong path. It’s OK, that’s just fine… because you love having an opportunity to choose, basically that’s your way of saying - that’s your life. What I hate about you is when you think that you’re going to be alone, you might as well be lonely. That’s not right, we could disconnect ourselves from others because sometimes it is very tiring to be connected to everything. Just let yourself be with yourself for a little while, just for a little while.
Some people expect you to do better than what you can do. Pero hindi yun ang gusto mo, wala ka lang magawa kundi sundin sila dahil ayaw mo sila ma-disappoint. Mahirap isa-isahin kung ano mga nagawa mo, pero madaling sabihin kung ano mga naging mali sa buhay mo. You maybe rude, rude for fighting, fighting for what you believe is right.
Just be tough even sometimes you’re afraid on the dark and so in the light.
Love,
The now – ME!
34 comments October 15, 2009
His Imperfections
I used to be a daddy’s girl. He used to carry me on his shoulder.
Limang taon pa lang ako ng kuhanin sya ni Lord, sabi ko pa nga nun “natutulog lang sya”. Ang daming memories na kahit sa limang taon naming pinagsamahan natatandaan ko pa gang ngayon. Madalas kami magkasama, siguro dahil madalas si mader nasa eskwelahan at nagtuturo.
Hindi ko alam kung ano ba talaga trabaho nya, madalas ko pa nga sya gayahin sa pagtipa ng bawat letra sa typewriter, habang ako gagawa ng typewriter na papel. Minsan naman iiwanan ako sa lola kasama ng bote ng dede at isang pares na damit, bibisita lang daw sya sa bukid namin. Naalala ko naman na ginabi kami sa daan habang katabi ko sya sa may driver seat sa kulay green namin na sasakyan sa likod nun maraming laman na candy at cookies, imported… say mo! Minsan naman nakikita ko syang gumagawa ng cabinet, cabinet ko, medicine cabinet at cabinet ni mame para sa school, gang ngayon nga gamit ko pa rin yung cabinet na gawa nya.
Typical na pamilya lang kami, kahit marami nagsasabi lumaking may kaya sila dade. Naranasan ni dade ang magpalipat lipat ng school, nag aral sa Baguio at duon muntik na raw mapikot, ikakasal na lang tumakas pa. Nag-aral sa FEU/UE pero naggraduate sa Adamson. Sabi ng mga tito ko, chickboy daw yun, 18 years old pa nga lang may anak na sya. Kaya bukod sa amin ni Kuya may kapatid pa kami. Ipinaglaban ng lola ko na wag makasal sa murang edad si dade, dahil na rin siguro sa kabataan nya. (more…)
50 comments October 7, 2009
Positive outcomes of Ondoy!
Sa ngayon nararanasan natin ang isa sa pinaka matinding trahedya na dumating sa bansa. Maaring marami sa atin ay may masisilungan, nasa masarap na higaan at walang iniintindi kung paano mag uumpisa pagkatapos ng isang mapaminsalang bagyo, and so I say…. we are blessed. Sa panahon na ganito, dito rin natin masusukat ang bayanihan at pagkakaisa ng mga Pilipino.
Siguro masasabi na rin natin na may mga natutunan tayo sa ganitong mga pagkakataon: (more…)
42 comments September 29, 2009
A taste of life…
May katagalan bago nasundan ang last entry ko, siguro dahil…. nagbabad ako sa MAFIA naging busy at isang lingo din na sumama ang pakiramdam ko. Ganun paman, napaisip lang din ako, sa buhay ano nga ba purpose ko? Saan ako naging mali at tama? Ano mga bagay na masasabing tama at mali kong ginawa? Gang sa mapadako ang munting kaisipan ko sa sulok ng mga pangarap… aha! Surprised! May ganun pala? Eto yata yung tatlong stages, spots, steps… hmmm whatever you may call it, it doesn’t matter kasi I believe the following are those that I never stop doing… and will never be.
Playing: sa paglalaro ko nahubog ang pakikipag kapwa tao. Dito rin maaring nahubog ang pagkakaroon ng rational decision, pero gaya rin ng paglalaro hindi lagi panalo, pwedeng maging taya at buro, basta ang mahalaga handa kang makipag patintero sa buhay. Pick-a-boo, magugulat ka pa at makaka BASE ka rin. (more…)
36 comments September 22, 2009
Too FAR yet EFFECTIVE!
Note: This was filmed in an actual situation in crowded train station; he was with his real mom. The reaction of this boy was real and not scripted; he saw his mom leaving and thought that his mother had left him.
The first time I saw this video made me tear up. Naging controversial ang ad na ito, dahil kahit maganda ang intensyon iba pa rin kung may trauma/takot sa isang batang kahit ilang minuto lang pinaniwalaan pa rin nyang iniwanan sya ng magulang nya. Ang commercial na ito ay para sa isang magandang intensyon, nakakalungkot man isipin na kailangan pa gumamit ng isang batang walang malay at inosente para lang maging aware tayo sa masamang dulot ng isang bisyo. Sana wag na lang maulit, baka kasi gayahin pa ng iba just to create controversy.
My VERDICT: This commercial is actually a lil too far yet effective.
43 comments September 6, 2009

